Chapter 3

241 82 2
                                    

Krisha POV



Tanghali na ako nagising grabe napasarap yung tulog ko. Bumangon na ako tapos sinuklay yung mahaba Kong buhok at pumunta sa banyo para mag hilamos at mag sipilyo.

Tinignan ko sa salamin yung mukha ko. Maya maya ay biglang nalaglag yung sipilyo ko kaya pinulot ko yun, natigilan ako nang may napansin akong kakaiba para bang may nakatingin sa akin iniangat ko yung ulo ko at napatingin sa salamin nanlaki yung mga mata ko nang makita ko yung sarili ko sa salamin nakatingin sakin nakatakot yung ityura.



 Maya maya ay biglang nalaglag yung sipilyo ko kaya pinulot ko yun, natigilan ako nang may napansin akong kakaiba para bang may nakatingin sa akin iniangat ko yung ulo ko at napatingin sa salamin nanlaki yung mga mata ko nang makita ko yung sarili...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla na lang akong napaatras nang Makita ko Yun nanlilisik yung mga mata nya, nakakatakot!

Nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na yun Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nakatingin parin sya sakin. Bigla na lang lumabas yung kamay nya sa salamin, at isang nakakalokong ngiti ang ipinakita nya. Hindi ko na mapigilang mapasigaw. "AAAHHHH!!!" Napaupo na Lang ako sa sahig magkadikit ang dalawang tuhod ko habang ang dalawang kamay ko ay nakatakip sa mukha ko.

Maya maya ay sumilip ako, wala na sya dun. Napahinga ako ng malalalim pero may biglang humawak sa balikat ko, bigla akong nagulat dahil dun napatayo ako at pag lingon ko....

"Apo ayos ka lang ba?" kitang Kita ko yung pag aalala ni lola.

"O-opo lola a-ayos lang po ako". Binigyan ko sya ng pilit na ngiti.

"Bakit ka sumigaw ?akala ko kung ano na nangyari sayo jan sa loob." Seryoso nyang sabi.

"Ahh eh may i-ipis p-po kasi" pag sisinungaling ko.

"Ahh ganun ba, nga pala halika na mag tatanghalian na tayo tawagin mo na si Lourine sa kwarto nya."

"Sige po". Sagot ko.

Naglakad na ako paalis ng banyo at pumunta sa kwarto ng kapatid ko. Habang nag lalakad naiisip ko parin yung nangyari kanina. Natatakot parin ako dahil sa nangyaring yun. Nananaginip ba ako? Pero hindi ehh Alam ko totoo yung nakita ko. Natigilan ako sa pagiisip dahil hindi ko napansin nasa tapat na pala ako Ng pintuan ng kwarto ng kapatid ko, Kumatok ako sa pintuan nya, pero Hindi sya sumasagot.

"Lourine anjan kaba?". Tanong ko

Pero hindi parin sya sumasagot Kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nadatnan ko syang nakatayo at nakatalikod sa akin.

"Lourine!" Sigaw ko sa kanya pero hindi nya parin ako nililingon.

Hindi parin sya umaalis sa kinatatayuan nya nasa ganong posisyon parin yung katawan nya kaya nilapitan ko sya at dahan dahan kong nilapit yung kamay ko para hawakan yung braso nya pero natigilan ako nang bigla nyang hawakan Yung kamay ko. Ngayon nakaharap na sya sakin at nakatingin sya sakin ng masama.

"Lo-Lourine o-okay ka l-lang?." Nauutal kong sabi dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Krisha umalis ka na dito!" Galit nyang sabi.

Bakit ? Bakit nya ako pinapaalis ano bang nangyari sa kanya parang Hindi ko sya kapatid dahil sa mga ikinikilos nya at sinasabi.

"Sino ka? Alam ko hindi ikaw si Lourine!" Bakas sa boses ko Yung inis.

"Dahil mamamatay ka, kayong lahat!" Puno ng galit yung mukha nya kitang kita ko sa mga mata nya ang galit.

Pero Hindi ko maintindihan gulong gulo ako sa mga nangyayari sino ba sya? Bakit nya kami ginugulo? Ano bang kasalanan nmin sa kanya? Nadagdagan na nmn ng mga katanungan sa isip ko.

"A-anong ibig mong sabihin?." Tanong ko na may halong pagtataka sa mukha ko.

Natigilan ako at napalingon sa may pintuan nang marinig ang boses ni Mama mula sa labas.

"Krisha, Lourine hali na kayo bumaba na kayo kakain na." Tawag nya sa amin.

"Opo, bababa na po kami" sagot ko.

At ibinalik ko muli yung tingin kay Lourine pero nakahiga na sya sa Kama nya, nilapitan ko sya mahimbing yung tulog nya. Nagtataka ako nong mga oras na yun dahil ang bilis nyang makatulog, nilapitan ko sya at ginising. Maya maya pa ay nagising na sya.

"Ate bakit?" Tanong nya.

"Halika na bumaba na tayo kakain na." Sagot ko, may halong pagtataka parin sa mukha ko.

"Sige po susunod na lang ako." Walang buhay nyang sagot.

Nag nod na Lang ako at tinalikuran sya pero bago pa man ako makalabas ng kwarto nya sinilip ko muna sya para masiguradong okay na sya, nong makita ko na inaayos nya na yung higaan nya ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

Habang kumakain kami ay napatingin ako kay Lourine bigla ko kasi naalala yung sinabi nya kanina. Dahil mamamatay ka kayong lahat. Paulit ulit kong naririnig Yun sa isip ko para na akong mababaliw sa kakaisip hindi ko alam kung anong dahilan.

Hindi kaya may Alam si Lourine dito?

Natigilan ako sa pagiisip nang mapansin ko na nakatingin na pala sila sakin.

"B-bakit po?" Tanong ko na may halong pagtataka sa mukha ko.

"Ayos ka lang ba nak?." Nagaalalang tanong ni papa.

"Parang Ang lalim ng iniisip mo apo." Sabi naman ni Lola.

"Wag po kayo magalala ayos lang po ako." Sagot ko sabay nginitian ko sila.

Bigla na lang ulit akong napatingin kay Lourine seryoso lang syang kumakain na para bang walang pakialam.

Pagkatapos namin kumain ay sinabihan ko si Lola na ako na ang maghuhugas ng pinggan, nong una sinabi nya na sya na lng pero nagpupumilit ako, wala rin naman akong gagawin ngayon.

Habang hinuhugasan ko yung mga plato napansin ko ako na lang pala magisa dito sa baba, Kaya Dali dali  kong hinugasan yung mga plato. Pagkatapos ko hugasan lahat ay pinatay ko na yung gripo at pinunasan yung basa kong kamay.

Aalis na sana ako papunta sa kwarto ko pero natigilan ako nang mapansin kong biglang bumukas yung gripo, bakas sa mukha ko ang pagtataka at nakaramdam ako bigla nang takot dahil hindi ako nagkakamali na pinatay ko yun bago ako umalis.

Bakit ganun? Sa pagkakaalam ko pinatay ko to ah?

Nagtataka akong Lumapit sa lababo para patayin yung gripo, at muling nag lakad na paalis.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama ko at naisipan ko na umidlip na muna dahil sa pagod at gusto ko rin  muna na ipahinga yung isip ko.


A/N: No edit, Grammatical error and typos ahead.

|Please vote and comment|❤

-End of Chapter 3-

Kiara (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon