Missing

6 0 0
                                    

"Garry!" sigaw ko sa kaniya. Akala ko hindi ko na siya ,aabutan pa ng dahila sa trapic."Buti na lang."usal ko sa sarili, kahit na hinihingal ay muli ko siyang tinawag.

 

Nakita kong napalingon siya sa akin at di nag-tagal, binitawan niya 'yung hawak niyang maleta saka tumakbo patungo sa akin.

 

Niyakap niya ako.

 

"A-akala ko, hindi ka na talaga darating..."nanginginig niyang sabi sa akin at mabilis na kumawala sa pagkakayakap. Binigyan niya ako ng 'make-face', dahil siguro sa pag-aalala niya na talagang hindi ako mag papakita sa kaniya.

 

Napangiti ako sa ginawa niya. Nag-salita ako habang mahina kong pinindot 'yung ilong niya."Pwede ba naman 'yon?"ipinantay ko ang mukha ko sa mukha niya at ilang segundo kong siyang pinagmasdan.

 

"Makikita  pa kaya kita ulit?"wika ko sa isip ko. pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang pag-sasalita.

 

"Hindi ka pwedeng umalis ng hindi ka man lang nagpapaalam sa'kin noh. Ano ka, heat and run? na pagkatapos mong guluhin ang buhay ko bigla ka na lang aalis! Aba, asensado ka!!"ang nadarama kong lungkot sa pag-alis niya ay naikubli ko sa pabirong hirit.

 

Napatawa siya kahit na nag-uunahan ng kumawala ang luha sa mga mata niya.Kasabay nun ang paghampas niya sa balikat ko.

 

"Tarantado ka talaga, Drew!"

 

Drew, yan ang tawagan naming dalawa mula ng maging magkaibigan sila.

 

"Oh, see edi napatawa kita.."masiglang kong sagot sa kaniya. tinignan ko siya at pinunasan ang luhag naglandas sa pisngi niya."Tama na 'yang pag-iyak ha! Sige ka, baka masiraan ka ng ulo sa pag-iisip sakin at mamatay ako ng di sa oras.. maawa ka naman sakin madami pang girls ang gustong makakita ng kagwapuhan ko--"bago ko pa naman matapos 'yung sinasabi ko bigla na lang niya akong binatukan ng pagkalakas lakas.

 

napahawak ako ng ulo ko na halos naramdaman ko ang paglaglag ng mga mata ko.

 

"Aray! ang sakit non ha?!"yan, ang isa sa mga mamimiss ko sa kaniya. Yung pag batok niya sakin na kahit sa harap ng maraming tao pa.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon