"S-stephen..."wika nito kahit hindi lumabas sa labi yung pangalan niya.
"Rheiiii,.." yun lang at tinatlong hakbang niya ang pagitan nila. Agad na kinabig niya ito patungo sa dibdib niya. Mahigpit na niyakap niya ito, at ganun din ang ginawa nito sa kaniya.
Katahimikan ang bumalot sa silid, tanging ang pag-iyak lamang ng kaibigan niya ang maririnig. Ramdam niya ang lahat ng sakit na nasa kaibigan ngayon. Mas masakit nun umiyak ito sa dibdib niya noong iwan ito ni Kevin.
"A-akala k-ko.. p-pati s-siya. m-ma-mawawala sakin.."panimula ng kaibigan niya. kahit na nanginginig ang tinig nito."H-hindi k-ko kaya , Stephen kung pati siya, mawawala sakin... Nawala na samin ang D-daddy nila.. I-iniwan na niya k-kami.."sa sinabi nito, tuluyang lumakas ang pag-iyak ng kaibigan niya. Hindi mapatid ang tulo ng luha nito. at naawa siya sa kaibigan, at the same time hindi niya maiwasang hindi magalit sa pinsan niyang si Andy.
Napahugot siya ng hangin. at napapikit ng mariin.
How do people take this kind of Pain? Sa kaibigan pa niya..
"A-ano ng g-gawin ko..? H-hindi ko na alam... W-wala na kong lakas.. A-anong g-gawin ko?!"piyok nitong tanong at paulit-ulit.
*Gusto kong sapakin, bugbugin ng paulit-ulit ngayon si Andy! Naiinis ako! Hindi Nagagalit ako!!! Nagagalit ako kay Andy. Sa ginagawa niyang pananakit kay Rheii..Gusto ko siyang sugurin kung nasaan siya at gilitan ng leeg ngayon. *
"Husssssshhhhh, Rheiii.. please. Alam mo namang ayokong nakikita kang gayan diba?"tanging tango lang ang nakuha niyang sagot sa kaibigan.
*Alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Kaya kahit papano, pinilit nitong pinakalma ang sarili. Pero, hindi parin mapapatid ang luhang kusang naglalandas sa pisngi nito.*
Buong pagmamahal na hinagkan niya ang ulo nito. Bago nag salita.
"Rheii.. Alam ko, mahirap.. at hindi madali.. Pero, katulad ng sabi ko sayo noon. Hindi masamang sumuko, kung paulit-ulit karin lang namang nasasaktan. Acceptance and Move-on.."naramdaman niyang muling pumatak ang luha ng kaibigan."Dalawang salita na madaling sabihin pero, mahirap gawin... Rheii.. aminado akong wala pa kong napagdadaan pagdating sa jan sa puso pero, sapat na yung nakikita ko sa inyo para matutunan ko yung mga bagay bagay.. "
*Oo na.. bobo man ako sa paningin ng iba pero, kahit papano may laman parin tong kokote ko noh..hindi lang puro kalokohan.*
Unti-unti niya itong pinakawala sa pagkakayap niya at tinignan ang kaibigan ng maiige.
"I know, mahirap gawin yun.. Pero, kailangan.. Para sa lahat.. Rheii, kung wala ka ng lakas para lumaban, then give up. Give him up.. Tama na yung ipinaglaban mo siya noon. Tama na. All you need to do, is to stop giving your self in this kind of pain. Wala kang lakas? Anong ginagawa nila Lally sa tabi mo? Mahal na mahal ka ng mga anak mo.. Nawalan na sila ng Daddy nung iniwan kayo ni Andy, hahayaan mo pa bang mawalan rin sila ng Mommy? Kung wala ka ng lakas para harapin yung bukas, then humugot ka sa mga anak mo ng lakas.. Tandaan mo. Mas kailangan ka nila ngayon, lalong lalo na yang batang dinadala mo ngayon. "
BINABASA MO ANG
The Promise
ChickLitI Am Stephen Loucho Sa'avedra's Says.. "Kasalanan ko bang pinanganak akong GWAPO? " babe, love me or hate me. i dont care. t his is me.. IALF