(TAKE IT OR, LEAVE IT.)

4 0 0
                                    

"Ipinapatawag niyo daw po ako, Mamita kong Maganda?"tanong niya sa kaniyang Mamita na sumungaw siya sa pinto ng study room nito.

"Maupo ka."Seryosong sabi nito. At kahit na nagtataka siya kung bakit hindi ito nag-react sa sinabi niya ay sumunod siya dito. Magdadalawang linggo na siyang spell sa School at wala siyang inatupag kundi ang gumimik kasama ang mga barkada.

"Ano pong sasabihin niyo sa akin?"curious na tanong niya dito.

Isang marahas na hangin ang pinakawalan ng Mamita niya, bago nag-salita ay inabot nito sa kaniya ang isang broen envelop.

"What is this?"

"See it for your self."Mabilis naman nitong sagot.

mabilis niyang tinignan ang laman ng envelop. 

Ang card niya...

Napangiwi siya sa mga nakita.

IT'S FLAT REDDDDDDDDDDDDDDDD!!!!!!

"Mamita.."

"You don't need to explain, Stephen,"wika nito at humugot ng hangin."Nakausap na namin ng Daddy mo si Mrs. Selso, and accolrding to her... she is willing to give you another chance para makasama sa magtatapos ngayong taon."

"Really..."tuwang-tuwa sabi niya ng malaman sa Mamita niya ang maagandang balita, atleast, hindi na siya mag'guilty pa sa nangyari."Ang bait talaga ni Mrs. Selso, kahit na misan maypagka Bruha."natatawa niyang pahayag.

"In one condition."saka siya tinitigan ng kausap.

Mabilis na nabura ang ngiting gumuhit sa mukha niya. Nang marinig ang deklerasyon nito. Nagsalubong ng husto ang kilay niya.

"What?"

"You need to perfect the test this coming periodical."she said bluntly.

Napaangat siya ng tingin sa Mamita niya.

"ANO?"hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Pag nagawa mo 'yun. Makakagraduate kana."

Unti-unting nagrehistro sa isipan niya ang sinabi ng kaniyang Mamita. Nangunot ng husto ang noo niya at mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya."Are you all, OUT OF YOUR MIND? MAMITA!"natatarantang wika niya dito."or this is some kind of joke?!"dugtong niya sa tonong hindi makapaniwala.

"Hindi ko ginagawang biro ang ganitong bagay, Stephen."pormal na pahayag ni Margarita sa sarkastikong ekspresyon ngayon ng kaniyang apo."You are twenty-three and it's high time to you na patakbuhin mo ng maayos ang buhay mo. Just kile your brother, your sister and ofcourse, your cousins."

Napatawa siya ng sakastiko."How could i do that, huh? 'yun ngang nasa school ako hindi ako makapasa tapos heto kayo at gusto ninyong iperfect ko ang periodical test?"

"Kung tungkol d'yan ang inaalala no, don't worry nakahanap na kami ng Dddy mo ng magtuturo sa'yo sa susunod na tatlong buwan. Magaling siya, actually kaka'graduate lang niya ng law sa Harvard University. Guest what... siya ang nangunguna sa buong University."buong pag-mamalaking wika ng kaniyang Mamita.

Ilang sandali ang pinalipas ni Stephen, bago siya nag-salita. Holding onto this ears as much as he could.

"So, nakaplano na pala lahat?!"wika sa paraang tanong ngunit naroon ang kasiguraduhan at pinaghalong half sarcasm and half anger."What if...what if, h-hindi ko magawa 'yung gusto niyo? what if, hindi ko maipasa 'yung test?"

Marahang tinitigan siya ng kaniyang Mamita na kababakasan ang pag kaseryoso sa susunod nitong sasabihin sa kaniya. Narinig niya ang marahas na pagpapakawala nito ng hangin bago nito basahgin ang katahimikang nag-hari sa pagitan nilang dalawa.

"Then ready your self,"wika nito at makahulugang binigyan siya ng tingin sapat para kabahan siya sa consequence na ibibigay nito sa kaniya.

Lalong sumalubong ang mga kilay ni Stephen, at lumalim ng husto ang kunot niya sa noo.

"W-what do you me by that???"

"Maaari mo ng gawin ang gusto mong gawin. Hahayaan ka na namin, Mambabae ka, Magbar kasama ang mga barkada mo, Titigil ka na sa pag-aaral mo... LAHAT STEPHEN.. do whatever you want. but, we already decided to disherit you, Stephen and we all agree on that terms."mahabang paliwanag ng kaniyang Mamita kung tutuusin hindi naman ata yun paliwanag sa kaniya eh.. isa yung maootoridad na desisyon.

"Y-you can't... you can't do this to me!"sa pagkakataong yun hindi na niya napigilan pa pinaghalo-halong galit,at pagkabigla."That is cruelty!!!"he shouted furiously.

"We can and we will, Stephen. Think about it.."wika ng Mamita niya sa mahinahong pananalita.

Nang hihinang napaupo siya muli sa upuang kanina'y inuupuan. At naiinis na napahilamos ang mukha ng kaniyang kamay.

"Why are you doing this to me???"tanong niya sa Mamita niya na hindi Kababakasan ng awa sa mukha.

"Para ayusin mo ang ang buhay mo. Sawang-sawa na kami sa mga kalokohang pinag-gagawa mo sa buhay.at mukhang wala ka talagang balak na ayusin ang buhay mo kaya naman ito ang napagdesisyonan naming lahat. It's now or never"

Tumayo na siya Kasabay ng malakas na pagtawa. Tawang marahas, mapang-aasar at nakakaloko na kung ikaw man ang makarinig malamang kaiinisan mo ng sobra. At bago siya tuluyang lumabas ng study room nito ay timigil siya sa kakatawa at sa gulat ng may edad na babae ay pumalakpak siya at nag-salita ng sarkastiko.

"Great! This is great, Mamita.You and Dad."patuya niyang sabi dito at padabog na ibinagsak niya ang pinto.

Napapailing na sinundan ng tingin ni Margarita ang apo.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon