~5th Day~Part II

4 0 0
                                    

Matapos ng visiting time, umuwi na sila sa bahay nila Rhea kasama ang kambal. Nag paiwan si Lally dahil gusto nitong bantayan ang Mommy niya.

Nakatulog na din yung dalawang barako.. kaya matapos maasikaso ang dalawa lumabas siya ng kwarto at nagpahangin sa teris. tanging ingay lang ng kuliglig ang maririnig.

Nagpakawala siya ng hangin.

Hindi niya lubos maisip na magagawang iwan ni Andy ang pamilya niya. Hindi yun ang Andy'ng kilala niya.

Alam niyang may dahilan kung bakit nito nagawang iwan ang pamilya. At yun ang aalamin niya, pero, makakatikim muna ito sa kaniya. At sigurado yun.

Nasa ganoong pag-iisip siya ng may biglang magsalita sa tabi niya.

"Hindi ko alam,.. May ganun ka palang side.." napalingon siya dito. 

Reaction.

O___O

*Anak ng!!! Anong ginagawa niya dito? 

Ay shetlang gala! Oo nga pala kasama ko siya kanina pa sa hospital ni hindi ko nga lang siya napansin kasi alam niyo nahhh... BC ako.*

"Biruin mo yun., Si Impaktong Bakulaw na katulad mo mabait din pala hhashash"

*hala... dont tell me.. nakita at narinig niya yung mga sinabi ko kanina? tsk.. Di lang pala siya Amazona, Chismosa pa!*

"Pssshh... Sige.. tawa pa.. pasukan sana ng kuliglig yang bibig mo!" mahinang sabi niya dito. Wala siya sa kondisyon para makipag talo ngayon dito.

Hinintay niya pa na batukan o, pingutin ulit siya nito. Pero lumipas ang limang minuto hindi parin siya nito sinasaktan. Nagtatakang nilingon niya ulit ito.

*Halaaaaaaa... Nasan si Impaktang Amazona ba 'tong kasama ko? O baka sinapian ng maligno?! Dyosmio marimar!!! Anong gagawin ko kung ganun nga ang nangyari... 

Choices..

A. Kakaripas ako ng takbo..

  O,

B. Sasampalin niya to yung ubod ng lakas para lumabas yung nakasapi sakanya.

whahahassha... ang brutal eh noh. hehehe pero diko nnan gagawin yun. kahit gigil na gigil na kong tirisin tong babaeng toh.. hindi ako ganun noh*

Narinig niya ang pagpapakawala nito ng hangin.

O__O 

*Hala... mukhang sinapian nga.*

winisikwisik niya ang dalawang kamay niya sa mukha nito na may tubig.

"HOY!!!! SINO KANG MALIGNO KA! LUMAYAS KA SA KATAWAN NG AMAZONA KONG TUTOR." sigaw pa niya.

"Ay.. A-Ano ba! Leket!!! Impakto kang Bakulaw ka! itigil mo yan!" sigaw din nito sa kaniya. habang iniiwas ang mukha.

"Layas!!!! Isekreya.. Isekreya .. asalehere.." dasal niya with matching pagpag pa ng kamay.

"Hoy! anong bang pinagsasabi mo? bwisit ka! Anong sinasapian ng maligno?! eh kung ikaw kaya ang ibaon ko sa lupa ng lamunin ka ng maligno."galit na sigaw nito.

"Isekreya.. Isekreya.. asalehere.. " patuloy niya sa pag kanta. Hindi niya pinansin ang pagwawala ng maligno sa katawan ng kaniyang Amazona.

"ANO BA!!!! SABI NG ITIGIL MO YAN EH..ISA!!" banta nito.

napahino siya sa pagkanta at napatingin sa katabi niya.

*whahahahahahahaaaa!!!!!!!! O__O h-hindi siya sinapian? hala...*

"Ang i-ibig mong sabihin... h-hindi k-ka.. S-sinasa-----"hindi na niya na ituloy ang sasabihin ng naramdaman na niya ang pagpilipit nito ng tenga niya. "A-ahhhhhh.... rayyyyyyyyyy!!!!" hiyaw niya dahil sa sakit.

"Gago ka!!!! Sapi-sapi ka pa dyang na lalaman. Tsk.. tarantado ka talag kahit kailan. Bwiseeeeet.!!!!"

"Ahh.... T-tama nahhhh.. M-masakit.. !!!!P-peace na tayoooooo!"

*hahahaha yap. sa pingot nagtapos ang 5th Day ng pagiging mag Tutor at Student namin.*

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon