Barumbadong PUSO

4 0 0
                                    

"May nagawa ba akong mali, Stephen?"naiiyak na tanong ni Cindy sa kaniya. 

Nakita niyang nangilid ang luha sa mga mata nito at nagsimula ng hawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa table.

"Kung dahil 'to kagabi, please...don't mind it na lang.. Nadala lang naman ako ng selos kagabi eh..Plese naman, Stephen.. Mahal na mahak kita ehhh...."pagmamakaawa nito sa kaniya.

Napataas siya ng kilay sa sinabi nito.

*Woahhh... see.. sabi sa inyo ang tindi ng kamadag ko eh.. kung makapagsabi ng mahal na mahal kita parang ang tagal na naming mag karelasyon eh no? hehehehe :) eh, samantalang kagabi lang naman naging kami.*

Napatingin siya sa paligid, napansin niyang nakakaagaw na sila ng pansin. Mabilis niyang binalik ang pansin kay Cindy na ngayon ay napapalakas na ang paghikbi.

He greeth his teeth at napailing siya.

"Please... Stephen. Gagawin ko ang lahat. Wag mo lang akong iwan oh..."halos lumuhod ito sa pag-susumamo nito sa kaniya para lang mabago ang desisyon niya. Pero, kahit ano yatang gawin nito, kahit maglumpasay  pa nga ito sa harap niya ay hindi na talaga magbabago pa ang isip niya.

Nagpakawala si Stephen ng hangin.

"I'm sorry."wika niya habang pinagmamasdan ang si Cindy na walang tigil sa pag-iyak."Ayoko na talaga.. Sana, maintindihan mo."

Naramdaman niya inalis na nito ang kamay sa ibabaw ng kamay niya. Mas lalong lumakas ang iyak nito na ikinaalibadbaran niya.

"H-hindi na ba talagamag-babago?"mahinang tanogn nito na sakto lang para makaabot sa pandinig niya.

"Hindi na.."Ilang sandali pa, at umalis na ito ng hindi nagpaalam man lang sa kaniya.

Napailing ng sunod-sunod si Stephen habang sinusundan ito ng tingin.

Asual, always naman na ganun ang nangyayari sa mga babae pag hiniwalayan na niya.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon