[Meeting with My Tutor]

5 0 0
                                    

Tatlong katok na naman ang nagpaalarma sa kaniya.Agad siyang nag-talukbong ng kumot at nagkunwaring tulog parin.

Narito na ulit siya sa bahay ng Mamita niya, Napilit kasi si Aya na bumalik sa Mansion. At labag sa loob niya, ang ginawa niya pagpayag dito.. wala siyang magawa. Ayaw niyang magtampo ulit sa kaniya ang pinsan niya at tinuturing niyang Little Princess.

At heto ang consequence ng pag balik niya sa poder ng Mamita nila. Ano pa nga ba??

Edi ang magkaroon ng Tutor that suite for 3 months.

Actually, kanina pa talaga siya gising pero, nagkukunwari lang siya tulog para tantanan siya ng Mamita niya sa plano nitong pagpapakilala sa kaniya ng magiging Tutor niya.

Narinig niyang bumukas ang pinto at naramdaman niyang may pumasoK. Nag desisyon siyang manatiling mag'tulog-tulugan alam, alam niya kasing ang Mamita niya lamang ito.

"Tsk.. tsk.. tskk.. tskkkk..."narinig niyang pagpalatak ng Mamita niya. At kahi na nakapikit siya alam niyang panay ang iling nito ngayon."Bango na Stephen. Alam kong gising ka na.. Kanina pa. Tumayo ka na dyan at mag-ayos ng sarili mo, then wait me sa study room ko."naramdaman niyang lumakad ito patungo sa pinto at binuksan ito pero, bago tuluyang lumabas ay muli itong nag-salita."15mins. kapag hindi ka pa bumangon.. Ipapaputol ko ang lahat ng credit cards mo."

Wala siyang balak na sundin ang Mamita pero, sa sinabi nitong ipapaputol ang lahat ng credit cards niya.. Napabalikwas siya ng bangon at inis na ginulo niya ang sariling buhok.

Now, walang siyang choice kundi ang sundin ang utos ng Mamita niya, dahil kung hindi.. malamang DEDO na siya. Credit Cards ang buhay niya, hindi niya kayang mabuhay ng wala ito.. Paano niya mabibili ang mga luho niya?

Gusto niyang magalit sa mga pamba'blackmail na ginagawa nito, mapasunod lamang siya sa mga gusto nitong mangyari.

Isang marahas na hangin ang pinakawalan  niya bago tuluyang bumangon, at mag-ayos ng sarili. Napangiti siya ng biglang may umilaw na bumbilya sa utak niya.

Matapos niyang maayos ang sarili, agad siyang pumunta sa study room  ng Mamita niya. Hindi na siya nag-abala pang kumatok pa dito at basta na lang siyang pumasok. Pinalibot niya ng tingin ang buong kwarto pero, wala roon ang hinahanap niya. 

Nagpasipol-sipol at naupo siya sa swilve chair ng Mamita niya. Tinignan niya ang librong nakapatong sa table ng Mamita niya. Nasira ng husto ang mukha niya ng makitang hindi niya type ang mga librong Novela.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon