Inis na tinungga ni Stephen ang alak na nasa baso niya. Badtrip na nga siya dahil sa Tutor niyang Amazona, heto't pinagtitripan pa siya mga SIRAULO niyang kaibigan. Na walang bukas kung tumawa, mga SIRAULO! Tama ba namang pagtawanan ang lahat ng pinagdaanan niya sa kamay ng Imapaktang Amazona na 'yun.
"Hahahaha.. S-seriously, S-stephen. We wanted her to meet." si Erick na tawa g tawa kaya naman nauutal na ito at napapahawak pa sa tiyan.
"Yeah... Right. Gusto naming makila ang babaeng una sa lahat mo!" si Norman naman na tatawang sinasabi at may halong pang-asar.
"Tsk...."yun lang at inismiran niya ang mga ito na lalong ikinatuwa naman ng mga balasubas niyang kaibigan.
"Biruin mo 'yun,"si David."The Highest migthy, Stephen Loucho Sa'avedra... Nilalampaso lang ng isang BABAE."at ayun nah... Sabay-sabay pa silang nagsitawan ng malakas saka naghigh-5 na parang mga gago talaga.
Inis na binalingan niya ang mga ito at binato ng snacks nila, lalo tuloy nagtawanan ang mga tarantado.
"Pasukan sana ng langaw 'yang mga bibig niyo."inis na sabi niya dito. At tumayo na siya.
"Oh, Pare. Teka, san ka pupunta?"si David ang nagtanong ng mapasin na tumayo siya.
"Sa C.R, gusto mong sumama?"
Halakhakan ang naging tugon ng mga siraulo niyang kaibigan.
Mga tarantado talaga! Dahil kahit na nakapasok na siya ng CR. naririnig parin ang tawagan ng mga ugok niyang kaibigan.
Tsk.. Kung sa bagay, sino ba naman hindi matatawa? Eh, para siyang daga na tago ng tago sa halimaw na pusa.
Pangalawang araw na niyang tinataguan ang Amazona niyang Tutor.
Nagawa niyang mag-ala "Rapunsell" Alam niyo 'yon? 'yung pagbubuhulin lahat ng makikita mong mahaba para maging lubid at makatakas siya.
Paano ba naman, kilala na siya ng Grandma niya kaya lahat ng maid's at guard hindi siya hinahayaang makalabas ng mansion hanggat hindi pa tapos ang klase niya. Ang kaso, gabi na natatapos at nakasarado narin ang gate and no one can OPEN IT unless may permission ng Mamita niya na sadyang tulog na g 6pm.
BINABASA MO ANG
The Promise
ChickLitI Am Stephen Loucho Sa'avedra's Says.. "Kasalanan ko bang pinanganak akong GWAPO? " babe, love me or hate me. i dont care. t his is me.. IALF