(KONSENSYA MODE ATTACK)

6 0 0
                                    

Sadsad sa dingding si Stephen, hinihingal na siya.

"Damn! Talagang uhaw na uhaw ang ulikbang bakulaw na 'to sa dugo ko!"naiinis na sabi niya sa sarili pero, hindi niya hahayaang magtagumpay ito. Kung kinakailangan niyang gamitin ang nalalaman BAKIT HINDI?

Heto na at susugurin na naman siya. Nagtangis ang mga baga sa kaniyang mga mata.

Isang Headbutt ang ginawa niya. Bagsak ang mayabang na Ulikbang Bakulaw.

"Yabang! Wala Naman palang binatbat. tsk..Nag sayang lang pala ako ng panahon dito."naiiling niyang wika bago tuluyang magpasyang umalis pero napahinto siya sa paglalakad ng makita niya ang tatlong taong parating.

Ang Guidance Councilor nila, at sa likod nito'y ang Mommy at Daddy niya.

"Patay ka dihaaaaa...."Usal niya na hindi man lang lumabas sa kaniyang bibig.

*'Yan si Stephen Loucho Sa'avedra. Takaw gulo! Hindi ko alam peo, kahit na ano 'yatang iwas ko sa gulo.

Ang gulo talaga ang humahabol sakin.*

(Sa Principal Office)

"Wala na po bang ibang paraan, Mrs. Selso?"wika ng kaniyang Mommy sa Principal nila. 

Matapos kasi ng nangyari, agad na ipinatawag siya sa Principal's Office.

"I mean, last quarter na nila. Baka pwedeng bigyan niyo pa ng isa pang pagkakataon ang anak ko. Sayang naman kung hindi na nman siya  makakatapos ng High School Level. He's 23 years old."Mahabang sabi ulit ng Mommy niya.

"That's exactly what my point is, Mrs. Sa'avedra."wika naman ni Mrs. Selso sa kaniyang Mommy. Pagkatapos ay tumingin kay Stephen na tila walang pakielam sa nangyayari. Bago muling nag-salita ay sunod-sunod itong umiling at nagpakawala ng marahas na hangin. "He's already 23 yrs old, pero hindi niya 'yun ginagamit sa magandang paraan para maging modelo ng kabataan. Sa halip, ay nakikipagbasag ulo siya sa mga nakakabata sa kaniya. Na siya dapat ang umawat bilang Senior nila."mahabang paliwanag ni Mrs. Selso sa mga magulang niya.

"Is that your final decision, Mrs. Selso?"ang Daddy niya naman ang nagtanong.

"Sa ngayon ho, Mr. Sa'avedra ay iyon muna ang pasya ko."sagot nito sa Daddy niya.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon