CHAPTER TEN: A theatre to play

104 2 0
                                        

New Cast: Ate Anna Muhlach as herself

Quote for a day:

"Don't change your dream because of someone. Change your dream because your heart says it so."

Baka, mas mag-focus po ako ng narration dito sa part na 'to. Gawa nu'ng hindi ko na bibigyan ng highlight 'yung ginawa nilang play. So hope you guys enjoy!!! Take note po, ah. Hindi po ako marunong magpaiyak.

So ito na. sobrang busy ng lahat sa magaganap mamaya dahil may pag-gaganapan sila ng play. Hindi nila alam kung ano ang mangyayari pero bahala na. Pero sila gusto nila ang ginagawa nila kaya pinagdadasal na lang nila ito.

Papalapit na ng papalapit ng oras hinahanda na nila ang gamit sa theatre. Mga damit, accessories, props, at iba pang mga kailangang gamitin para sa kanilang nagaganap na patimpalak. Lahat kabado, lahat hindi alam ang ending pero sila'y nagdadasal ng pagiging successful.

Nag-simula na ang kanilang patimpalak at lahat ng imbitado ay nanonood. Kasama ang pamilya ng mga kasama sa play.

Habang pa-intense ng pa-intense ang istorya, lahat ng tao ay mas naging focus sa magaganap sa susunod dahil nagugustuhan ng tao ang kanilang performance at kinatuwa naman ito ni Mommy Carmen.

Nang matapos ang performance or patimpalak nila ito ay nag-palakpakan at standing ovation nu'ng nag-vow na ang mga kasama sa plays even 'yung mga stage managers. Of course, kung wala sila walang mag-o-organize ng kanilang mga gamit.

BACKSTAGE:

Mommy Carmen: Congratulations, Guys!!!

Niyakap naman ni Mommy Carmen ang mga alaga pahudyat ng sobrang proud siya dito.

Lahat naman ay nagsipag-iyakan dahil hindi nila inaasahan na ang first performance nila ay magiging successful. So, they are expecting more plays to come.

Mommy Carmen: At dahil iyan, lalabas tayo. No worries, it's on me.

Tuwang tuwa naman ang lahat at ito'y sumakay na sa kanilang van at nagkita kita sa rooftop. Dahil doon na lang nila gustong kumain at mag-celebrate.

Aga's POV:

Sobrang naw-we-weirduhan talaga ako kay Lea hindi ko alam kung dahil ba sa nabasa ko. Kaya may plano ako. Kukuntyabahin ko sila Mommy Carmen at magpapaalam ako sa Mommy and Daddy niya kung puwede kong gawin 'yun para naman may basbas nila. Tutal, nandito lang naman kami. Hindi naming siya papabayaan.

FAST FORWARD:

Nakapag-paalam ako sa mga adults and they agreed basta daw andoon ang pinaka-panganay naming na pinsan kaya naman nanghingi ako ng favor.

Aga: Ate, favor.

Ate Anna: Ano? *Habang may ginagawa*

Aga: Gusto kasi ni Tita Morissette, may adult kaming kasama kapag iinom. Dali na, please? May gusto lang akong malaman.

Ate Anna: Ano naman ang gusto mong malaman?

Aga: 'Yung totoo. *May inabot kay Ate Anna*

Ate Anna: I see. Do you really want to do this, ba?

Tumango lang si Aga.

Ate Anna: Bakit?

Aga: Ever since Ate, mas naging kumplikado ang buhay ko. Hindi ako makatulog kakaisip kung totoo ba, hindi ako mapakali, hindi ako makapagisip.

Ate Anna: Mahal mo ba?

Tumingin lang ito kay Anna.

Napaisip ako doon sa tanong. Mahal ko ba si Lea? In denial lang ba ako? O sadyang namimiss ko lang ang best friend ko?

Aga: Tutulungan ba ako?

Ate Anna: Fine.

Aga: Thank you! *Napayakap* Spoiled ko talaga sa'yo.

Ate Anna: Oh, tara sa rooftop.

Pumunta na kami sa rooftop at nagulat kami na nag-iinom na si Lea at para bang ang dami nang nainom.

Maria: Sorry. I-I know how you cared about her. H-hindi ko kasi mapigil. Siya nagpupumilit. S-s-sorry p-pre.

Kabadong pag-e-explain ng pinsan ko. Alam kasi nila kung paano ko alagaan si Lea and kung paano ako mang-away kapag may nang-aaway din sa kanya.

Aga: Pre, okay lang. *Niyakap si Maria* Sige na, ako na bahala dito.

Author's POV:

Lumapit na si Aga kay Lea.

Aga: L-lea, tama na 'yan. Pag-usapan natin 'to.

Nakonsensya siya sa paglalasing kay Lea. Kaya pinababa niya na si Ate Anna dahil ayaw na niyang ituloy ang plano. Sa panahon na 'yun, tingin niya naging makasarili siya.

Hindi kaya Makita ni Aga na nagkakaganun si Lea.

Tumingin naman dito si Lea.

Lea: Ohhh.... Ang manhid manhid mo! *Tumulo ang luha* Ikaw! *Tinulak at tinuro niya ito* Hindi mo ba alam na mahal kita?! Hindi mo alam?! Manhid mo!!! Paiyak iyak ka pa diyan andito naman ako.

Natumba si Lea at nasalo naman ito ni Aga. Agad namang nakatulog si Lea at pinasok na siya sa kuwarto.

Biglang may kumatok.

Aga: Pasok.

Binuksan ang pinto at Nakita niya si Mommy niya.

Aga: Ikaw pala 'yan, Mama. *Bumeso*

Mommy Glenn: Anyare diyan?

Aga: I was talking to Ate Anna. Pagkaakyat ko, nagpakalasing. Bantayan ko na lang po, Mama. At sa lapag na lang po ako matutulog.

Mommy Glenn: Sure ka, anak?

Aga: Yes, Ma. Ako na po bahala sa kanya.

Tumango na lang si Mommy Glenn at sinarado ang pinto.

Subalit, hindi maalis sa isipan ni Aga ang mga sinabe sa kanya kanina ni Lea. Na para bang paulit ulit itong nare-rewind. Pero, may naalala siya. Ang natagpuan niya sa rooftop.

END OF CHAPTER.

Ano kaya ang natagpuan ni Aga sa rooftop na matagal na niyang pinagmamasdan. ABANGAN.

IN ANOTHER LIFE.Stories to obsess over. Discover now