Chapter Twenty Three

733 45 2
                                        

Skye Pineda

"Dad, I really want Bianca"

"Bakit hindi mo ligawan?"

"Ayaw niya nga akong paligawin eh. I need your help. Diba sabi mo, nung una ayaw din sayo ni Mom? Paano mo po siya nakuha?"

Tumango siya. "Talagang gustong gusto mo ang babaeng iyon?"

"Syempre naman, Dad. Turuan niyo naman po ako paano mahulog sa akin ang babae"

Napabuntong hininga siya. "Hindi ko talaga nakuha totally ang Mom mo. Napilitan lang siyang pakasalan ako, dahil nabuntis ko siya" kumunot yung noo ko. "Daughter, kung gusto mong makuha ang babaeng gusto mo. You have to make an important reason, para mapilitan siyang mag-stay sayo" ngumisi siya. "Kahit pilit, at least makukuha mo naman siya"

***

"Hi Bianca!" lumingon siya sa akin.

"What do you want?" suplada niyang tanong.

"Woah, feisty. I like that" kinindatan ko siya, inirapan niya lamang ako.

Nakiupo ako sa tabi niya. "Bakit ka nandito?"

"Gusto ko lang makasabay ka maglunch" pinatong ko ang braso ko sa leeg niya pero agad niya rin itong inalis, tinignan niya ako ng masama.

"Pwede ba, Skye? Layuan mo na ako!" tumayo siya pero hinawakan ko ang kamay niya at pinaupo muli siya.

"May party ngayong gabi sa mansion namin, I wanted to invite you"

"Ayaw ko!"

"Bianca, pupunta lahat ng Phoenicians doon. Please, punta ka na kasi"

"Ano bang hindi mo naiintindihan na sa sinabi ko? Ayaw ko nga diba?!"

I gritted my teeth. Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. "Kapag sinabi kong pupunta ka, pupunta ka"

"Ano ba, Skye! Bitawan mo nga ako, nasasaktan ako!" sigaw niya kaya napatingin sa amin yung mga studyante.

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "Brad, bitawan mo siya"

Napatingin ako sa babaeng sobrang puti, kumunot yung noo ko. Binitawan ko si Bianca, tumayo ako at hinarap ang nangahas na pigilan ako.

Napanganga ako sa tangkad niya. Hanggang bibig niya lang ako. Sobrang tangkad naman niya.

"Bakit? Sino ka ba? Ha?" maangas kong tanong.

"Megan?!" rinig kong sabi ni Bianca. Parang gulat pa siyang nakita itong babaeng ito, ba't parang kilala niya pa ito.

Biglang niyakap ni Bianca ang babaeng kapre. Kumunot yung noo ko, and I balled my fists.

Nagtitinginan na ang mga studyante, umalis na ako kaagad. Dumiretso ako sa parking lot, at pumasok sa kotse.

I gripped hard the steering wheel. Sumigaw ako ng malakas, nilalabas ang galit ko.

"Bakit hindi kita makuha, Bianca!" huminga ako ng malalalim. "Magsisisi kang hindi ako ang pinili mo, Bianca" ngumisi ako at tumawa ng mapait.

Pinaharurot ko na ang sasakyan at dumiretso sa bar.

***

*Underworld: Land of Dreams*

Third Person's POV

"May bisita po kayo, Amang at Inang" batid ni Iris sa mag-asawa.

"Papasukin mo" utos ni God Hypnos.

"Opo, Amang"

May pumasok na babaeng nakaitim lahat ng suot.

"My sister, bakit ka naman napadalaw dito?"

"Balita ko, may anak na babae ang aking pamangkin. Gusto ko sanang makilala ang anak niya" ngumisi siya. "Hindi ba't iyon ang nakasaad sa propesiya?"

Napasinghap si Goddess Pasithea. "Masyado pa siyang bata, sampung taong gulang pa lamang siya"

"Edi maghihintay ako ng isa pang sampung taon hanggang sa magdalaga na siya. Uulitin ko pa ba ang nakasaad sa propesiya? Oh sige. Ang sabi doon, ang unang babaeng ipapanganak sa ikatlong henerasyon ang magiging reyna ko sa kaharian ko. Alam naman nating hindi pwedeng hindi masunod ang propesiya, dahil kung hindi maaaring may masamang mangyayari"

Napabuntong hininga si Diyos Hypnos, hinahaplos ang sintido nito. "Ngunit hindi pa ito alam ni Morpheus"

"Edi ipapaalam ko, mahirap ba yun? Anyways, anong pangalan ng bata?"

"Hindi purong Goddess ang anak ni Morpheus, kalahating mortal siya"

Bumilog ang mata nung babae sa sinabi ni Goddess Pasithea. "Anong pangalan niya?"

"Sophia Iliones"

"What a beautiful name"

"Hindi mo pa siya maaaring makita ngayon, hintayin mo ang tamang panahon aking kapatid" saad ni God Hypnos.

'Maaaring mapabilis ko ang pagtanda niya kapag nakuha ko siya' isip nung babae, ngumisi ito.

"Paalam, aking kapatid at sa iyo rin Diyosa"

"Paalam, Thanatos" tumango lamang ang babae.

Nakangisi siyang umalis ang Goddess of Death.

'I'm coming for you, my future Queen'

***

Meanwhile sa Earth...

"Megan, bumalik ka!" niyakap niya si Megan ng mahigpit at mangiyak-ngiyak.

Nagulat si Megan sa aksyon ni Bianca, at nagtataka. Kumalas siya sa yakap. "Masaya kang bumalik ako?"

"I'm sorry, Megan. I lied. I love you" bulong niya kay Megan.

Muli siyang nagulat sa sinabi ni Bianca, hindi maipinta sa kanyang mukha kung gaano siya kasaya ngayon. Niyakap niya si Bianca, hanggang ngayon nakatingin pa rin ang mga studyante.

"Sama ka sa akin"

"Saan?"

"Just trust me"

'Oh, that phrase again' isip ni Bianca.

"I trust you" her lips sealed.

Nag-skip sila ng class sa hapon, pero sa ngayon walang pakialam si Bianca. Ang importante sa kanya, bumalik ang minamahal niya.

Dinala ulit siya ni Megan sa tree house, nakahiga sila ngayon sa kama na magkayakap.

"Bianca... I want to officially ask you. Wi---"

"Yes..." putol niya.

"Huh?"

"Yes, I will be your girlfriend" nakangiting tugon ni Bianca.

Ngumiti ng malapad si Megan at mas hinigpitan niya pa ang paghawak kay Bianca. "I love you" hinarap niya ito at hinalikan sa labi.

Nag-iba sila ng posisyon, nakapatong si Megan kay Bianca na naghahalikan pa rin. Hinahaplos ni Bianca ang leeg ni Megan.

Naramdaman ni Bianca na tinatanggal ni Megan ang butones ng blouse niya, kaya kumalas siya. "I'm sorry, Megan. Hindi pa ako handa sa susunod na mangyayari"

Napabuntong hininga si Megan at tumango, bumalik siya sa posisyon niya dati.

"Naiintindihan ko, hihintayin ko hanggang sa handa ka na" hinawakan niya ang kamay ni Bianca.

"Thank you..." biglang pumasok sa isip niya ang Mama niya. "Megan... paano kung malalaman ni Mama ang relasyon natin?"

"Anong masama doon?"

"Megan, ikaw ang dating minahal ng Mama ko. Ikaw ang Ama ng kapatid ko"

"Bianca... ikaw na ang mahal ko ngayon. Hayaan mong malaman ni Miranda, siya na ang bahala kung tatanggapin niya o hindi. Ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahalan natin. Kay Sophia... ako na bahalang magsabi sa kanya"

In The Arms Of MorpheusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon