Chapter Seventeen

768 39 1
                                    

Pinag-isipan ko yung mga sinabi sa akin ni Elena.

Dismissal na namin, pero ayaw ko pang umuwi. That's why I drived here at the park, nakaupo lang sa bench. Gusto ko lang mag-isip isip at mapag-isa kahit konting oras lang. Maraming mga couples ang pumapalibot, myghaaad. Tapos ako, mag-isa lang. Parang nahihiya na tuloy ako. Haist!

I've never experienced being in love, and I think that is a problem. Lahat ng tao naiinlab at nagka-crush, pero ako ganito. Walang maramdaman na sparkles, red strings, butterflies in the stomach. Not until I met her, Megan Oneiroi. I felt all those things na nabanggit ko whenever I'm around her, I thought I would never feel that but I was wrong.

Ilang weeks lang kaming, magkakilala but it felt like we've had known each other for a long time.

Megan is the definition of mysterious. Hindi ko siya kilalang husto, but I feel really comfortable with her. She creeps me out, and her actions are weird. Pero I never give a damn about her flaws, I accept her as who she is. I don't have the right to judge her.

"I never thought that you'd be here as well" napalingon ako sa nagsalita.

"Megan?" speaking of the devil.

Lagi na lang akong nagugulat sa presenya niya, wala man lang kasing bati. Baka talaga hindi siya mahilig.

Nakiupo siya sa tabi ko. "Nakita kita dito" tinitigan ko siya. "Don't be creep out, I didn't stalk you so don't worry" ngumiti siya.

"Bakit hindi ka pumasok kanina?"

"I have some important matter to attend to" tumango lang ako. "Why? Miss mo na ako 'no?" tukso niya.

Inirapan ko siya. "Your wish!" tumawa siya.

"So, why are you here all alone?"

"Wala lang. Ba't ikaw lang ba pwedeng maglibot libot?"

"I didn't say that. Hindi ka pa ba uuwi?"

Umiling ako. "Nope..." I responded popping the 'p'.

"Gusto mo bang sumama sa akin?"

Napatingin ako sa kanya. "Where?"

"Sa lugar kung saan masaya" malapad ang ngiti niya.

"Saan nga?"

"Sa puso ko, charot! Basta sama ka na lang sa akin" tinawanan ko siya.

Bumanat pa, may 'charot' pang nilalaman.

"Sige na nga, saan ba yan"

Nakangiti siyang tumayo at nilahad yung kamay niya. "Shall we?"

Tinanggap ko yung kamay niya. "We shall"

Sumusunod lang ako sa kanya na parang nawawalang tuta, nakahawak pa rin sa kamay ko.

Napansin kong lumalayo na kami sa park. Yung kotse ko, baka pagpyestahan. "Don't worry about your car"

"Why I would not?"

"I've already taken cared. Pinarada ko sa mas safe na lugar"

Kumunot yung noo ko. "Teka, nasa akin yung susi ng kotse ko"

"I have my ways. Huwag ka na mag-alala pa, safe yung kotse mo. Just trust me" tumahimik na lang ako.

I often hear that phrase. 'Just trust me'

Lakad lang kami ng lakad, hindi ko na alam kung saang banda na kami. Wala nang mga taong naglalakad dito na banda, lumalapit kami sa gubat. Pero, I need to trust her. Nasa gubat na kami, paakyat.

"Pagod na ako. Malayo pa ba?"

Tumigil siya kaya tumigil din ako. "Sakay ka na" nakatalikod siya tas naka bend yung knees niya.

"Sigurado ka?"

"Yeps, sakay ka na bago pa tayo abutan ng dilim dito sige ka"

"Sige na nga"

Natakot ako sa sinabi niya. Dahan dahan akong sumakay sa likod niya, nakaakap ako sa leeg niya. Nagpatuloy na siyang naglakad.

Hindi ko sinasadyang maamoy siya, ang bango niya. Pinatong ko yung ulo ko sa likod niya, nakakapagod iangat yung ulo.

"We're here" inangat ko muli yung ulo ko, saka ako bumaba mula sa likod niya.

Nakanganga ako sa tree house na tinititigan ko. May mga ilaw na nakadisplay sa labas. Maganda yung disenyo niya, cute pa. Parang ang ganda manirahan dito.

"Who owns this?"

Umakyat siya. "Follow me" sinundan ko siya. Inalalayan niya ako hanggang sa makataas kami sa bahay. Binuksan niya yung pinto at pumasok na kami.

Kung maganda sa labas, mas maganda pa pala dito sa loob. So comfy here, kumpleto ang mga gamit dito. Tapos yung kama, sakto lang din.

"Baka magalit yung may-ari dito"

"Why would I get mad?" tumawa siya. "Actually I lied to you, Bianca. I don't live at the town. I live here" ngumiti siya. "So welcome, feel at home"

"Wow! Dito ka pala naninirahan, pero hindi ka ba natatakot? Wala namang katao-tao dito, tapos mag-isa mo lang" nag-ikot ako sa bahay, tinitigan every details.

"Nope, hindi naman nakakatakot dito" presko niyang sabi.

Wow naman, fearless. Sana all.

Umupo ako sa kama, mas lalong comfy. Parang gusto ko na atang dito na matulog, pero nakakahiya naman sa kanya.

Tumabi siya sa akin. "Swerte mo naman dito. Sino ang gumawa dito sa tree house? Pwede humiga?" tumango siya.

Humiga ako sa kama, nakakapagod na kasi. Relax ko muna katawan ko.

"Ako"

Napatingin ako sa kanya. "Weh? Talaga? Ikaw lang?"

"Indeed"

"Nakakabilib ka naman. Sa totoo lang, parang masaya manirahan dito"

"I told you"

Napansin kong may pinindot siyang kung ano man yun, baka switch. Tapos biglang bumubukas yung ceiling, bumilog yung mata ko.

"What's happening?" taranta kong tanong.

Humiga na rin siya sa tabi ko. "Now we can see the stars"

"Wow" nakatitig kaming pareho sa mga bituing kumikinang sa itaas.

"So, Bianca..." tumingin ako sa kanya, nakatitig din siya sa akin.

Hindi ko magawang umiwas ng tingin, nakakaadik tignan yung mga mata niyang kulay abo. Nakakalunod.

Hindi ko napansing magkalapit na pala ang mga mukha namin sa isa't isa. Kaya medyo lumayo ako ng konti, tumingin ulit sa itaas.

I cleared my throat. "Maganda dito, swerte ka talaga" I can feel the awkwardness surrounding us.

Hindi siya sumasagot kaya tumingin ulit ako sa kanya, nakatitig lang talaga siya sa akin. "Uhm, sorry. Yeah maganda talaga dito. Pero mas maganda ka" seryoso siyang nakatingin sa akin.

Napanganga ako sa sinabi niya. "Really?"

"Yes" bulong niya.

Nilapit niya yung mukha niya, para akong tuod na hindi makagalaw. Isang pulgada lang ang pagitan namin.

In The Arms Of MorpheusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon