"Bessy!" lumingon ako sa pamilyar na boses, malakas talaga boses nitong best friend kong ito. Nagyakapan kami. "Aga mo ngayon ah, for the first time in forever" kinanta niya pa. Inirapan ko siya, tumawa siya.
"Kasi kagabi lang ako nakatulog ng maaga, bessy eh. As in, kagabi lang talaga. Iyon ata first ever record ko na pinakamaagang oras na natulog ako"
"Bess, bakit hindi mo kasi tine-take yung advice ko na gumamit ka ng sleeping pills?"
Umiling ako. "Hindi ko bet ng ganun eh, bess"
"Bianca, Elena" lumingon kami sa tumawag sa pangalan namin.
Si Marco, manliligaw ko. Crush siya ni Elena. Hindi ko naman talaga siya type, may itsura din naman siya. Pero hindi talaga muna ako interesado makipagrelasyon.
Ngumiti siya sa akin. "Pwede bang makisabay sa lunch mamaya?" tanong ni Marco.
Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Elena. "Oo naman" nasasabik na sagot niya.
Ngumiti ng malapad si Marco. "Sige, mamaya ha girls" kinindatan niya muna ako bago umalis.
Napabuntong hininga ako. "Bessy, alam kong ayaw mo siya kasabay mamaya pero pagbigyan mo naman ako please"
"Oo na, pero hindi ako makikisabay sa inyo. Kayo na lang dalawa"
"Huh? Bakit naman bessy?" takang tanong niya.
"Ayaw mo yun? Masosolo mo si Marco, para hindi siya sa akin magfocus. You know, parang set up date niyo na" suggest ko sa kanya, ngumiti naman siya.
"Oo nga 'no? Yieee, thank you bess" niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
"Sis, may new student daw. Sino kaya iyon?" rinig namin sa dinaanan naming mga babae.
Nagtinginan kami ni Elena. Pumasok na kami sa first subject namin.
"Our lesson for today is about dreams, yes panaginip" sabi ni Ma'am Clarity. Iba't iba ang reaksyon ng mga kaklase ko. "Have you ever heard about Lucid Dreams?"
"Ma'am. Yes po, yung kanta ni Juice Wrld" sagot ng babeng classmate ko. Tumawa yung mga kaklase ko, napailing lang ako.
"I still see your shadows in my room" kanta nung isang classmate ko na lalake, lalong umingay yung room at tinutuloy pa yung kanta.
"I mean yung meaning ng Lucid Dreams, mayroon bang nakakaalam dito?" May nagtaas ng kamay sa likod. "Uhm yes miss...? Oh wait, you're new right?" napatingin na sila lahat sa kanya. Teka hindi ko siya napansin ah, ngayon ko lang siya nakita. Siya ba yung sinasabi nilang new student?
"Yes ma'am, I'm the new student"
"Nakalimutan ko pa lang icheck yung attendance niyo, sorry" sabi ni Ma'am at kinalikot ang table hanggang nahanap niya ang attendance sheet namin. "Miss President, remind me whenever nakakalimutan icheck attendance niyo okay?" tumingin siya sa akin.
"Yes po, Ma'am" sagot ko.
"You're Megan Oneiroi?" tanong ni Ma'am Clarity sa kanya. Tumayo siya at tumango kay Ma'am.
What a pretty name, isip ko. Bigla siyang tumingin sa akin, wala akong magawa kundi ngumiti lang. Ngumiti din siya sa akin, may dimples siya. Napatulala lang ako sa kanya, may kumalabit sa akin.
"Bessy, tulo laway mo oh" binaling ko ang tingin ko kay Elena, inirapan ko lamang siya. "Miss Bianca Iliones to Mrs. Bianca Oneiroi. Ayiieeeutt!"
"Tumigil ka nga!" bulong ko sa kanya.
"So Ms. Megan, what do you know about Lucid Dreams?" tanong ni Ma'am.
"Lucid Dream is when a mortal, I mean a person, is aware that he/she is having a dream"
"Have you experience it?"
"Nope" maikling sagot niya.
"Okay, thank you for that Ms. Megan"
Tumango lang siya, at umupo muli. Lumingon ulit siya sa akin, this time umiwas na ako ng tingin.
"Bessy, namumula ka"
"H-huh?..."
"Haynako!" ngumisi siya sa akin.
***
Lunch na, naghiwalay na kami ng pupuntahan ni Elena. Pumunta muna ako sa library para kumuha ng libro, at saka diretso na sa school garden.
Umupo ako sa dati kong pwesto, sa tabi ng puno. Lagi kasing maaraw kaya doon na ako sa pwestong yun nasanay.
Nilabas ko yung pinabaon sa akin ni Mama, at kumain. Binuklat ko ang libro, mahilig ako magbasa ng mga nobela. Medyo dumilim, anino ito ah. Napatingin ako sa taas at nagulat ako.
"Megan?" anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako?
"Hello, miss President" ngumiti siya sa akin, nakita ko na naman yung dimples niya.
Bigla siyang nakiupo sa akin, wala man lang paalam?
"Uhm hello..." tanging tugon ko lamang.
"I didn't still got your name"
"Bianca Iliones" I extended my arm offering a handshake.
Nilapit niya ang kamay niya sa kamay ko, at doon naramdaman ko na ang malambot na kamay niya. Ano ba itong nararamdaman ko? Kakaiba eh.
Bumitaw agad ako. "Nice meeting you, Bianca" ngumiti siya. Tama na! Huwag ka nang ngumiti please!
"Nice to meet you too, Megan" ngumiti din ako sa kanya. "Naglunch ka na ba?"
Umiling siya. "Hindi pa eh"
Wala naman siyang kahit anong dala, kahit maliit na bag man lang. Studyante ba talaga ito?
"Gusto mo maki share ka na lang sa baon ko?" tanong ko.
In-offer ko yung nakalahati ko nang baong, dibale nabusog naman ako eh. Madaming nilagay si Mama ngayon eh.
Tinitigan niya yung lunch box. "Are you sure?"
"Oo naman, anukaba. At saka, busog na rin naman ako. Kaya sayo na lahat iyan" ngumiti ako.
Kinuha niya yung lunch box. "Thank you, Bianca" tinangoan ko siya.
"No problem"
Tinuloy kong basahin yung binabasa ko. Nasa kalagitnaan ako ng binabasa ng sinauli niya ang lunch box ko.
"Oh tubig" binigay ko tumbler ko.
"Thank you ulit" kinuha niya at uminom.
Tinitigan ko siyang umiinom. Wow ha, indirect kiss?
"Sorry naubos ko" kinamot niya ang batok niya at parang nagi-guilty.
Hala, ba't ang kyut naman nun?
"Okay lang" eh mukha naman siyang yayamanin ah, bakit parang ginawa pa akong manager. "Nga pala, bakit hindi ka nakapaglunch?"
"Madaming tao sa food court, kaya lumabas muna ako at naglibot-libot. Hanggang sa nakita kita, nakilala kita kaya lumapit ako"
"Ahhh. Ganun talaga sa food court, masanay ka na"
"Masarap yung baon mo, yung lasa parang natikman ko na noon"
"Naman, syempre si Mama ang nagluto eh" I smirked.
"Oh, you're lucky"
![](https://img.wattpad.com/cover/219062740-288-k66021.jpg)
BINABASA MO ANG
In The Arms Of Morpheus
Fantasía"Gusto ko lang matulog magdamag!" - babaeng may insomnia Book 1 - Morpheus Book 2 - Thanatos