"Explain..."
Magkaharap kaming nakaupo ni Mama sa living room, malapit lang kami sa isa't isa kaya mas lalo akong tensed.
Si Sophia naman, maagang nakikipaglaro sa mga kapitbahay.
Huminga ako ng malalim, it's now or never. Magpakatotoo ka lang sa Mama mo, Bianca. And then soon, everything will smoothly get better I hope.
Napansin kong may puting pusa na nakatitig sa akin sa ilalim ng coffee table, baka isa ito sa maraming pusa ng kapitbahay na naman. Wala atang pagkain doon kaya dito pumunta, pinabayaan ko lang iyon at tinuon ang atensyon ko kay Mama.
"Ma... may girlfriend na ako"
"Yes, alam ko na iyan. Just be direct already, Bianca" iyon talaga namana ko kay Mama eh, being direct and straight to the point. "Just tell me when and who is it"
"We've been together for a few days now... and her name is Megan Oneiroi, that Megan Oneiroi is... Morpheus" tumingin ako sa ibaba, narinig ko ang pagsinghap niya.
Ayaw kong titigan siya dahil natatakot ako, actually nanginginig na nga ako ngayon eh.
*Paaak!*
Napahawak ako sa pisngi ko, gulat na nakatitig kay Mama. Lumabas na yung mga luha ko.
First time na pinangbuhatan niya ako ng kamay, na-realized niya na sinampal niya ako kaya na-guilty siya pero mas nakikita ko pa rin yung galit sa mga mata niya.
"Anong sinabi ko sayo, Bianca?! Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo! Hindi ba't nilinaw ko sayo ang lahat? Sasaktan ka ng mga kapatid ni Morpheus! Hindi ka na rin ba nahihiya sa sarili mo? Ama ng kapatid mo, papatulan mo?"
Sobrang sakit ng mga sinasabi niya, mabigat pa ang nararamdaman ko ngayon. Parang sinasaksak ako ng paulit-ulit, ang sakit sakit. Ngayon ko lang nakita si Mama na ganito.
"Ma, mahal ko siya!" walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko.
Tinignan niya ako ng masama. "Makipaghiwalay ka na sa Morpheus na iyan at huwag kang makikipagkita pa sa kanya!"
"Ma, bakit hindi mo maibigay ang matagal ko ng gustong maramdaman? Bakit mo ipinagkakait sa akin na magkaroon pa ng isa pang magmamahal sa akin? Gusto ko lang naman maranasan ang may nagpapahalaga sa akin"
"Bakit hindi ba kita pinapahalagahan?" kunot noo niyang tanong.
"Kailan pa, Ma? Hindi ako bulag para makita na hindi pantay ang trato mo sa amin ni Sophia. Naiintindihan kong mas bata pa si Sophia kaysa sa akin kaya mas kailangan niya iyon. Pero sa akin, higpit lang ang binibigay mo Ma. Nakikita ko na mula noong bata pa ako na nagpapanggap ka lang na gusto mo ako bilang anak. Alam ko na kinamumuhian mo ang tatay ko kaya binaling mo na rin sa akin. Kahit pilit mong tinatakpang hindi mo ako gustong anak, nakikita ko pa rin"
"Bakit? Hindi pa ba sapat sayo ang pagpapalaki ko sayo ng maayos? Pagpapatulog sayo sa tuwing may insomnia ka? Kulang pa ba ang pagmamahal na binibigay ko sayo? Parang hindi mo na ako nirespeto, Bianca. Bakit nadamay pa si Sophia dito? Bakit may comparison na nagaganap?"
"Ma, nirerespeto kita ng higit pa. Matagal ko na pong kinikimkim itong hinanakit ko sa inyo, na ngayon ko lang mailalabas. Alam kong mas minahal niyo po ang Ama ni Sophia, kaya siya ang pinagtuonan mo ng pansin. Nung ipinanganak siya, siya na lagi ang mas binibigyan mo ng atensyon. Hindi naman po kasi maiiwasan sa anak na pagselosan ang mas pinapaboran ng magulang, pero sinasantabi ko po iyon dahil mahal ko ang kapatid ko. Hanggang ngayon po ba mahal niyo pa rin ang Ama ni Sophia kaya sobra ang galit mo?"
Umiiyak na din siya dahil sa mga nalaman niyang mga hinanakit ko mula sa kanya. Matagal na akong nagkimkim ng sama ng loob sa kanya para sa ikabubuti namin, pero ngayon na-trigger kasi yung emotions ko.
"Inuulit ko, Bianca. Makikipaghiwalay ka sa kanya o kakalimutan mo na ako bilang nanay mo" tumayo na siya at iniwan ako ditong umiiyak.
Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at ni-lock, magkukulong ako dito. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ko, nandidilim ang mga paningin ko hanggang sa napapikit na ako.
"Bianca, my love"
"Megan..." tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm sorry for invading your privacy, pero narinig ko ang lahat. Hindi ako umalis agad sa bahay niyo, ako yung puting pusa na nakita mo sa ilalim ng coffee table"
"What? Paanong ikaw iyon?"
Napabuntong hininga siya. "My name which is derived from 'form' is not only for forming dreams, but I can also change into any forms. Anyways... so you told your mother about us, and it didn't turned out well"
"Syempre talagang magagalit at magagalit siya..."
"Please don't leave me, Bianca. I don't know what to do without you" nagmamakaawa niyang saad, her tone of voice is so vulnerable.
"Megan... hindi ko na alam. Pinapapili ako ni Mama"
"Mahal kita..."
"Alam ko, mahal din kita. Kaso..."
"Paano kung..." tumigil siya at tinitigan ako ng mariin. "Paano kung sumama ka sa akin? Sa mundo ko, doon natin ipagpatuloy ang pagmamahalan natin Bianca"
Umiling ako. "Gustuhin ko man iyan ngunit hindi pwede, Megan. May pangarap ako sa buhay na gusto ko pang tuparin, saka si Sophia. Megan, kung magsasama tayo, paano na si Sophia? Nakilala ka na niya bilang ama niya at ayaw kong ipagkait ka sa kanya. I'm sorry, Megan. Pero I think, we need to let go of our relationship. Mahal kita Megan, alalahin mo iyan. Mahal na mahal kita, paalam... Morpheus" tuloy tuloy pa ring dumadaloy ang mga luha ko.
Lumuha na rin siya. "No, please..." ang sakit tignan na nasasaktan ko siya pero kailangan ko siyang pakawalan, para na rin sa ikakabuti ng lahat.
Tinalikuran ko na siya at tumakbo, kahit hindi ko alam ang patutunguhan ko basta takbo lang ako ng takbo. Hindi na ako lumingon pa, dahil kung gagawin ko iyon... baka babalikan ko lang siya at sasama sa kanyang mundo.
Ang gulo gulo ng buhay ko! Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
BINABASA MO ANG
In The Arms Of Morpheus
Fantasy"Gusto ko lang matulog magdamag!" - babaeng may insomnia Book 1 - Morpheus Book 2 - Thanatos
