*3 years later*
My daughter just turned three yesterday.
Tatlong taon na ang nakalipas magmula noong dito na ako manirahan kasama ang anak ko with Dad and Ate Ingrid.
Kahit nandito ako sa Paris, I've always asked Elena to check my mother and sister for me. I'm glad that they're both doing fine, kahit wala ako.
"Mommy, up" tumingin ako sa ibaba, nakataas yung dalawang kamay niya sa akin.
I smiled at her and then binuhat ko siya, she looks exactly like Megan. Nakuha niya ang kutis niya, her gray eyes, and then her white hair. Parang little Megan lang siya.
Speaking of Megan, hindi na siya nagpakita pa after our last talk. She lied, hindi purong immortal ang anak ko. Inaasahan ko noong ipinanganak ko siya na may wings siya, pero wala naman at makikitang tao naman si Dream.
Yes, her name is Dream. Because she was conceived in my dream. Paalala na rin kay Megan. I don't know kung anong nangyari na kay Megan, as in wala talaga siyang presenya.
My phone suddenly ring, kinuha ko ito and then answered.
"Hello?"
"Bessy! I need to tell you something..." aligaga niyang bungad.
"Ano iyon?"
"Your little sister, si Sophia. Naaksidente siya!"
"What?!" medyo nagulat yung anak ko sa pagbulalas ko kaya binigay ko muna siya sa babysitter.
"Nabangga siya ng sasakyan, according to Tita. She's currently here in the hospital, sa ICU. Kritikal yung kondisyon niya, bessy
"Sige bessy, salamat sa impormasyon" binaba ko na.
Napaupo ako, pumatak na naman yung mga luha ko.
I dialed my Dad's number. "Dad, I need to go back to the Philippines"
***
Diretso agad ako sa ospital, pagkadating namin mula sa Airport. Kahapon lang yung pagtawag ni Elena, I immediately told my father to let me fly back here sa Pilipinas.
Hindi na siya sumama pa, because of his business trip. Si Ate Ingrid naman, nasa America doing her modelling.
Kaya yung babysitter lang ang kasama kong pumunta dito sa Pilipinas.
Ako lang mag-isa ang pumunta dito sa ospital, pinabantayan ko muna sa babysitter si Dream.
"Sophia Iliones?" I asked the receptionist.
Tinignan niya yung log book, pero umiling siya. "Kahapon lang po siya admitted, ma'am. Mamaya pa po maa-update ang log book" sagot ng receptionist. "Kung gusto niyo po pwede po kayong maghintay" suhestiyon niya.
Kumunot yung noo ko. Tinanong ko sa kanya kung saan yung ICU, binigay niya naman yung direction. Nagbabakasakali lang ako.
As I walked down the aisle, I suddenly saw my mother na umiiyak. Tumakbo ako sa kanya. "Ma?"
Lumingon siya sa akin, bumilog yung mga mata niya. "Anong ginagawa mo dito?" dinig ko ang pait sa kanyang boses.
Sa mga tinginan niya sa akin, parang ayaw niya akong makita.
"Ma, gusto ko pong makita si Sophia. Kamusta na po si siya?"
Umiling siya, patuloy pa rin sa pag-iyak. "Wala na siya..."
Napatigil ako, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw, at nagiging malabo yung paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko.
"Nasaan po siya?" tinuro niya yung door sa likod niya. Halos hindi na siya makapagsalita dahil sa iyak.
Pinuntahan ko iyon at binuksan. "Who are you, miss? Are you a relative?" tanong nung nurse.
Tumango lamang ako, at napatingin sa katawan na natatakpan ng puting tela. "Yes, I am. May I see her?" tumango sila.
Dahan-dahan akong lumapit, huminga ako ng malalim bago inalis yung tela sa kanyang mukha.
Lalong nadurog yung puso ko, kapatid ko nga itong nakikita ko ngayon. Humagulgol ako at niyakap siya ng mahigpit, hindi ko man lang siya nakausap kahit sa kaunting oras lamang.
Medyo nagbago ang kanyang itsura, makikitang nagdadalaga na siya. Tapos tumangkad pa siya, kita ko pa rin kahit nakahiga siya.
Aking kapatid, bakit mo ako iniwan? Marami pa dapat tayong pagkwekwentuhan, makikilala mo pa dapat si Dream.
Mahal na mahal kita, kapatid ko.
***
Third Person's POV
Nakangising nakatitig ang Goddess of Death sa dalagang mahimbing na nakatulog. "Sa wakas, nakuha na rin kita aking Reyna"
Kinuha niya ang itim na likido, binuka niya ang bibig ng dalaga at pinatakan niya ito ng tatlong beses.
"Anong mangyayari sa kanya?" tanong ng right hand man niyang si Kanan na pinapanood ang ginagawa ni Thanatos.
"Pagkagising niya, bago na ang lahat sa kanya. Tignan mo, umeepekto na ang Growth Speed sa kanya"
Umilaw ang buong katawan ni Sophia, at may usok na pumaligid sa kanya. Hanggang sa ito na ay naglalaho. (Gaya ng pagmamahal niya sayo, ay charot!)
Lalong napangisi ang Goddess of Death sa kanyang nakikita ngayon.
"Mukhang nagbago na nga ang itsura niya, hindi na siya bata. Nasa tamang edad na siya para maging Reyna ng kaharian na ito" komento ni Kanan. "Bale, ilang taon na siya ngayon? Siguro, nasa twenty na siya. Base sa nakikita ko ngayon sa kanya"
Hindi lamang siya pinapansin ni Thanatos dahil nakatitig lamang siya kay Sophia.
"You're so beautiful, my Queen" hinaplos niya ang pisngi nito. "Now, you're already mine"
Unti-unting dumidilat ang mga mata ng dalaga. Tumingin-tingin siya sa paligid at napatingin na rin kay Thanatos, napaupo siya at lumayo sa kanya dahil sa takot.
"Sino ka? Nasaan ako?" nagtataka siya dahil sa pababago ng kanyang boses ngunit nangingibabaw pa rin ang takot niya sa nilalang na nasa harapan niya ngayon.
"Kanan, leave us" utos ni Thanatos, sumunod si Kanan. Ngumiti siya kay Sophia. "My Queen, I'm Lucy Fernandez, and you're here at your palace right now. You will rule this palace... with me" ngumisi siya.
Lucy Fernandez, ang human name ni Thanatos.
Kumunot yung noo niya. "No! Anong pinagsasasabi mo, gusto ko ng umuwi!"
"This is your home now, beautiful" hinaplos niya ang baba ni Sophia saka nilapit niya ang mukha niya para halikan siya, ngunit nilayo niya ang mukha niya.
Napakuyom ng kamao si Thanatos at tinitigan ng husto ang mga mata ni Sophia, mas lalong natakot si Sophia sa kanya.
Lahat ng gusto niya, nakukuha niya dapat.
Napalingon siya sa salamin sa kaliwa. "What is happening!"
![](https://img.wattpad.com/cover/219062740-288-k66021.jpg)
BINABASA MO ANG
In The Arms Of Morpheus
Fantastik"Gusto ko lang matulog magdamag!" - babaeng may insomnia Book 1 - Morpheus Book 2 - Thanatos