This is a lot to take in!
Isang araw lang, pero dalawang rebelasyon ang nalaman ko.
First, nagpakilala si Tito Roberto na siya talaga ang Ama ko.
All these years, buhay pa pala ang ama ko. How can my mother be so cruel para ipagkait sa akin ang ama ko. Hindi pa kami tapos sa alitan namin ni Mama tapos biglang dadagdag na naman ito.
Ugh! I really hate secrets.
Second, I'm pregnant. It's two weeks, and it's also been two weeks since that last time na pagkikita namin ni Megan and we made love. I can't believe na nagbunga ito. I'm pregnant with her second child.
Hindi na nagpapakita pa sa akin si Megan, pati sa mga panaginip ko. I've missed her pero wala akong magawa.
Sinamahan ako ni Tito I mean Dad na umuwi, hindi ako sanay na Dad ang tawag ko sa kanya pero kailangan ko nang masanay. Si Ingrid naman, may pupuntahan pa kaya si Dad lang ang sumama.
"I need to talk to your mother regarding you, my daughter"
"Nandito na po tayo, i-park niyo na lang po diyan" sinunod naman niya.
Pumasok kami, pinaupo ko siya sa couch. "Bianca? Ikaw ba iyan?" rinig namin ang boses ni Ma mula sa kitchen. "Bia---" napatigil siya sa pagsasalita at napatingin kay Dad. "Anong ginagawa mo dito?!"
"Miranda, I'm here to settle things"
"Umalis ka na!"
"Ma! Kailangan nating pag-usapan ito. Marami akong mga tanong sayo, Ma" tumulo na naman yung mga traydor na luha ko. Hanggang kailan ba ako iiyak?
"Bianca..."
"Ma, alam ko na po! Alam ko na po na si Tito Roberto Phoenix ang ama ko, bakit ayaw niyo pong malaman ko ang totoo?"
"Wala ka ng ama, Bianca"
"Ma..." hindi ko siya maintindihan.
"Don't stress yourself, my daughter" paalala sa akin ni Dad, tumango ako.
"Ma, gusto ko pong sa inyo na po manggaling. Sabihin niyo po sa akin ang totoo, Ma nagmamakaawa po ako sa inyo. Tapos na po tayo sa lying games, kung talagang mahal mo ako bilang anak. Sabihin mo sa akin ang totoo, Ma"
Tumulo na rin ang luha niya na nakatingin sa akin. Kita ko ang guilt sa mukha niya, dahan-dahan siyang tumango. "Oo, anak. Siya ang ama mo, iyan na ang katotohanang hinihiling mo" tumingin siya kay Dad. "Kaya umalis ka na Roberto!"
"No, Miranda. I'm not leaving without my daughter" seryoso ang tono ni Dad.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo kukunin ang anak ko, dito lang siya sa puder ko!"
"Sasama sa akin si Bianca pabalik sa Paris, she will be homeschooled there. Ginagawa ko rin ito para sa kapakanan niya"
"Hindi na niya kailangan pang pumunta sa Paris para lang ma-homeschool!"
"Let Bianca decide then..." tumingin silang dalawa sa akin.
Hindi ko kayang ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa Phoenix University habang buntis ako, mas nakakabuti na ang homeschooling para bawas stress. Kailangan ko itong gawin para sa magiging anak ko, lalayo na muna ako dito para hindi ko na maisip si Megan.
"I'm sorry, Ma..." kumunot yung noo niya. "Sasama po muna ako kay Dad"
Umiling siya. "Hindi ito maaari"
"May kailangan po kayong malaman, Ma"
"Sabihin mo na" naiinip niyang saad.
"Buntis po ako..."
Pagkasabi ko nun, muli kong naramdaman ang pagsampal ng kamay ni Mama sa pisngi ko.
"Miranda!" napatayo so Dad at pumagitna sa amin, niyakap ko siya. "Why would you hurt my daughter?!" galit na siya.
"You disappointed me, Bianca. Well done..."
"Pack your things, my daughter. We're leaving now" tumango ako at pumunta agad sa kwarto.
Tumingin ako kay Mama na nakatitig sa akin, sinusundan bawat galaw ko.
Pagkatapos kong mag-impake, tinulungan ako ni Dad na buhatin yung mga gamit ko.
"Good bye, Ma..." huli kong sabi sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa utak niya.
"Kung aalis ka na, huwag ka nang babalik pa. Dahil wala ka nang babalikan pa"
"Ate!" napatingin ako sa itaas, umiiyak si Sophia na bumaba at tumakbo papunta sa akin.
Bumaba ako sa height niya at niyakap siya ng mahigpit. "Magpapakabait ka ha? Mami-miss kita, Sophia. Mahal kita, kapatid ko. Paalam..." niyakap ko siya ng mahigpit, tumulo yung mga luha ko. "Makikilala mo rin ang magiging kapatid mo, soon" bulong ko sa kanya.
Kumalas na ako at humiwalay na. "Ate! Huwag ka pong umalis" nasasaktan ako na umiiyak siya.
I'm sorry, Sophia. Magkikita din tayo.
"Goodbye" pumasok na ako kaagad sa kotse ni Dad, pinaandar na niya ito.
Ang sakit at bigat ng pakiramdam ko.
"It's going to be alright, my daughter" ngumiti ako ng mahina sa kanya. "Rest well, isasaayos pa natin ang mga papeles mo para makapunta na tayo sa Paris" tumango lamang ako at pinikit ang mga mata ko habang nakahawak sa tiyan ko.
***
May isang buwan na simula nung nakatapak ako dito sa Paris. Maganda nga dito, ngunit namimiss ko na din ang Pilipinas.
Lumalaki na ang tiyan ko, hindi ko alam pero ba't parang mabilis naman ata ang paglaki nito. Nung last check up ko, sabi ng doctor na ngayon niya lang daw makita ang ganito.
"Li'l sis?" rinig ko ang boses ni Ate Ingrid, kumatok na rin siya.
Pinagbuksan ko ito, sinundan ko siyang umupo sa kama ko.
"Kamusta ka?"
"I'm fine, Ate"
"Bianca, sino ba talaga ang ama ng pamangkin ko?"
Umiling ako. "Mas mabuting huwag na natin siyang pag-usapan pa"
"Papayag ka na lalaking walang ama ang anak mo?"
Napabuntong hinihinga ako. "I can raise my child alone, hindi na namin kailangan ang ama niya"
"Ngunit darating ang araw at tatanongin niya sayo kung saan ang kanyang ama"
"Sasabihin kong patay na ang ama niya" umiling siya sa saad ko.
Ba't parang ginagaya ko na ang aking Ina?
"Bianca, gusto mo bang magaya sa nanay mo? Yung ginawa mo sa kanya, gagawin din sayo ng anak mo sapagkat gusto niya lamang malaman ang totoo. Mas makakabuti na pagkalabas na ng anak mo, walang kasinungalingan ang lalabas sa bibig mo tungkol sa kanyang ama"

BINABASA MO ANG
In The Arms Of Morpheus
Fantasy"Gusto ko lang matulog magdamag!" - babaeng may insomnia Book 1 - Morpheus Book 2 - Thanatos