Chapter Twenty

719 41 0
                                    

*Underworld: Land of Dreams*

"Tama na, Morpheus! Nababaliw ka na talaga, pakawalan mo kami dito!" sigaw ni Kuya Phobetur.

Nakatali silang dalawa sa isang malaking puno.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na may anak ako!"

"Ate, hindi sila makakabuti sayo"

"Putanginang reputasyon yan! Sa inyo lang naman binilin ni Ama ang hindi pag-aasawa sa mga mortal, bakit niyo ako sinasama?"

"Dahil gusto namin ang pantay-pantay bilang magkakapatid. Hindi pwedeng ikaw lang ang dapat makapagrelasyon sa kanila"

I balled my fist. Kinuha ko ang espada ni Kuya mula sa kanya, sobrang galit na ang nararamdaman ko ngayon.

"Tama na yan, Morpheus!"

Napatingin ako kay Ama at Ina, kasama din nila si Iris. Gulat na gulat sila sa nakikita nila, binitawan ko agad yung espada.

"Iris, pakawalan mo ang dalawa" utos ni Ina, sumunod naman si Iris. Umalis na siya agad pagkatapos niyang pakawalan sila.

"Anak, bakit ka nagkakaganito?" lumapit sa akin si Ama, malumanay lang yung boses niya.

"Ama..." tumulo na yung luhang matagal ko nang pinipigilan. "May dapat po kayong malaman. Nagkarelasyon po ako sa mortal"

Niyakap niya ako. "Alam ko, anak" bulong niya sa akin, bumilog yung mata ko. "Matagal ko nang alam, nung una hindi ko matanggap pero kinausap ako ng Ina ninyo. Ngunit ito ay magiging lihim nating pamilya, huwag kang magpadalos-dalos sa pakikipagkita sa mortal"

Kumalas ako sa yakap, tumingin ako sa dalawa kong kapatid.

"Bakit mo tinali ang mga kapatid mo, anak?" tanong ni Ina.

"May nilihim po sila sa akin, sampung taon at ngayon ko lamang nalaman. Hahayaan ko pong sila ang magsasalita"

Tumingin sila sa mga kapatid ko, yumuko lamang si Phantasus. So Phobetur naman ay nagdadalawang isip, huminga siya ng malalim. "May anak si Morpheus sa mortal"

Napasinghap sila, at tumingin sa akin. Dumilim ang awra ni Ama, at tumingin muli sa mga kapatid ko. "Bakit ngayon niyo lang sinabi!" galit na tugon ni Ama.

Lumuhod ang mga kapatid ko, takot na takot kay Ama. Napaatras lamang ako at lumapit kay Ina.

"Patawad po, Ama" pagmamakaawa nila.

"Paparusahan ko kayong dalawa sa paglilihim sa inyong kapatid ng napakaimportanteng bagay. Nilihim niyo rin sa akin, na may apo ako! Patutulugin ko kayo hanggang sa magtino kayo!" since God of Sleep naman si Ama, kaya niya silang patulugin na walang kayang makagising sa kanila. Siya lamang ang makakagising sa kanila.

Swerte naman ang magiging kaibigan ni Ina, dahil siya ang Goddess of Relaxation. Pwede kang magrelax magdamag, oh diba stressfree.

"Anong pangalan ng apo ko, anak?" tanong ni Ina.

"Sophia po"

"Oh, a girl"

"I want you to bring her here, now" utos ni Ama. "Since it's already night at the Earth, she's probably sleeping" utos ni Ama.

"Opo"

Lumipad ako papunta sa Earth, at pumunta agad sa kweba.

"Pops!" mayroon na agad siya dito, baka maaga siyang natulog.

Lumuhod ako, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Niyakap ko siya nang mahigpit, hindi ko namamalayang tumutulo na ang luha ko. "Anak ko" bulong ko.

Kumalas siya sa yakap, at tinitigan ako. "Bakit po ba kayo umiiyak, Pops?"

Ngumiti ako. "Huh? Umiiyak ba ako?"

"Papangit ka po niyan" pinunasan niya ang mga luha ko. "Iyan po ang ganda niyo po ulit"

Ngumiti ako, nakatitig lang ako sa kanya. Hindi niya pa alam na ako ang ama niya. Ayaw ko sanang pangunahan si Miranda.

"Gusto mo bang lumabas sa kweba at sumama sa akin?"

Na-excite siya, napatawa ako. "Opo!" tumalon talon pa siya.

Binuhat ko siya. "Pikit ka lang ha" sumunod siya.

Lumipad na ako patungo sa Underworld. Bumaba kami, nandoon na naghihintay sina Ama at Ina. Nakakatitig lang sila sa amin.

"Nasaan po tayo, Pops?" tumingin tingin siya sa paligid.

"Nandito tayo sa Underworld, dito talaga ako naninirahan. Gusto mo bang makilala ang mga magulang ko?"

"Opo"

Hinawakan ko ang maliit niyang kamay, lumingon ako sa kanila. Nakatitig sila kay Sophia. Lumapit kami sa kanila.

"Ikaw ba si Sophia?" tanong ni Ina.

Tumango siya. "Opo" saka ngumiti.

"Pwede ba kitang yakapin?" pumayag si Sophia, niyakap siya ni Ina.

"Hindi niya pa po alam na ako ang isa niya pang magulang, Ama" bulong ko kay Ama.

"Sigurado akong maganda ang ina nitong apo ko. Maganda ang apo ko eh, nagmana siguro siya sa ina niya"

"Ahem" so ako? Ano ako?

"May namana rin naman siya sayo, anak" tumatawa niyang tugon. "Yung sobrang kaputian mo"

"Yun lang?" parang nadismaya naman ako.

"Kamukha mo siya anak"

"Syempre"

***

About Bianca...

She's stuck in my mind, really.

That first kiss with her, that's memorable. I know that it's her first kiss, dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Pero sa second kiss namin, sumunod siya sa mga labi ko.

It's like, she's self-learning through me. Gets? Basta ganun.

Nung bumisita ako sa panaginip niya, tumatak sa akin yung sinabi niya.

"You know, it's better to show it early. Huwag na sana niyang patagalin pa ang pagtatago, habang tumatagal lalong bumibigat yung sitwasyon. Anong sense ng pagpapatagal ng sikreto kung in the end ibubunyag rin lang. I'm a person who's direct, I don't want suspenseful situations"

Pero, hindi pa ako ready na ipakita sa kanya na si Morpheus at Megan Oneiroi ay iisa lamang.

"Anong sense ng pagpapatagal ng sikreto kung in the end ibubunyag rin lang"

Paulit ulit yang linyang iyan sa isipan ko. Well may point naman siya, kaso I'm searching for the right time. Naalala ko ulit tuloy yung sinabi niya.

"Right time is every time, it can be tomorrow, later, or now. Parang pinapatagal lang ang paghihintay, I don't like waiting. Yes patience is virtue, but time is gold as well. Will it be worthy to wait?"

Handa na ba talaga akong ibunyag sa kanya ang tunay na ako? Mahirap na kung papatagalin ko pa dahil nga naman mas lalo lang bibigat ang sitwasyon.

Haist! I should tell her one of these days. I hope may courage akong sabihin sa kanya. Bahala na kung anong judge niya sa akin, it doesn't matter. Basta ang importante, magpapakatotoo ako sa kanya.

In The Arms Of MorpheusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon