ISTU'S POV
"Ehem."tikhim ko bago binuksan ang papel.Tumingin ako sa mga kaklase ko na naka-abang lang.
At dahil bente lang kami sa klase ay nakapabilog kami.Sumenyas ako na kumuha sila.
"By pair tayo total sampo lang naman 'to diba?basahin niyo na muna tsaka na natin sagutan."paliwanag ko,tumango naman sila.
Ang kapartner ko ay si van dahil siya ang katabi ko,ayaw ko naman kay roberto napaka-arte.
Tumingin nalang ulit ako sa papel bago binasa.
"Una,bakit hindi ka mahal ng mahal mo?...akala ko ba riddles 'to?!"reklamo ko ngunit hindi ako pinansin.
"Next."utos ng mga kaklase ko.
"If eleven plus two equals one,what does nine plus five equal?...bakit may math?!"reklamo din ni boboy.
Pero tulad ko walang pumansin sa kaniya.
"Next."sabay-sabay na sabi namin.
"Imagine,napanaginipan mong may papatay sayo.Anong gagawin gagawin mo?...m-may papatay sakin?!wah!!!"walang pumansin kay sam.
"Next."
"Find the mistake.Nag-'i love you'-han pero walang label."
"Burn!!!"sigaw namin.
"Next."
'Nakakabobo,akala ko ba riddles 'to?bakit may nagaganap na prangkahan?'
"I go in hard.I came out soft.You blow me hard.What am I?...nagiging green-minded ako rito ah!hahaha!"walang pumansin kay Gino.
"Next."
"What is easy to get into but hard to get out of?Ps.Lagi kayong nandito.Aba!lupet din ni sir 'no?"Wala din pumansin kay james.
"Next."
"Past tense ng 'eat'...Ano ba naman 'to!"
"Next."
"Anong pakiramdam ng niloloko?,in one word...may pinapatamaan yata si sir rito e!"inis na sabi ni bebeng.
Tama lang pala sa kaniya yan e ,palagi naman kasi siyang niloloko.
"What words do not belong?Couple,taken, husband and wife,Single ikaw...gago 'to ah?pinagmumukha talaga akong walang jowa!"tulad ng dati walang pumansin sakaniya.Akmang magrereklamo ulit ito ng samaan namin siya ng tingin.Aangal?
"Next."
"Sinong kaklase niyo ang merong ugali niyong lahat?"
Nagkatinginan silang lahat isa-isa bago tumingin sa akin.
"What?"
Bigla nalang tumayo si Yu kaya napatingin kami sakaniya."Okay guys!una ganito.Kay Valencia muna ang una nating sasagutan."
Tumango kami kaya umupo siya ulit.
"Pero akala ko ba riddles 'to?bakit parang ginagago tayo?"tanong ko na siyang ikinakibit-balikat lang nila.
"Ano nga ulit tanong sayo, Valencia?"
Binasa ko ulit ang hawak kong papel."bakit hindi ka mahal ng mahal mo?"
Napa-snap si sam."So easy."
Hinanda ko ang ballpen ko,sabi kasi nila sa akin doon din raw isusulat ang sagot sa papel na binigay ni sir dantes.