ISTU'S POV
Nakasimangot akong pumasok sa room namin.

"Anong mukha yan?"bungad na tanong sa akin ni roberto ng makarating ako sa upuan ko,siya kasi katabi ko e.

"Maganda."pabalang na sabi ko bago siya inirapan na siyang ikinairap niya.

Napatingin ako kina sam ng mag-'psst' ito.Tinaasan ko siya ng kilay.Anong problema ng mga 'to?

"Kamusta?"

Ay gago.

"Ha?"

"Yung sa rooftop,anyare?"

Napailing ako ng linawin niya.Pabitin pa kasi e.

"Okay naman."

"Ano tumalon ba?kamusta?patay na ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin."Bakit sa akin mo tinatanong kung patay na?ikaw kaya patayin ko?"

Tinaas nito ang dalawang kamay."Chill,nagbibiro lang naman ako."

Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin.Inaalala ko parin ang nangyari kanina.Pambihirang bata!Napapailing lang ako habang naalala ang nangyare kanina.

⚪⚪⚪⚪⚪

Uwian na at wala naman masyadong nangyari bukod sa lagi kaming sinesermunan ni sir robbery ay wala ng iba.

"Sasabay ka ba samin, Valencia?"napatingin ako kay van ng tanungin ako nito pero umiling ako bago ngumiti.

"Bakit ako sasabay?iba iba ang daanan natin,ulol!"

"Ah eh oo nga pala 'no."

"Kita na lang tayo bukas! bye!"kumaway ako sa kanila bago na nagsimulang maglakad.

Malapit lang naman dito ang inuupahan ko e.Pasipol-sipol akong naglalakad sa gilid ng highway ng may biglang humarurot ng kotseng dumaan dahilan upang mapuling ako.Aba!

"Tarantadong yun ah!"inis na sabi ko habang kinukusot ang mata ko at ng mawala ay may dumaan na naman kotse dahilan upang mapuling ako hanggang sa may dalawa pang dumaan kaya lalong humapdi ang mata ko.Nang hindi ako makatiis ang nagsisigaw-sigaw ako dahilan upang pagtinginan ako ng mga taong dumadaan.

"Tangina niyo!mamatay na kayo!!"

Padabog na naglakad ako hanggang sa makarating ako sa tinitirahan pero nakasalubong ko ang mag-amang nagsasayaw-sayaw kaya napatigil ako.

"Ano na naman ang ginagawa niyo dito?"nakakunot-noo ako.

Kung saan-saan na lang kasi sila nakakarating.Napakamot naman sa ulo ang ama ni Yuan na si Sean.

"Dancing."sabi nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Magga-gabi na hindi pa kayo uuwi?"tanong ko pero wala akong natanggap na kahit anong salita sa kanilang dalawa."... don't tell me dito na naman kayo matutulog?"

Tumango-tango ang anak ni yuan."Yes tita istupidyot."

Napangiwi ako ng sabihin nito ang pangalan ko.Nakakasira pala ng tenga."Gezz,huwag mong banggitin ang pangalan ko yuan."

Nagtawanan lang silang mag-ama kaya inirapan ko sila pareho.Kuya sean ay kakilala ko lang noong naglilibot-libot ako sa plaza pero sa kasamaang palad nun ay hawak ko ang anak niya na nawawala.Doon kami simula na maging magkaibigan.

Tumingin ako sa kanila."Papasok na ako,kayo?"

"Sama na po kami."sabi ng bibong anak niya kaya kinurot ko ito sa pisnge bago ngumiti.

Nauna na itong pumasok dahil pagod na daw siya kaya naiwan kaming dalawa ni kuya sean.

"Bakit nga pala inis ang mukha mo kanina?"

Miss IstupidyotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon