Chapter 44
ISTU'S POV
"Una na kayo..susunod ako.."
Naramdaman ko naman na umalis na sila.
Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang tali sa kaniya.
"S-sino ka?"nahihirapang tanong nito.
Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang papel.Ibinigay ko ito sa kaniya.
"Pakibagay kay n-nickel.."mahina ngunit sapat na para marinig niya.
"V-valencia?"nanlaki ang mga mata nito bago ako niyakap.
Agad akong tinanggal ang mask ko at niyakap din siya.
"B-balik ka na please.. nahihirapan si nickel.."
Natahimik ako sa sinabi nito.Humiwalay ako rito at umiling.
"P-pakibigay nalang 'to sa kaniya.."nakangiting saad ko.
"P-pero.."
Nakarinig kong wangwang ng pulis.
"Valencia!umalis kana baka makita ka pa nila!nakita ko sina lothar dito."
Bumilis ang tibok ng puso ko..nandoon kaya siya?
"Kailangan ko ng umalis..at pakiusap huwag mong sasabihin sa iba na ako ang tumulong sayo.."agad akong tumungong bintana at tumalon roon ng walang kahirap-hirap.
Kasabay naman doon ang pagpasok ng mga pulis.
Damn.
"Umakyat ka sa may puno.."dinig kong saad mula sa earpiece kaya agad akong umakyat roon.
Wala naman nakakita sa akin.
Tapos na..
Ngumiti ako ng mapait.
Tapos na pero madami pa din akong kailangan gawin.
Sumakay ako sa van at sumandal sa upuan.
"Hay!!natapos din sa wakas!nabigyan na natin ng hustisya si tito david!"
Daddy.. tumingin ako labas.Madilim na...
Namimiss na kita..kayo ni mom.
FIONNA'S POV
"Babe!"nanghihina akong tumingin kay lothar ng salubongin ako nito ng yakap.
Nasa likod niya sina sean at mga pulis na dinaluhan ang taong nakaposas.
"I'm sorry..nalate kami."bulong nito pagkakatapos ay iniharap ako sa kaniya."What's that?"kunot-noong tanong nito.
Nakatingin ito sa papel na hawak ko kaya napatingin ako sa likod nito.Nandoon si nickel at mukhang lasing pa.
Paika-ika ang lumapit rito.
"May nagpapabigay pala.."nakangiting saad ko.
Nagtataka man ay kinuha niya ito at binuksan.Napatayo ito ng maayos at mukhang nawala ang lasing.
"N-nandito siya?!"palinga-linga ito."Where is she?!"unti-unting tumulo ang mga luha nito at tinignan kung saan-saan.
"Okay ka lang?"tumango ako kay sean."Sino ang tumulong sa inyo?"
"H-hindi ko kilala dahil naka-mask siya.."pagsisinungaling ko.
"Hmm.."
Napatingin kaming lahat kay nickel na hindi pa din tumitigil.
"B-binigay lang sa akin yan ng taong tumulong sa akin..ang sabi ay pinabibigay ni v-valencia.."nakayukong saad ko.
Napatingin siya sa akin na umiiyak.
"Dude..halika na."lumapit sa kaniya si red at uno at inalalayan.
Nauna silang umalis,sumunod kami ni lothar na tinulungan ako.
"Si valencia ba ang tumulong sayo? don't lie to me.."madiin na tanong nito kaya tumango ako.
Pakalat-kalat ang nga police rito at nagtaka ako ng hindi man lang ito na nagtanong.
"B-babe,tumawag ba kayo ng police?"tanong ko rito pero umiling ito.
"We're not.. maybe si valencia.."mahinang bulong nito.
Maybe...
NICKEL'S POV
Napasabunot ako sa buhok hindi dahil masakit ang ulo ko kundi dahil sa babaeng gustong-gusto ko ng makita."Dude..you look mess."naramdaman kong may tumapik sa balikat ko."Come on..babalik siya."
Unti-unting pumatak na naman ang mga luha ko.
Where is she now?bakit siya umalis?bakit hindi hindi siya nagpaalam?bakit iniwan niya ako?akala ko mahal niya ko?bakit?
Damn!
"Xie.."napatingin ako kay sean ng tawagin ako nito.
"Come on..huwag kang umiyak diya.Babalik siya,okay?hintayin mo siya.."ang ngiti niya ay parang ipinapahiwatig niya na babalik talaga siya.
"Bakla man na gawin namin 'to..pero.."bigla nalang nila akong niyakap na tatlo.
"Nandito lang kami."
"Hintayin mo siya.."isang tinig ang narinig namin kaya napabitaw sila sa akin at tumingin sa kapatid ko na seryoso lang na nakatingin sa amin habang nakasandal sa pader.
"B-babalik ka siya?"umaasang saad ko.
He shrugged."Hindi niya alam kong b-babalik siya pero alam kong..babalik siya.."tumingin siya sa akin."..dahil sayo."
Ngumiti ako ng mapait.
Valenica..
Hihintayin kita..
...
ISTU'S POV
"Are you sure about this Asia?"napatingin ako kay tito shan.Tumango ako rito.
"Yes, ipagpapatuloy ko muna ang mga iniwan sa akin ni daddy.."nakangiti man ay malungkot pa din.
Nakatingin si tito hans at shan sa akin na nakangiti.
"Balita ko ay may boyfriend ka?sinabi mo na ba sakaniya?"natigilan ako sa tanong ni tito hans.
Parang may nabara sa lalamunan ko dahil sa tanong niya.
Naramdaman naman yata nilang hindi ako makakasagot sa tanong nila kaya napatikmin sila.
"O-oh,sorry about that.."
Umiling lang ako at huminga ng malalim."I-iniwan ko po siya ng walang paalam.."malungkot na saad ko bago tumingin sa bintanan.
"What?"
"A-alam kong pagbumalik ako ay hindi imposibleng wala na akong balikan.."
"What did you do that,asia?mahal mo siya diba?"
Tumango ako."I-i love him..pero kailangan kong unahin ang mga iniwan ni dad.."
Natahimik sila kaya napatingin ako sa kanila.Malungkot lang na nakatingin sila sa akin kaya pilit ako ngumiti.
"K-kailangan ko pa po bang umalis ng pilipinas?"
Tumango sila.
Kaya ayaw kong magpaalam ay dahil ganito.
"You need to train in One year plus 2 years para tuluyang lumago ulit ang mga company ng daddy mo,may problema sa mga company ng daddy mo dahil walang matinong umaasikaso non."
Tumango ako.
"Kailan mo gusto umalis?"
"Bukas."
Dahil kapag tumagal pa ako rito ay baka tuluyang bumalik ako sa kaniya.
Napatingin ako ulit sa bintana.
'Sana ay hintayin mo ko..'
'Sana ay kapag bumalik ako ay may babalikan pa ako..'
'Sana ay hindi ka maghanap ng iba..'
'Sana pagbalik ko mahal mo pa din ako..'