ISTU'S POV
"Saan ilalagay 'to?"Napatingin kaming lahat kay sam ng magtanong ito.May hawak-hawak itong gagamba.Anong gagawin niya diyan?!
"Anong gagawin mo diyan?"tanong sa kaniya ni james habang natatawa.
"Ilalagay dito sa jail booth natin."inosenteng saad niya kaya tinapunan ko siya papel na hawak ko.Siraulo.
"Hindi 'to horror sam!umalis ka nga rito nandidilim paningin ko sayong gago ka!"sigaw ko dahilan upang umalis siya sa harapan ko.
Kasalukuyan kasi kaming nagaayus ng booth namin.Dalawang classroom ang gagamitin namin at dito sa may baba,nag- suggest pa nga kami na classroom namin ang gagamitin kaso ang sinabi lang ni sir ay...
"Jusko!nasa third floor ang room niyo!aabutin kayo ng siyam-siyan niyan!doon kayo sa baba.Iyong classroom ng grade eight ang gagamitin niyo!"
Kaya ayon.Ganiyan ang nangyare.Lahat ng istudyante ay busy sa paga-ayus ng kanya-kanyang booth.
Ewan ko nga kay sir e,kung bakit ba naman kasi dito pa kami in-assign.Noong tinanong namin ang sinagot lang...
"Basta."
O diba?walang kwenta.
Napatingin ako kay Yu ng tawagin ako nito.
"Valencia!patulong naman oh!hindi ko masara 'to."saad nito habang nahihirapan na isara ang bintana.
Tinulungan ko naman siya at ng matapos kami ay lumabas kami.Wala naman kasing dapat ayusin e.Ang isang room ay para sa couple at ang isa ay ang mga lumabag o yung may mga nagpapakulong.
"Tara!kain tayo."aya sa amin ni boboy kaya tumango kami at pumuntang cafeteria.
May nadadaanan pa kaming mga love Booth, horror Booth,Cinema booth at...
"Ay gago! finger hub!"malakas na mura ni gino ng madaanan namin ang finger hub.
Nahiya naman kami dahil tumingin sa amin ang ilan na umaayos sa booth na yun.Grabe!nakakahiya.
"Oy pangs!pagsabihan mo nga yang katabi mo na hinaan lang ang boses.Nakakahiya."dinig kong bulong ni mie kay pangs pero hindi siya pinansin bagkus ay lumayo din kay gino.
Nakayuko lang kami hanggang makarating sa cafeteria.Agad kamung humanap ng pwesto at umupo doon.
"Kami ng o-order."presinta ni Yu bago sinenyasan ang ibang lalaki.
Nang makaalis sila ay kaming sampong babae nalang ang natira.Ayaw nga sanang sumama ni roberto dahil babae daw siya pero hinila siya ni boboy at Yu kaya walang nagawa ang bakla kundi ang sumama.
"May nabalitaan ako guys."biglang sambit ni Drane.Kaya napatingin kami sa kaniya.
"Napaka-chismosa mo talaga."prankang sabi ni mina.
"Hahaha!whatever."
"Ano yung nakalap mong balita?"curious na saad ko.
Malay mo may pakinabang diba?
"Ay oo nga,narinig ko na limang gwapong lalaki ang visitors natin hihi."impit na tumawa ito kaya nagtilian ang mga kaklase ko maliban sa akin.
Ano naman kung gwapo?
"Hoy,ito talagang si Valencia parang hindi interested."mataray na saad ni faye kaya napairap ako.
"C'mon,marami na akong nakitang gwapo 'no."mayabang kong sabi.
"Sus!bida-bida kana naman e."sabi ni bebeng pero hindi ko nalang pinansin.
"Ano daw pangalan?narinig mo ba?"