ISTU'S POV
Nang makarating kami sa garden ay maraming tao.Paano namin hahanapin?
Tumingin kami sa babae na maging siya ay nagtitingin-tingin din sa paligid.
"Anong pangalan,miss?"tanong ko rito.
"Pwedeng silang dalawa nalang?"tanong nito kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"Sus!maliit na bagay,miss.Kahit isampo mo pa hahaha!"saad ni boboy.
Pinagpatuloy namin ang paghahanap pero dahil madami ang nandito ay nahihirapan kami.
Napakamot ako sa ulo."Sigurado ka bang nandito?"tanong ko.
Tumango naman ito."Yes,sir.Nakita ko sila dito,naghahalikan pa nga e."
Napangiwi ako samantalang tuwang tuwa naman sina sam at boboy.
"Baka nasa motel na hahaha!"
"O sa tabi-tabi."dugtong ni sam sa sinabi ni boboy.
Wala akong ibang choice kundi ang gawin ito.Huminga ako ng malalim.
"ATTENTION!"sigaw ko dahilan upang mapatigil ang lahat at mapatingin sa akin.
"Hoy,anong ginagawa mo?"hindi ko pinansin si boboy.
"Ano pangalan ng jowa mo?"
"H-ha?ano,Justine,Justine Flores."tumango-tango ako.
"Nandito ba si Justine Flores?!"sigaw na tanong ko.
Kanya-kanyang bulungan naman sila pero maya-maya lang ay may sumigaw sa hindi kalayuan sa amin.
"Kaklase namin siya,sir!"
Tumingin kami rito at tumingin sa babae."Kilala mo siya?"
Tumango ito."Oo,kaibigan pa niya yan."
Tumango-tango kami bago naglakad papunta sa pwesto nung lalaking sumigaw at nang makalapit kami.
"I'm PO1 chief Valen-"napatigil ako dahil kung sasabihin ko ang buo kong apelyido ay walang kwenta na rin ang pagiging misteryoso ko."...tama tama.I'm chief valen ng jail booth.Nasaan ang kaibigan mo?"
Nagtaka man ito pero ng dumapo ang tingin nito sa kasama namin ay nagulat ito.Nakita kong nagaalangan pa ito kung sasabihin.
"S-sorry,hindi ko alam."
Pinagmasdan ko siya at halatang nagsisinungaling siya.
Napailing ako at sumenyas kay sam at boboy na hawakan sa braso ang lalaki.
"A-anong ginagawa niyo?"
"Sir,kung hindi niyo sasabihin kung nasaan ang malandi mong kaibigan slash kaklase ay parang pinagtatakpan mo na rin siya.Kung hindi mo sasabihin ay maging ikaw ay makukulong sa loob ng dalawang oras."seryoso kong sabi na may istrikto sa boses.Syempre!ako dapat ang masusunod 'no!
Napalunok naman ito."Kaya kung ako sayo,ituro mo na sa amin ang kaibigan mo."
Hindi ito sa nagsalita kaya sumenyas ako kina boboy na dalhin na pero...
"Nandoon sa may puno!kasama si Hany!"dali-daling sagot nito kaya binitawan siya nina boboy.
Tinapik ko ang balikat nito."Good job, maraming salamat."
Tumingin ako kina boboy na handang-handa na."Boys!"pumalakpak ako.
"Ready!kunin siya!"
Agad kaming pumunta sa malaking puno at hindi nga kami nagkakamali.May kasama siya at agad akong napatakip sa mukha dahil sa nakikita ko.