Chapter 32
ISTU'S POV
"Damn."bigla nalang humarang sa harapan ko si nickel at hinawakan ang balikat ko.Napatitig siya sa mga mata ko,tanging awa,inggit..at sakit?
A-anong?
Niyakap ako nito at nagpalit kami ng pwesto dahilan upang magulat ako."Don't fucking cry.."bulong nito habang mahigpit na nakayakap sa akin.
"Woah!anong nangyayari?"agad siyang lumayo sa akin.
Hindi pa din ako maka-recover sa ginawa niya.
Ngumiti ito sa akin akin.
"Nothing."tipid na sagot ni nickel kaya tinukso siya ng dalawa maging si yuan.
"Chansinggggg!"
Huminga nalang ako ng malalim at sinulyapan ang pwesto nina lothar kanina pero wala na sila doon.
"Tita?"
Ngumiti nalang akong bumaling kay yuan at hinabol ito.
...
"Nag-enjoy ka ba?"tumango ako sa tanong ni nickel.
Pauwi na kami sa mansion dahil magga-gabi na din.Narinig kong nagbuntong-hininga ito kaya tumingin ako rito.
"May problema ka ba?"tanong ko.
Akala ko ay hindi ito sasagot pero tumigil ito kaya napatigil din ako.
Tumingin muna ako saglit sa mga kasama namin pero nakapasok na ito sa loob.
"You."
Nanlaki ang mata ko.Ako?
"Ano ako?may problema ka sa akin?!"nanlalaking matang tanong ko rito.
Tumingin ito ng seryoso sa akin kaya napalunok ako,ganito din tumitig si lothar pero mas malala yata siya.
'Tangina.'
Unti-unting lumapit ito kaya napa-atras ako.Kung kay lothar ay hindi ako nadadala ng takot kung tumingin ito pero kung si nickel ay ..kakaiba.
Hindi ko alam kong nakailang lunok ako.Napatigil ako ng hawakan ako nito sa balikat ko.
"My problem is you.."sa boses nito ay parang nahihirapan na ito.
"B-bakit ako?"
"Damn.Can you forget my brother?"
Ibang nickel ang nakikita ko sa harapan ko ngayon.Hindi siya yung nickel na masayahin at palabiro.
"K-kalimutan?"halos bulong ko nalang ang napayuko.
Kalimutan si lothar?ganun ba kadali yun?
"Yes."madiin na bulong nito.
"P-paano ko makakalimutan ang taong mahal ko?"
Nabitawan ako nito kaya napatingin ako rito.Napahilamos ito sa mukha gamit ang kamay niya.Ang isa naman niyang kamay ay nasa beywang niya.
Tumingin ito sa akin."Maraming ibang lalaki diyan."sa boses nito ay pinipigilan niyang masigawan ako.
Napahikbi ako."Y-yun na nga e,maraming lalaki nga diyan pero ito.."tinuro ko ang puso ko."s-sakaniya pa din tumitibok."
"May taong nagmamahal din sayo.."malungkot ang boses nito.
Natigilan ako.May taong nagmamahal din sa akin?
"Hindi mo lang nakikita kasi.."tumingin ito sa mga nata ko."..kasi hindi mo pinagtutuunan ng pansin."
Napayuko ako.
"You always thinking about my brother.."may galit ang boses nito.".. samantalang ang isang nagmamahal sayo ay nasasaktan."
Tuluyang tumulo ang mga luha ko.
"S-sino?sabihin mo sa akin."tumingin ako muli rito.
Umiling ito at ngumiti ng peke.
'Anong nangyayari sayo,nickel?'
Malungkot ang expression nito habang nakatingin sa akin.
"G-gusto ko na siyang kalimutan.."tanging na sabi ko at yumuko.
Gustong gusto ko ng kalimutan ang kapatid niya.Gusto ko ng mawala ang sakit na 'to.
"Then,i will help you."
Napa-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang mukha niyang nakangiti.
Tumango ako rito at pilit na ngumiti.Niyakap ako nito.
"From now on,ako na ang papalit sa kaniya."
"Tita,i want that po."napailing nalang ako sa sabi ni Yuan.
Pambihirang bata.
Tumingin ako rito."No."
"I think it's delicious po."napangiwi ako sa sinabi nito.
Kasalukuyan kasi kaming naka-upo dito sa mini bar na malapit lang naman sa living room.Actually kitang-kita nga namin dito e.
"Tita!"
"Hindi nga pwede sayo yan,bakit matanda ka na ba?"tinaasan ko siya ng kilay dahilan upang ngumuso ito.
Bigla naman dumating si nickel at nginitian ako.Ngumiti naman ako pabalik,naalala ko kanina ang sinabi niya na tutulungan niya daw ako.Buti na ngang ganun e kesa naman magdusa ako no!
"What's happening?"tanong nito bago umupo sa tabi ko.
Minsan talaga ang mood ni nickel ay paiba-iba.Mabibigla ka nalang na bigla itong sumeryoso at iba ang pakikitungo sayo.
"I want to drink that po!"napatingin ako kay yuan ng sabihin niya iyon habang tinuturo ang beer na nasa harapan namin.
"Hindi nga pwede,bata ka pa baka malasing ka."saway ko rito at nagcross armed.
"Yeah,i agree with your tita,yuan."sang-ayon sa akin ni nickel.
Umalis ako sa kinauupan ko ng biglang itinaas sa ni yuan ang dalawa niyang kamay na mukhang magpapakarga sa akin.Napailing ako bago ito kinuha.
Narinig ko pa ang pagtawa ni nickel."You're already a big boy,yuan yet nagpapakarga ka pa din sa tita mo."
Binelatan lang ito ni yuan."Na-ah,when it comes to tita, I'm a baby pa,diba po?"bumaling ito sa akin.
Napatawa ako habang tumatango.
Napailing nalang din si Nickel bago lumapit sa akin.
"Whatever."
"Yow!anong ganap?"napatingin kami kay uno na kadadating lang nito.
Kasama nito si red.
"Tito!"tawag sa kanila ni yuan.
Natatawang pinisil nila ang pisnge nito.Napahagikgik naman si yuan.
Hindi ko alam kung lalaki ba talaga 'to o ano.
"Dude,may sasabihin daw ang kapatid mo."natigilan ako.
Napansin kong tumingin sa akin si nickel.
"What?"
"Importante daw."saad naman ni uno.
Tumingin ako kay nickel na tumingin din sa akin.
"Don't worry,madali lang naman."dinig kong saad ni red.
Ewan ko ba pero parang hinihintay nito ang sasabihin ko.
Ngumiti ako rito at tumango.
Nakarinig ako ng pagtikhim ng dalawa."Ehem,may nabubuo na naman ba?"
Hindi ko sila pinansin.
"Alis muna kami."tumango ako sa kanila at ngumiti.
Nang makaalis sila ay napabuntong-hininga ako.
"Are you okay po?"ngumiti akong tumingin kay yuan.
Ano kayang pagu-usapan nilang importante?
...