Chapter 31

1K 41 10
                                    

Aelly POV

Gusto kong lapitan si Trixie piro pinahinto niya ako at tumakbo siya habang umiiyak

Kinakabahan ako dahil baka galit siya sakin tinignan ko si Mr.Wesley na nakamaang parin

"Mr.Wesley........" pagtawag ko sakanya Tumingin naman siya sakin "may sinabi kabang hindi maganda kay Trixie?"

Hindi siya sumagot bagkos ay tulala lang siyang nakatingin sakin

"Alam mo ba kung bakit ngayon kulang sinabi na siya ang anak mo?" Pag papatuloy ko

"Hindi, hindi totoo yang sinasabi mo.....hindi siya ang anak ko dahil pinatay mo na ang anak ko!" Sigaw niya habang umiiling

Ngumisi ako "Tssss, Hindi ka naniniwala o natatakot ka? Natatakot ka na baka hindi ka niya tanggapin bilang AMA!" pag didiinan ko pa

Umiling siya "Nag sisinungaling kalang"

"Bakit naman ako mag sisinungaling?"

"Wag mo na akong paikutin Shiancoe, dahil hindi mo ako maluluko!"

"Matanong ko lang Mr.Wesley.....nang baby palang ba siya ay may nakita kang palatandaan sa kanya?"

Nag iwas siya ng tingin at may inalala at nag balik ng tingin sakin

"Oo, at pag nakita ko yun kay Trixie don na ako maniniwala na siya ang anak ko"

"Yon ay kung papayag siya? O dikaya pag malaman muna ang totoo na siya ang anak mo ay tatanggapin kapa ba niya?" Ngising sabi ko at hindi naman siya naka pag salita

"By the way.....kailangan ko nang umalis...at hihintayin kita bukas don sa kasal ng kaibigan ko" sabi ko kumunot naman ang noo niya

"Sigurado akong nandon rin si Trixie kaya kung gusto mo siyang makilala ay pumunta ka don...Tutal may mga tauhan kanaman so...kayo ng bahalang mag hanap kung saang simbahan yon" ngiting sabi ko at umalis na

Actually gusto ko silang mapag bati ni Trixie,para matapos ma ang away ng blackRose at Wesley, dahil ayukong maging kaaway ang mga kamag anak ko

Hindi alam ni Mr.Wesley na pamangkin niya ako dahil kapatid siya ng Mommy ko

Pumasok na ako sa sports car  ko at pinaandar to ng mabilis papunta sa mansion

Pinark ko muna ang sasakyan sa garahe at nag lakad papunta sa Mansion

"Nandito na pala si Aelly eh" agad na sigaw ni Athena

"Oh bat hindi pa kayo natutulog?" Tanong ko

"Hinihintay kasi namin ang mga Boys eh....." ani Razzel at nag tingin sa likod ko "hindi mo ba sila kasama?"  Nagtaka naman ako sa tanong niya at Umiling

"Bakit umalis ba sila?"

"Oo, kanina"

"Asan si Kaizer?" Tanong ko

"Nasa Kwarto mo" sagot ni Razzel

"Ok, matulog na kayo 2:46am na" sabi ko at umakyat na sa taas

-

TRIXIE POV

Kanina pa sila tanong ng tanong sakin medyo na kukulitan na nga ako eh

"Pano si Aelly naging Gangster Queen?" Tanong ni Kean

"Uhmm.........." nag iisip ako kong sasabihin ko ba sakanila baka kasi magalit sakin si Aelly eh atsaka isa yon sa mga Rule ng blackRose

Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon