Aelly POV
Tulad ng sabi ni Mang Isko ay maaga kaming gumising dahil ipapasyal daw nila kami
At nasabi narin sakin ni Mang Isko na binaril ang isang baka , at alam ko kong sinong may gawa non hindi ko lang alam kung anong Grupo
"San tayo una pupunta mang Isko?" Tanong Ni Razzel
"Ililibot ko muna kayo dito sa Hacienda" sagot namn ni Mang Isko
"Yieeee so Exciting " ani Keanna
"Ano? Tara na?" Tanong ni Mang Isko
"Lezzgoww!!" Sigaw nila
-
"Woaa Mang isko? Kayla Aelly rin batong mga horse?" Tanong ni Kean
"Ah Oo, gusto niyo bang sumakay?" Tanong ni mang isko samin
"Yah! But i don't know how to ride this" ngusong ani Tricia
"Sino bang marunong dito?" Tanong ni Mang Isko
Nag taas kami ng Kamay ni Razzel at pati ang lahat ng boys maliban kay Kaizer
"Sigi ang mga hindi marunong ay pumili nalang kayo ng makakapartner niyo" ani mang Isko
Agad namang lumapit si Kaizer sakin at ngumiti napa iling nalang akoMag partner si
Athena-Kirby
Keanna-Cj
Trixie-Artlorens
Ako- Kaizer
Bj-ZhouePiro si Venice, Razzel,Tricia, Kean ay wala pang napipili
Umaasa si Tricia na siya ang piliin ni Kean maka partner piro si kean ay hindi alam kong sinong pipiliin kita ko ang lungkot sa mata niyang nakatingin kay Razzel at umaasang lumapit sakanya si Razzel para sila ang maging mag Partner
"Ah Kean pwedi ba kitang maging partner?" Ngiting Tanong ni Tricia Tumingin naman si Kean sakanya at nag pilit ng ngiti at tumango
Si Razzel naman ay parang nanghihinayang at nag seselos, Anong nangyayari sa mga to? May ano sa Kanila?
Tss Aelly kelan kapa naging chesmosa
Inalalayan ako ni mang Iskong sumakay sa kabayo
Nag thank you naman ako
Kaya sumakay na siya sa Isa ring kabayo"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Kaizer sakin
"Ah Mang Isko, san dito ang May pinaka may magandang View?" Tanong ko kay Mang Isko
"Nako, Señorita napakarami piro sigi sundan niyo lang ako ihahatid ko kayo sa harden ng halimuyak" sabi nito
At sinimulan nang patakbuhin ang kabayo at putchaa napaka bilis
Kaya sumabay kami sa bilis nitoAng nga babae naman ay subra ang yakap sa mga lalaki at ang mga kumag ay tuwang tuwa naman
Maliban sa kasama ko shutangenames higpit ng yakap sakin tsss napailing iling nalang ako at pinatakbo ng mabilis ang kabayo
"Ahh Aelly dahan dahan namn" sigaw ni Kaizer kaya natawa ako
"Akala ko ba matapang ka?" Tawang sabi ko
"Tss tawa ka pa jan siguro sinasadya mo lang bilisan para mayakap kita noh? Sus chansing" Sabi nito kaya napangiwi ako
"Ako pa ang chumachansing? Wow Kapal mo" sabi ko
"Mas makapal ang pag mamahal ko sayo" sabi nito
"Corny mo!" Ngiwing sabi ko
"Tss hindi kamanlang kinilig" sabi nito kaya natawa ako
