Chapter 62

517 26 16
                                    

KAIZER PoV

Mag isa ako ngayon dito sa Gymnasium at nag ba-basketball

Ng mapagod ay umakyat ako at naupo,piro natigil ako ng may ma realize

Dito ko siya kinulit na maging Girlfriend ko siya,dito mismo sa inuupuan ko ngayon

Napalingon ako sa kabila ng may narinig akong nag lalakad papalapit sakin

At napatulala ako ng makita ko kong sino yon

Aelly?......

Naramdaman ko nalang ang pag tulo ng luha ko sa mata ng makita kong nakangiti siya habang papalapit sakin

Tumayo ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap

Humiwalay ako sa pag kakayakap at tinignan siya sa mukha

"Totoo to diba?" Tanong ko nakangiti naman siyang tumango

"Akala ko----" naputol ang sasabihin ko ng dinampi niya ang labi niya sa labi ko

Napatulala ako habang naka tingin sakanya at siya naman ay nakangisi

"I missed you so much" sabi niya at yinakap ako

--

"Master!"

Napamulat ako ng mata at napatayo dahil sa sigaw na nang gagaling sa harapan ko

Inilibot ko ang paningin ko at---nandito ako sa kwarto ni Aelly?

It was just a dream?.........

"Master are you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni kean sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napalunok siya

Bakit parang totoo ang panaginip nayon?

Hinawakan ko ang labi ko at parang may naiwang marka ng halik don

--

Leeza PoV

Nandito ako ngayon sa kusina kung saan naging tambayan nanamin ni Aelly

"hoy bruha bakit ka nang iiwan?"

"Hindi mo ba alam na marami kang masasaktan?"

Tinungga ko ang beer na hawak ko at inubos yon

"Kahit kelan talaga ang sama mo!"

"Hoy Aelly balik kana please.....sigina kahit sungitan mo ako araw araw okay lang"

Tumulo nanaman ang luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan at nag bukas ulit ng Beer at agad na tinungga ito

"Mag pakita ka naman sakin kahit multo kana"

Agad kong nabitawan ang beer na hawak ko ng may mahulog na kutsara at lumipad din ang kurtina dahil sa hangin

"Hoy Aelly tinatakot mo ba ako?" Sigaw ko kasi talagang natatakot ako

"Nag bibiro lang ako hehe alam mo naman takot ako sa mga ganyan eh" sabi ko

"Ikaw naman hindi na ma biro,sigi wag kana mag pakita hehe"

Piro mas lalo lang na lumakas ang hangin at biglang bumuhos ang ulan ng napaka lakas

Kaya agad akong napatakbo papalabas ng kusina at tumakbo papuntang sala

Nakita ko naman sila keanna don pati si Kaizer ay naron din

Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon