Leeza POV
"Yo! Buti andito k-------"
"Nakita mo ba si Kaizer?" Tika umiiyak ba siya?
"Oo kasama niya ang Daddy mo" wala sa sariling sagot ko, agad naman niya akong nilagpasan kaya napapamaang ko siyang sinundan ng tingin
Anong nangyari?
Nag si lapitan sila Keanna sakin na may nag tatakang tanong rin
Umuna akong mag lakad pasunod kay Aelly
--
Aelly POV
Pagka pasok ko sa mini bar ay nakita ko si Kaizer at Daddy na nag uusap
Pinunasan ko ang luha ko para di niya ito makita
Pagkakita sakin ni daddy ay tumayo siya at inayos ang buhok ko ngumiti siya sakin at tumango bago umalis
Kami nalang ni Kaizer ang natira sa loob, naka upo lang siya at hindi manlang ako liningon
Nag buntong hininga ako at lumapit sakanya
"Tsss" singhal ko at inagaw sakanya ang bote ng beer na lalagukin niya sana
Naupo ako sa katabing upuan niya at sinilip ang mukha niya Piro umiwas naman siya agad
"Galit ka?" Ngusong tanong ko
"Wala namang nangyari samin eh" sabi ko ulit
"Sigi gusto mong uminom?..." hindi siya sumagot
Nag buntong hininga ako at tumayo, nag lakad ako papuntang refrigerator at kumuha ng Beer
Napalingon naman siya sakin ng nag tataka
"Parang walang nangyari ah" sabi niya napamaang naman ako
"Wala naman talaga...piro sainyo meron" malamyang sabi ko at lumapit sakanya
Kinuha ko ang baso niya at linagnay ng beer
Alam kong umiyak siya dahil namumula pa ang mga mata niya piro hindi ko nalang pinansin
"Sino ba yon?" Tanong niya kaya tinitigan ko siya piro inirapan niya ako
Tsss
"Kaaway ko yon" sagot ko at
Tinungga ang hawak kong bote ng beer napamaang naman siyang napatingin sakin"Iba na pala ang kaaway ngayon...dinadala na sa HOTEL" sabi niya at pinag diinan pa ang panghuli
"Tsss may Importante akong malaman tungkol sa kanya" sabi ko
"Bat kayo nag halikan?" Agad akong napalingon sakanya ng napapamaang
"Nag halikan? Tsss..." iiling iling na sabi ko
Piro nasaktan ako don...parang ang punto niya ay ginusto ko yon
Nabalot kami ng katahimikan at pati ang pag lapag ng baso ay naririnig ko na
Pag napapalingon ako sakanya ay naaabutan ko siyang nakatingin sakin piro umiiwas agad
"Wag kang mag lasing" biglang sabi niya kaya napalingon ulit ako sakanya piro nasa baso ang paningin niya
"Inuutusan mo ako?" Mataray na Tanong ko
"Hindi" sagot niya kaya napangiwi ako
"Kung maka akto ka ngayon parang wala kang kasalanan sakin ah" sabi ko kaya natigilan siya at nag angat ng tingin sakin