Chapter 20

1.3K 29 1
                                    

TRIXIE POV

Nandito ako ngayon sa coffee shop dahil mag kikita kami ng Boyfriend kong si Matteo

Kanina pa ako dito naghihintay piro hindi parin siya dumadating kinuha ko yong cellphone ko para tawagan siya piro sakto namang bumukas ang pinto ng coffee shop kaya agad akong lumingon

Natulala ako ng makita ko si matteo na may kasamang babae

Gusto kong Tumayo piro diko magawa natutulala akong nakatingin sa kanila

Naka kapit ang babae sa braso ni matteo

Nilakasan ko ang loob ko para tumayo

"Hon? S-Sino siya?" Utal na tanong ko

"Trixie siya si Evelyn Girlfriend ko" mahinang sabi niya

Agad namasa ang mata ko at unti unting nag unahan ang mga luha ko tulala parin at iniisip na panaginip lang ang lahat kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga luhang kanina pa tumutulo

Ang sakit,ang sakit sakit

Sinampal sampal ko siya piro hindi niya ako pinipigilan

"Walangya ka"humahagolgol na sabi ko "pano mo nagawa sakin to" hinampas hampas ko siya sa dibdib habang humahagolgol ng bigla niya akong yakapin

"I'm sorry......I'm sorry I need to do this for your safety" malungkot na bulong niya sakin at tinalikuran ako

Napaupo ako sa sahig,nang hihina ang mga tuhod ko hindi ko mapigil ang mga luhang nag uunahang mahulog,nasa ganoon lang akong posisyon ng may nakita akong kamay na may hawak na panyo sa harapan ko

Tumingala ako para makita siya,nakita ko ang mukha niyang nag aalala,nag tatanong

Kinuha ko ang panyo at pinahid sa mata ko tinulungan niya akong tumayo

Pinang hila niya ako ng Upuan kaya umupo ako

"Tahan na,hindi bagay sa magandang tulad mo ang umiiyak nang dahil sa lalaki" nakangiting aniya

"S-salamat" mapait na ngiting sabi ko

"Kumain kana ba?"tanong niya

Umiling lang ako

"Tsss ano gusto mo?"

"Hindi na sa bahay nalang ako kakain"sagot ko

"Ihahatid na kita" sabi niya kaya tumango nalang ako

-

"Ano palang pangalan mo?" Tanong niya

"Trixie" maikling sagot ko

"Ah Trixie ako nga pala si Artlorens,call me renze for short naka ngiting aniya kaya naka ngiti akong tumango sa kanya

"Saan ka nga pala nakatira?" Tanong niya

"Sa Sheridan Village" sagot ko

"What a coincidence,pariyo pala tayo,piro bakit parang hindi kita nakikita don" sagot niya

"Ah minsan lang kasi akong pumunta don,at hindi rin ako permanent don may binabantayan lang"

"Lola?,Kapatid,Mommy?" Tanong niya ulit

"Tsss Wala,sabihin nalang natin kinamumuhian ko at balak kong gantihan" tumango tango lang siya at nag focus nalang sa pag da drive

Tahimik lang ang biyahi hanggang makarating kami sa bahay bumaba na ako ng kotse

"Ahh Trixie Pwedi ba tayong mamasyal bukas?" Nakangiting tanong niya

"Ah Sigi,no problem I text mo nalang ako" sabi ko sabay kuha sa calling card ko sa wallet at ibinigay sakanya

Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon