AELLY POV
Natutulog na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sinagot ko ito ng hindi tinitignan
[Hello]
"Sino to?" Kunot noong tanong ko
[Ah Ae.....P-pwedi ba tayong magkita ngayon?] Tss si kumag lang pala
"Hindi ba pweding bukas nalang?" Tanong ko dahil 12:27am na kasi at inaantok pa ako
[Ah n-nasa labas na kasi ako ng mansion mo]
Napabalikwas ako at Tumingin sa bintana
May kotse don at may naka upong lalaki sa likod nito"Tsss istorbo" bulong ko piro parang narinig niya tumawa kasi siya tss
Lumabas na ako at nag lakad papunta sa kanya
Pagka kita niya sakin agad siyang Ngumiti piro tinaasan ko lang siya ng kilay
Nakatayo lang ako sa harapan niya piro hindi parin siya nag sasalita
Nakangiti lang siya sakin piro kita ko yong mata niyang malungkot na naka tingin sakin
Hindi ko alam kong ako lang bato piro kakaiba talaga ang tingin niya sakin parang humihingi siya ng tawad at parang may malaki siyang kasalanan sakin
Napa *ehem* ako
"May gusto kabang sabihin?" Mahinahon kong tanong
"A-ah S-Sorry sa istorbo" sabi niya
"Tss sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin ng makatulog na ako" kaswal na sagot ko
Sininyas niya yong kamay niya sa katabi ng inuupuan niya kaya lumapit ako don at naupo
Well,ito kami tahimik halos mabingi ako sa katahimikan at itong kumag naka tingala lang sa langit
"Ah Kai,bukas mo nalang siguro sabihin yan,Inaantok na rin kasi ako at mukang ayaw mo naman kasing mag salita" sabi ko at akmang tatalon na piro pinigilan niya ako tinignan ko naman siya ng nag Tatanong
"Alam mo ba ng sabihin sakin ni mom na Anak nila Tito Mark at Tita Nayeon ang ipapakasal sakin hindi na ako tumutol dahil---
"May gusto ka sakin?" Pag puputol ko sa sasabihin niya
"Hindi, hindi ko naman alam na ikaw pala yon" nakangiting sabi niya
"Eh bakit hindi kana tumutol?" Takang tanong ko
Ba't ba ako nag Tatanong eh wala naman akong pakialam sa kumag at malanding to
Ngumiti siya at Tumingin sakin
KAIZER POV
Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko
Sana pala hindi na ako pumunta dito
Tumingin ako sa kanya at ngumiti napakunot naman agad siya ng Noo
Tsss hindi parin siya nag babago ang sungit sungit niya parin piro alam ko naman na mabait siya eh
Naalala ko pa ng una ko siyang nakita tinarayan niya agad ako kaya akala ko masama siya piro nang mag kakilala na kami mali pala ako dahil sobrang bait niya
Hindi na ako tumutol sa gusto ni mom dahil si ShanShan naman pala ang ipapakasal sakin piro nang malaman kong si Aelly pala si Shan ay biglang umurong ang dila ko
Gusto kong sabihin sakanya na ako yong naging kaibigan niya piro natatakot ako dahil baka Wala na siyang pakialam at baka magalit siya sakin
"Hoy,okay kalang ba?" Natatawang tanong niya habang naka tingin sakin