LEEZA POV
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Kaizer pala ang Childhood Friend ni Aelly
Kung sabihin ko kaya sakanya na si Kaizer ang kaibigan niya? Piro wag dahil ayukong pangunahan si Kaizer. Mas mabuti kong siya ang mag sabi
Nagbihis na ako ng Uniform ko at umupo sa harapan ng salamin, inayos ko ang mukha ko
Hindi na ako nag make up dahil maganda na naman ako kahit wala non hehe,kapal ^,^
Sa malaking kwarto nato Tig iisa kami ng Kama piro iisa lang ang banyo kaya sa baba yong iba naliligo
Tanging kaming tatlo lang ang nandito sa loob nila Tricia at Bj
Nag aayos narin sila ng mga gamit nila"Leeza " tawag sakin ni Tricia kaya tinigil ko muna ang ginagawa ko at lumingon sakanya
"Oh?"
"Diba nasabi mo sakin na Nong 7 years Old si Aelly ay nahulog siya sa puno?" Sabi niya kaya tumango ako
"Yup, at Na comatose siya non ng Isang linggo at paggising niya ay yung magulang nalang niya ang nakilala niya....tinarayan nga ako non eh" sabi ko
"Bakit magulang lang niya?"
"Sabi ng Doctor ay may mga bagay siyang nakalimutan at mag babalik rin naman yon after a Month, piro hanggang nag isang taon, hindi na nag balik ang mga alaala niya at kasama na don si Kaizer. Gusto sana naming sabihin nila tita ganda ang tungkol kay kaizer para alam niyang may kaibigan siyang lalaki piro hindi na namin sinabi dahil sobrang nasaktan si Aelly ng iwanan siya ni Kaizer. Halos hindi nga makausap si Aelly non eh at hindi na siya nag titiwala sa mga nagiging kaibigan niya dahil ayaw niya nang masaktan kaya ayon hindi niya alam ang tungkol kay kaizer non pati narin ng nahulog siya sa mataas na puno piro i think ngayon na alala na niya si Kaizer kasi minsan pag nag uusap kami bigla siyang natutulala at bigla nalang Lumuluha ng walang boses at babanggitin ang pangalang Zerry" mahabang sabi ko
Pag tingin ko kay Bj at Tricia ay naka nga nga na silang nakatingin sakin kaya *Clap* bumalik sila sa ulirat dahil don
"Grabi ang Leeza ang haba ng Explanation muntik na akong tubuan ng puting buhok" ani Bj kaya natawa ako pag tingin ko kay Tricia
Ay naka pout na ito na animoy parang batang maiiyak tsss"Ang Sad naman, sana maging happy ang ending nila,gusto ko sila ang mag katuluyan" ngusong anito
"Ay ang Shamae,natural magiging sila eh ikakasal na ang mga yon eh" sabi naman ni Bj
"Ay Oo nga noh!" Sagot naman ni Tricia
*blagg* pinto yan wag ka
Rinig naming bumukas ang pinto kaya tinignan ko ito at si Trixie ang pumasok lumapit ito sakin ng nakangiti
Hmmm alam ko na mga ganyanan ni Trixie eh sigurado ako may hihingin oh may ipapautos ito sakin
"Oh? Anong kailangan mo?" Tanong ko kumamot naman ito sa ulo niya bago sumagot
"Ano kasi....pwedi pa favor?" Nahihiyang sabi nito
Kaya tinigil ko muna ang ginagawa ko"Oh ano yon?" Tanong ko
"Gusto ko sanang lumipat ng School don sana sa LU" anito
"Eh bakit sakin ka lumapit? Dapat kay Aelly siya nag papaaral sayo diba? Nako ikaw talaga Trixie" nakangiwing sabi ko
"Yon nga eh nahihiya kasi ako kay Queen Ae, kaya lumapit ako sayo hehe" anito
"Nahiya kapa eh mas malakas ka nga don kisa sakin" pabirong sabi ko "piro sigi sasabihin ko mamaya"