Chapter 61

414 15 7
                                    

Third Person PoV

Nasa Mansion ang lahat ng member ng blackRose ngayon at nag bibigay galang sa pagkamatay ng kanilang iginagalang na Queen

Lahat ay nag dadalamhati, lalo na ang mga kaibigan ni Aelly

Pina Cremate ng Mommy ni Aelly ang Bangkay ng kanyang anak dahil hindi niya kayang makitang ganon ang kalagayan ng anak niya

Subrang tahimik lang sa loob  wala kang maririnig na ingay dahil maski ang pag iyak ay pinipigilan nila para damayan rin si Kaizer

Si Kaizer naman ay nasa kwarto lang ni Aelly at hindi siya lumalabas

Kahit na paulit ulit siyang tinatawag ng mga kaibigan niya

Ayaw niyang lumabas at nag aalala na ang Mommy at Daddy niya dahil minsan ay ayaw nitong kumain

Tatlong araw nang naka burol ang abo ni Aelly kaya nawalan narin sila ng pag asang buhay pa si Aelly

Sa Next Week pa sila papasok sa LU

-

Nasa kwarto na ngayon ang Mommy at Daddy ni Aelly

Nang makita palang nila ang bangkay ng Anak ay sobra na ang hagulgol nila

Hanggang ngayon ay umiiyak parin ang Mommy niya at hindi alam kong kelan makaka move on

"Daddy,  ang b-b-baby  ko" iyak na sabi ni Nayeon

Agad naman siyang yinakap ng Asawa

"Daddy...Hindi to totoo diba?.....p-p-panaginip lang ang lahat?" Umaasang tanong ni Nayeon habang humahagulgol sa pag iyak

Dahil don ay napaiwas ng tingin ang asawa dahil sa dobling sakit na nararamdaman niya

Awang awa siya sa asawa niya at hindi niya alam ang gagawin

Mas lalong nag pakatatag si Mark kahit sobra ang sakit na nadarama niya para sa anak at sa asawa niya

Dahil alam niyang ayaw na ayaw ni Aelly na umiiyak sila

Nag iisang anak lang si Aelly kaya parang nawala ang kalahati ng buhay nila

Mahal na mahal nila si Aelly at ganon din naman si Aelly

Humingang malalim si Mark at pinunasan ang luha sa mata ng asawa niya at tumayo

Pinatayo niya rin ang asawa niya at inayos ang buhok nito

"Hon, Aelly is still here...in our Heart, diba sabi ni Aelly sayo non na wag kang iiyak dahil magagalit siya?" Parang bata lang ang kinakausap niya sa tinig niya

Namamaga ang mata ni Nayeon na Tumingin sa asawa, ngumiti naman si Mark

"Daddy, pwedi mo ba akong ihatid sa bahay?" Tanong ng Mommy ni Aelly sa daddy niya

Ngumiti naman ang daddy niya at tumango

Lumabas sila sa Mansion ni Aelly at bumiyahi papunta sa Malaking Mansion nila

Nag lalakad na sila ngayon papasok sa Mansion

Nag umpisa nanamang tumulo ang luha ng Mommy ni Aelly dahil bawat sulok ng mansion ay may alaala ni Aelly

Nakikita niya ang mga ngiti ni Aelly habang nakikipag usap sa kanya

Ang batang Aelly na makulit na tumatakbo dala dala ang basket na puno ng Cupcake na binake niya

Nag uunahang tumulo ang luha ni Nayeon na halos hindi na niya ito mapigil

Napapakagat narin siya sa pang ibabang labi para mapigilan ngunit mas lalo pang nabagsak ang luha sa mata niya

Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon