Chapter 4

53.2K 1.2K 264
                                    


Chapter 4
***

"Tinulak mo ba si Ina Kaya nadulas sya?" Kalmadong tanong ng principal pero may galit sa mga Mata nya habang nakatingin sakin.

Napayuko at napahinga ng malalim. "Kanina pa po ako nag papaliwanag. Naghuhugas ako ng kamay ng pumasok si Ina at nadulas." Paulit ulit Kong paliwanag pero ayaw nilang maniwala.

"Bakit nadulas ang anak ko?" Galit na tanong ng mommy ni Ina katabi ang Gobernador nitong asawa.

Napababa ulit ako ng tingin at napakagat labi. "N-natapon ko po Yung hand wash sa lapag." Nakayuko Kong Sabi.

Kahit na aksidente naman talaga ang nangyari Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil Hindi ko agad nilinis Yung tiles.

"Sinadya nya Yun!" Galit na Sabi ng daddy ni Ina sa principal Kaya mahinang napatalon ang principal at galit akong tinignan.

"Sa dami na ng binully mo dito sa school, maniniwala pa ba kami na aksidente lang to?" Sabi ng principal at sa kalagitnaan ng sinasabi nya ay napatayo sya.

"Dean." Tawag ng principal Kay Hayden na kakapasok lang.

Tinignan ko si Hayden at walang emosyon nya akong tinignan at umupo sa tabi ko.

Umupo na ulit ang principal at tinignan muna si Hayden bago hinarap ako. "Hahatawan ka namin ng parusa, Ms. Ryder at kaylangan mong humingi ng tawad Kay Ina at sa magulang nya." Sabi ng principal Kaya agad akong napatayo.

"Bakit nyo po ako paparusahan? Aksidente lang ang nangyari." Apila ko sa principal.

Mahinang tumawa ang mommy ni Ina. "Ganyan ba ang pinalaking walang Ina?" Nang aasar nyang Sabi.

Parang may tumusok sa puso ko at agad na nangilid ang mga Luha ko. Anong Sabi nya? Akmang lalapitan ko sya ng hawakan ni Hayden ang kamay ko at tumayo.

Nag angat ako ng tingin sakanya at sobrang dilim ng mukha nya. "Papatunayan Kong inosente ang asa-- pinsan ko at pag napatunayan Kong aksidente lang ang nangyari, gusto Kong bawiin mo ang sinabi mo at humingi ka ng tawad Kay Espe." Madiin na Sabi ni Hayden.

Tumibok ng mabilis ang puso ko habang Pinapanuod syang ipagtanggol ako.

Nanahimik ang parents ni Ina at ang principal.

Lahat kami ay napalingon sa pinto ng pumasok si Ina habang inaalalayan ng school nurse.

Dumugo ang ulo nya dahil sa pagkakadulas nya.

Agad akong naasar ng parang si Hayden lang ang nakikita nya at Hindi man lang tinignan ang mga magulang nya.

"Ina, darling. Sabihin mo sa lahat ng nandito na sinadya Kang dinulas." Sabi ng mommy ni Ina na agad na tumayo at inalalayan ang anak habang masamang nakatingin sakin.

Parang natauhan kakapantsya sa asawa ko si Ina at nakakunot na tinignan ang mommy nya.

"Mommy ano bang sinasabi mo? Aksidente akong nadulas at tinulungan pa nga ako ni Espe na humingi ng tulong." Sabi ni Ina sa mommy nya at nginitian ako at nilipat ang tingin Kay Hayden.

Parang napahiya ang mommy ni Ina at tinignan si Hayden bago ako tinignan.

"Pasensya na dahil sa nasabi ko. Nagalit lang ako dahil sa nangyari sa anak ko." Parang labag sa loob nyang hingi ng tawad.

"Mukhang ayos naman na ang lahat. Mauuna na kami ng pinsan ko."  Walang emosyon na Sabi ni Hayden.

Hinatak na nya ako palabas at tinawag pa sya ni Ina pero hindi nya pinansin.

I Love You, Mr. Dean. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon