Chapter 14
***Parang bomba na sumabog ang sinabi nya. Hindi ako makagalaw at namamanhid sa sakit.
Napatingin ulit ako Kay Hayden ng hawakan nya ang magkabila Kong pisngi at nangingilid ang mga Luha.
"W-wag mo Kong iwan please." Nag mamakaawa nyang Sabi sakin bago madilim ang mukhang hinarap si Megan.
Pinanuod Kong palayasin nya si Megan na Hindi pumapayag at sinisigawan din sya pabalik.
"Get the fuck out of here!" Sigaw nya Kay Megan habang madiin na nakahawak sa braso nito at hinahatak palabas ng bahay namin.
"Buntis ako! At anak mo ang dinadala ko!" Sigaw nya pabalik Kay Hayden.
Madiin akong napapikit dahil sa sinabi nya at napahawak sa puso ng sumakit Yun kasabay ng pag tulo ng mga Luha ko.
Dinilat ko ang mga Mata ko at pinapalayas parin ni Hayden si Megan.
Dahan dahan akong naglakad pataas ng hagdan at namalayan ko nalang ay kinukuha ko na ang maleta ko sa closet.
Nilapag ko Yun sa Kama at binuksan bago naglakad ulit papuntang closet.
Umiiyak sa sobrang sakit na kinuha ko ang mga damit Kong nakasampay at Hindi na inayos na nilagay sa loob ng maleta ko.
Napaangat ako ng tingin Kay Hayden ng bumukas ang pinto at nakita ko syang namutla at mas napuno pa ng takot.
Mabilis Kong sinarado ang maleta ko pero mahigpit nya agad akong niyakap mula sa likod at tinanggal ang pagkakahawak sa maleta.
"M-mag pahinga ka muna asawa ko. Ligpitin ko lang to." Nanginginig na Sabi ni Hayden at inalalayan akong makaupo sa kama at hinalikan muna ako sa nuo bago binuksan ang maleta ko.
Parang may sumaksak sa puso ko ng nilagay ni Hayden ang mga damit ko sa closet habang umiiyak. Isa Isa nya pa Yung inayos sa pagkakasampay bago kinuha ang maleta at nilagay sa closet.
Napahikbi ako pero agad ko Yung pinunasan at tumayo para Sana kuhanin Ang maleta ko ng harangan nya ako at madiin na niyakap.
"H-hayden." Umiiyak Kong tawag sakanya at pilit na tinutulak sya pero niyayakap nya lang ako.
"W-wag mo Kong i-iwan asawa ko. H-hindi ko kakayanin." Umiiyak na Sabi ni Hayden at takot na takot akong niyakap Kaya nanghina ako at umiyak nalang sa dibdib nya.
Binuhos ko ang mga Luha ko habang paulit ulit nyang sinasabi na Hindi nya kakayanin Kung Wala ako.
Nang parehas kaming tumahan binuhat nya ako at umupo sya sa Kama habang kandong ako.
Malungkot nya akong nginitian at pinunasan ang mga Luha ko. "Magpaliwanag ka." Sabi ko sakanya Kaya natigilan sya.
Nagbaba sya ng tingin bago natatakot at nag sisisi akong tinignan. "Nung araw na sa mansion ka muna matutulog." Panimula nya Kaya madiin akong napapikit ng maalala na takot na takot sya ng bumalik ako at simula din Yun ng pagiging paranoid nya na baka iwan ko sya.
Dinilat ko ang mga Mata ko. "T-tapos?" Tanong ko sakanya pero puno ng sakit at pagsisisi nya akong tinignan at pupunasan Sana ang luha Kong tumulo ulit ng iiwas ko ang mukha ko.
"Gusto Kong marinig ang paliwanag mo, then I'll decide if I should stay or l-leave you." Sabi ko sakanya natatakot agad akong tinignan ni Hayden at tumulo ang mga Luha.
"Hindi ako makatulog ng Gabi na Yun dahil Wala sa tabi at bahay Ang asawa ko. K-kaya pumunta ako sa bar para uminom ng unti dahil baka mabaliw ako sa loob ng bahay dahil Wala ka." Aniya at mas puno ng takot akong tinignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/198245129-288-k932761.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Dean. [COMPLETE]
Fiksi UmumWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #4: I LOVE YOU, MR. DEAN. Esperanza De luca have almost everything she want in life with her powerful lawyer father spoiling her. But then, that almost is named Hayden Ryder, The hot sexy Dean and love of her lif...