CHAPTER 14

22 4 0
                                    

Note: Another chapter dedicated to RheinLagdameo. 😊 Happy Birthday again. 💕

******

"No you're not late."

He said looking at me straight in the eye. Napaiwas ako ng tingin. Napakaseryoso ng titig niya. I then exhaled deep. Haay buti naman kung ganon. Pansin ko ring bagong damit na ang suot niya. I feel relieved. Siguro tama si Loraine, papalitan ko nalang ng bago yung polo niya kanina.

"You just have ditched the meeting. It's done."

Wait...

WHAT?!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad namang nagtawanan yung dalawa pang nandito sa loob.

"Better luck next time, Ms. Goden."

Sabi nung isang lalake'ng nakatayo. Napapikit nalang ako sa sobrang hiya.

"No."

Seryosong sambit na naman ni Jace kaya natigil yung dalawa sa pagtawa.

"I don't want a late comer again in this org. Kung hindi mo kaya ang responsibilidad mo dito, just quit."

Di na siya nakatingin sakin nang sabihin niya 'yon. But I felt embarrassed lalo na't di na rin kumibo 'yong dalawa.

"Upo ka muna, Venice."

The girl on the table broke the tension. She smiled at me at tinapik yung upuan na nasa tabi niya. I awkwardly smiled back at umupo na din sa tabi niya.

"Thanks."

I uttered. She just nodded and gave me a smile. I tried calming myself. I've never been so embarrassed all my life by people na hindi naman ako masyadong kilala. Only this time. Gusto kong sagutin si Jace sa sinabi niya but I don't understand why I can't dare to do it. Parang umaatras ang dila ko.

They went back from their own businesses. Bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Atty. Uy na papuntahin si Jace sa office niya after the meeting. I feel guilty. Baka pagalitan siya when in fact ako naman talaga ang irresponsible dito. Ayoko na sanang sabihin sa kanya but I realized na pano kung iba naman pala ang dapat nilang pag-usapan?

I took a deep breath. I still need to tell him, bahala na.

"Jace."

I uttered. Halos tumalbog naman ang puso ko ng sabay-sabay silang napatingin sakin. Napalunok din ako ng makita kong tinignan ako ng masama ni Jace.

"He's Alpher. No one dares to call him by his fisrt name. Nagagalit 'yan."

The girl on my side whispered to me. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Eh? Ano namang masama kung tawagin siya sa first name niya? Maganda naman ah!

"S-sorry. Alpher! Yeah, Alpher, ahm ano... Ah, pinapapunta ka pala ni Atty Uy sa office niya ngayon."

Nakatalikod na siya samin ngayon. Nakita kong agad niyang sinara ang laptop niya at inayos ang mga gamit niya. Kinuha na din niya ang bag niya at 'saka tumayo.

On Retrieving The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon