CHAPTER 16

10 4 0
                                    


"Asan si Mommy?"

"Nandoon parin po sa kwarto. Tatlong araw na po siyang di lumalabas, Ma'am. Tapos hindi rin po kumakain."

"Give me the spare key."

Agad na umalis ang katulong namin na si Andeng para kunin ang spare key ng kwarto ng parents ko. Agad na din akong umakyat papunta sa taas.

"Mom?"

Kinatok katok ko ang pinto ng kwarto pero walang sumasagot. Nakita ko namang umakyat din si Manang Lerma at lumapit sakin. She gave me a deep sigh.

"Iha, hayaan mo lang muna siguro ang Mommy mo. Sanay naman na siya sa ganyan."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Si imong mommy, kapag ikalawang linggo ng Agosto, nag-gaganyan siya. Murag nagfafasting. (Parang nagfafasting)"

Nagfafasting? Ba't niya naman gagawin yun eh hindi naman Holy week? Tatanungin ko pa sana si Manang Lerma nang biglang dumating si Andeng dala-dala ang spare keys.

"Ito po, Ma'am Venice."

I immediately took the keys and tried it on the door knob. Agad namang bumukas ang pinto.
Bigla namang hinawakan ni Manang Lerma ang kamay ko. Tiningnan ko siya. Di ko maintindihan kung bakit worried ang facial expression niya, na parang ayaw niya 'kong pumasok sa loob.

"Venice, sana'y maintindihan mo na ang mga pangyayari sa buhay ng pamilya niyo."

Naguluhan ako sa sinabi niya but I just nodded at her at tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto.

Pagpasok ko, bigla akong nakaramdam ng awa nang makita ko si Mommy.

She's sleeping, but she looks so messed up. Ang kalat ng buhok niya, mugto ang mga mata, at sobrang putla ng mukha. May mga bottles din ng wine and alcohols na nagkalat sa loob. Lumapit ako at kinuha ang bottle na nasa kamay niya, which caused her to wake up.

"What are you doing here?"

"Sober up, Mom."

Bigla niyang inagaw ang bote na hawak ko. May kinuha din siyang cigarette sa side table and started smoking it. Agad ko rin yung inagaw sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo, Mom?! Are you killing yourself?!"

"You don't understand. Just leave me alone."

Matigas niyang sabi. Napapikit ako sa inis. I just took a deep breath. Hindi pwedeng pareho kaming mainit ang ulo.

"Mom, just... just stop this okay? You can tell me your problem naman eh. Is it about Dad? Mom, he's just in Cebu for a week. It's just a business trip. Sanay naman na tayo na palagi siyang umaalis diba? What's new?"

Umupo na ko sa tabi niya and slowly took the bottle of alcohol away from her. Akala ko ay magagalit siya pero nagulat ako nang makita kong bigla nalang nagsitulo ang mga luha sa mata niya.

I took my handerkerchief from my pouch at dahan-dahang pinahiran ang mga luha niya. Totoo nga pala talagang sobrang bigat sa dibdib kapag nanay mo na ang umiiyak sa harap mo.

This is my first time to see her like this. She's the bravest woman I know. Simula pagkabata ko, she was always there for me because I was such a frail child. She gave up her career when I was a kid para mabantayan ako lalo ng maayos dahil mahina ang puso ko. And never did I saw her being so messed up like this. Kaya when we migrated to California, I did everything to be strong. I assured her that I can handle myself para hindi na siya malayo kay Dad who back then, was still staying her in PH for our business. And as I was growing independently there, nakalimutan ko ng may pamilya ako dito sa Pilipinas who also needs my support. Lalo na si Mommy. I can't help but to feel guilty. Nandito na nga ako sa Pinas but I still chose to be away from her. I'm such an ungrateful daughter.

On Retrieving The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon