CHAPTER 13

14 4 0
                                    

Note: This chapter and the next one are dedicated to my Birthday boy friend (note the difference, wag ma-issue 😂)  RheinLagdameo! Hahaha! Not really what he's expecting but I think he deserves to finally read these chapters he had been longing to read. Greet niyo nalang din po siya sa comments. Gwapings & single po yan. 😊😂

Oh ayan! RheinLagdameo birthday gift na "to ah? Hahaha! Happy Birthday! ❤

******

"Ven, tama na yan. Nireview naman na natin lahat eh. Papasa tayo don't worry."

Nandito kami ngayoni ni Loraine sa library. Halos 2 hours na kami dito kasi gusto ko talagang pumasa ngayon sa 3 long quizzes namin in different subjects.

Naiinis ako. Nung college ko di naman ako ganito kabobo ah. Ngayon para akong Elementary Grader na kailangang isa-isahin at paulit-ulitin ang pagbabasa ng concepts para lang maintindihan at ma-isaulo. Kainis talaga!

"Ven tama na kasi yan. 30 minutes nalang before time oh, sasakit na ulo mo nyan baka di kana tuloy makasagot."

I sighed. Tama si Loraine. Kanina pa naman talaga masakit ulo ko kakareview. Siguro nga tama na 'to.

"Coffee muna tayo?"

I asked her habang nililigpit ang mga gamit ko. Nakita ko namang biglang ngumiwe ang lips niya.

"Coffee? Okay ka lang? Hahahaha!"

Tinitigan ko lang siya. Oh ano'ng problema sa kape?

"Oo. Bakit may 30 minutes pa naman tayo ah?"

"Yes, pero what I mean is, Ven magsasagot tayo ng long quiz. Kanina kapa nga aligaga dito, magkakape kapa? Baka magpalpitate kana nyan."

I took my bag and books and stood up. Napahawak naman si Loraine sa noo niya, mukhang naiistress ata sakin. Hinawakan ko siya sa balikat at tinapik-tapik.

"Kung coffee lang ang usapan... Loraine, flat 1 na ako. Hahaha!"

Napailing nalang siya at kinuha na din ang mga gamit niya. Sabay kaming lumabas ng library at naglakad papuntang cafeteria. Buti nalang at hindi malayo ang cafeteria sa library.

Pagdating namin, agad akong kumuha ng coins sa purse ko at hinulog sa vending machine. Nang matapos ako, biglang nakunot ang noo ko kasi di ko na makita si Loraine sa kinatatayuan niya kanina.

Lumapit ako papunta sa pwesto niya kanina pero wala talaga. Nilibot ko pa ang tingin ko sa buong cafeteria habang naglalakad pero wala parin ni anino niya. Asan na kaya 'yon? Nauna na sa room? Tss! Di manlang nagsabi.

With that, I decided na pumunta nalang sa room at dun nalang ubusin ang coffee ko. Medyo malayo-layo pa din kasi lalakarin ko from cafeteria to COL Building.

"Ven!"

Agad akong napalingon sa pinto ng cafeteria nang marining ko ang boses ni Loraine na tinatawag ang name ko. She's waving continuously. Sa'n kaya nagpunta 'to?

Tawa siya ng tawa habang kumakaway kaya natatawa din ako habang naglalakad palapit sa kanya.

Malapit na 'ko sa pwesto niya.

On Retrieving The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon