CHAPTER 23

6 3 0
                                    


"Ikaw naman kasi babaita, ba't naman di mo agad ni-inform? Pero in fairness ha? Super men and daks din ang jowabels ng Lola!"

"Ah kaya naman pala nag runaway bride. Pero sino ba ang mas men and daks? The jowabels or the groom?"

"Ay naku beks, di mo masasabi. Parehong pinagpala! Nung nagrunaway nga 'tong Lola natin, aba! Ang mga babaita sa labas nagvolunteer maging substitute bride! But you know, the groom seemed head-over-heels dito sa Lola natin kaya nagrefuse matuloy ang wedding bells!"

Paulit-ulit akong napapaismid sa pinag-uusapan ng dalawang baklang nasa harapan ko. Isa sa kanila si Diyosa, make up artist ko yesterday para sa mock wedding at ang isa naman ay si Mayumi. They're helping me prepare for the event I'm attending 'to. Late na kasi akong dumating tapos sakto pang tumawag sakin si Cherry na halos hindi ko na maintindihan ang salita sa sobrang pressured niya.

("Venice nasan ka? Kailangan ka ngayon sa gym. Kasali kayo ni Alph sa mga magbibigay ng awards sa mga winners.")

"What do you mean?"

("Explain ko sayo. Basta punta ka muna dito sa office ngayon. Asap!")

Dali-dali na akong pumunta dito sa office the moment I heard her words at pagdating ko, nandito na si Diyosa and Mayumi. Common friends pala sila ni Cherry kaya mabilis silang napaki-usapan na ayusan ako to make me look presentable tonight for the pageant dahil isa nga kami ni Jace sa mga magbibigay ng awards, given that Atty. Uy cannot come for he has more important matters to take charge.

And as I was expecting, pinagtitinginan nga ako ng mga tao when I entered the school. Katulad ng dalawang baklang 'to, they can't help but to talk about the commotion that has happened yesterday. Pero instead na mabother ako sa mga bulung-bulungan at chika nila, mas nabobother ako sa mga ikinikilos ni Kent these days. Lalo na kahapon at kanina.

When Monique was gone in the office, bumalik na ako sa upuan at ipinagpatuloy ang pagdododoodle, but this time, my mind's more occupied. I can't help thinking about what I witnessed the last time I saw her with Kent. If I'm not mistaken, para silang nagdedebate that time, sobrang seryoso ng usapan nila to the point na tinaasan na siya ng boses ni Kent which is very unsual of him.

"NO BUTS! JUST LEAVE, MONIQUE!"

"Fine! But I'm telling you, Kent, malalaman at malalaman niya rin ang totoo."

That's exactly what I heard from them. Hindi ko mapigilang mapaisip ng kung ano-ano. Sino ba ang pinag-uusapan nila? At ano ang katotohanan na dapat malaman? Is this about Monique's son? Is he a very ill child at itinatago nila sa kaniya ang katotohanan na malala na ang sakit niya?

Napalakas ang diin ko sa ballpen kaya medyo napunit ang papel na sinusulatan ko. I crumpled the paper at inihagis iyon sa trashbin na hindi naman kalayuan kaya napasok agad ito sa loob. I slouched on Kent's swivel chair habang nakatitig sa kisame at paulit-ulit na pinipindot ang ballpen na tanging rason ng ingay sa loob ng office.

Napailing ako sa mga iniisip ko. Sana hindi tama ang pressumption ko kasi kung yun ang katotohanan, kawawa naman ang bata. Sa murang edad niya, nakakaranas na siya ng sobang hirap dahil sa sakit niya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa. I myself have felt how to be ill when I was a kid. I had a frail heart that time at sobrang hirap kapag sinusumpong ako. Mabuti nalang talaga that we found a great doctor to prevent my heart from becoming more frail kaya mas naeenjoy ko na ang buhay ko ngayon. Mas nagagawa ko na ang mga gusto ko without limiting myself much. Discipline lang ang kailangan.

Besides, kung tama man ang pressumption ko, what does it have to do with Kent? He's a Trauma Surgeon and not a Pediatric Surgeon. He's always in the ER to step into action when severely injured patients are rushed in kaya bakit naman kailangan niyang panghimasukan ang sakit ng bata? I mean, oo, it can be that he's just concerned as he always is, pero diba, kay Monique na mismo nanggaling na tinulungan lang siya ni Kent na makahanap ng doktor para sa anak niya? So what is Kent's role other than that?

On Retrieving The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon