Challenge # 01

63.8K 3K 1.5K
                                    

Remembrance

Gabrielle Anne B. Apelyido

March 05, 2018

Nakaupo pa ako sa loob ng pick up ko habang tinitingnan ang litrato ng lalaking pupuntahan ko ngayon. Too bad for him. It is supposed to be his wedding tomorrow but unfortunately, the supposed to be bride does not want to get married to him anymore. Ang sabi ng kliyente ko, nawala raw bigla ang spark. I rolled my eyes upon hearing her reasons. I know better, surely, she has someone on the sides now. Alam na alam ko na iyon. Minsan tinanong ako ng Ate ko – si Avery, hindi raw baa ko nagi-guilty sa ginagawa ko. I just shrugged. I just give people the messages and I leave, wala namang masama roon.

Adriano Elmo Kaligayahan.

I read the name again. Iniisip ko kanina pa kung bakit pamilyar sa akin ang pangalan niya. Hindi ko sigurado kung bakit, pero it sounds so family, but I didn't give enough thought on this. Kailangan ko lang namang masabi sa kanya ang gustong sabihin ng jowa niyang si Cedley Mariz. Bumaba na ako ng sasakyan. Galing pa ako sa University. Gusto ko lang matapos ang work ko ngayon para bukas, Saturday, magfo-focus ako sa practice ko. Excited akong ipakita kay Popsi at sa coach ko ang bago kong speed.

Napakaliwanag ng bahay sa harapan ko. They're having a party – a stag party. Ikakasal na nga kasi bukas ang Adriano Elmo Kaligayan na ito. Medyo parang mahirap ang kapupuntahan ko ngayon, I have never tried to breakengaged couples apart before. Pero, there is always a first time for everything.

Pumasok ako sa bakuran noong bahay. Ayon sa pagtatanong – tanong ko, the house is owned by a certain Jestoni Ambrosio Jr. Siguro best friend siya nitong si Adriano Kaligayan.

"Man, that name really rings a bell." I said. Nagpatuloy ako sa paglakad. There is a pool party going on. Puro kalalakihan ang bisita. Mga naliligo sila sa pool, iyong iba nagbi-beer pong, iyong iba chill lang habang nag-uusap – usap. Nagpunta ako sa mahabang table kung saan may mha drinks. Kumuha ako ng isang bote ng beer sabay lakad habang nagmamasid – masid.

Where the fuck is Adriano Kaligayahan?

Pumasok ako sa main house. I saw a bunch of people talking. Iyong isang lalaki kinalabit ko. Tumingin siya sa akin, napanganga tapos ay ngumisi.

"Wanna have fun with me tonight, baby girl?" Ang presko. Sarat naman ang ilong. I made a face.

"Eww. Mahiya ka nga sa balat mo. Nasaan si Adriano Kaligayan?"

"Si Adi?' Wika noong isa. "Nasa taas na siya. You must be the stripper. Nice, naka-school uniform ka pa." Dahil nga hindi ako nakauwi sa bahay, hindi ako nakapag-palit ng damit. Suot ko pa ang prescribed uniform ng pinakamamahal kong unibersidad – FEU. Tiningnan ko silang dalawa mula ulo hanggang paa saka ko ininom ng bottoms up ang beer ko. I dropped the bottle and turned away. Ang papangit naman ng mga tao rito.

Hinanap ko sa mga kwarto sa itaas si Adriano Kaligayahan. May tatlong silid roon, sa pangalawang silid ko siya nakita. Nakaupo sa isang swivel chair, may piring sa mata habang nakatali ang mga kamay.

"Hindi na talaga nakakatuwa, Toni. Sabi ko naman sa'yo, magagalit si Cedley." I sighed. Hindi naman magagalit si Cedley. Maybe she's fucking someone now, who knows. I turned the lights on and walked to him. Inalis ko ang piring niya sa mata. Noong una ay wala siyang reaksyon, siguro dahil disoriented pa siya pero hindi naman iyon nagtagal, he looked at me, I saw recognition in his eyes. Napatayo siya. "What the fuck!" He hissed.

"Hey dude." I smiled. "I have—"

"No!" He said. "NO!"

"Teka, anong no? Wala pa nga akong sinasabi. Grabe! Let me have my fun!"

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon