Blood
Annie's
Sinamahan ko si Adi sa unit niya sa Ortigas. Ang tagal naming nag-iiyakan sa labas ng bahay namin. Akala ko talaga hindi na siya titigil, matapos niyang umiyak ay nagpaalam siya sa aking uuwi na. Gusto raw sana muna niyang kalmahin ang sarili niya bago siya bumalik sa burol ng Daddy niya pero hindi ko siya pinayagan dahil naka-motor lang siya at ayoko siyang mag-drive mag-isa. Nagpaalam ako kay Popsi, wala naman tanong – tanong, sinabi ko naman kasi kung anong sitwasyon ngayon nio Adi, pumayag siya kaya heto kaming dalawa ngayon. He was just sitting on the couch. Tahimik na tahimik siya. Ako naman ay nagtitimpla ng tsaa para sa kanya. Palagi kasing sinasabi ni Leina na tsaa raw ang pampakalma.
"Hey..." Inilapag ko ang tasa sa coffee table. Ni hindi siya tumingin sa akin. I just sighed. Hinawakan ko ang kamay niya. Bahagya pa akong umusog para magkatabi kaming dalawa. Noon siya huminga nang napakalalim. Bigla na lang siyang humiga at umunan sa mga hita ko. I caressed his hair. Namumula – mula pa ang mga mat ani Adi.
"Hindi ko man lang siya nakausap." Wika niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya. Pinapahid ko iyon. Hinuli niya ang kamay ko at nilagay sa noo niya. "Kinuha nila si Dad. He's just doing his job." He kept on saying. Huminga ako nang malalim at hinagkan siya sa noo. Hinaplos – haplos ko na naman ang buhok niya. Hindi ko kasi alam kung tam abang magsalita ako ngayon. Naalala ko last year, noong namatay si Uncle Bernard. Iyak lang nang iyak si Momsi at Tita Badet. One week na hindi nagsasalita si Momsi pagkalibing ni Uncle, hinayaan siya ni Popsi, pagkatapos ng isang linggo, saka ko narinig na nagsasabi si Momsi ng mga bagay bagay. She missed him, I do too. Uncle Bernard is so sweet. Kahit na special person siya, natatandaan ko kapag dadalawin namin siya palagi siyang may bigay na kung ano – ano sa aming magkakapatid kaya noong namatay siya, iyak rin kami nang iyak.
"Hindi ko man lang naipakita kay Daddy kung gaano ko siya kamahal."
"He knows that." I said. "I'm sure he knows that. Ganoon naman iyon, sons and fathers has this special connection. I'm sure he knows that, kaya h'wag ka nang malungkot. Wherever he is, alam kong alam niyang mahal na mahal mo siya. Don't be to hard on yourself." Tumango lang siya sa akin at lalong humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Mahal, dito ka lang, pwede?"
I smiled. "Oo naman. Inumin mom una itong tsaa, tapos magshower ka na. Magpapadala ako ng damit kay Avery para bukas, sabay tayong pupunta sa funeral ng Dad mo."
"I don't know what I'll do without you." Sabi niya sa akin. Bumangon siya para hagkan ako sa labi. Mabilis lang ang halik na iyon. Uminom siya ng tsaa tapos ay yumakap na naman sa akin. I want him to feel better, and I will do everything for him. Kung anong kailangan niya ay ibibigay ko.
Matapos niyang maubos ang tsaa ay nagsabi siyang mag-sa-shower na. Ako naman ay iniligpit ko ang mga ginamit kong kasangkapan kanina. Matapos iyon ay pumasok na ako sa kwarto niya. He was sitting on the bed looking at his phone. Tumabi na naman ako sa kanya. He looked at me. Pinakita niya sa akin ang isang message sa inbox ng phone niya. It was from his dad and it was sent hours before he died.
"He said I love you, Son." Napatango lang ako at muli na naman siyang niyakap. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod siya at nagyaya na siyang humiga. Nakayakap lang siya sa akin, ang mukha niya ay nakalapat sa may dibdib ko. Tinatapik – tapik ko naman ang likod niya, hanggang sa bigla na lang maging regular ang paghinga niya. Nakatulog na siya sa pagod.
"I love you and I will be with you." Matagal – tagal akong nakatabi sa kanya, nang masiguro kong tulog na siya ay bumangon naman ako para mag-shower kaya lang pagbaba ko ng kama ay nagising siya bigla.
BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...