Batas
Adriano Kaligayahan's
Adriano Dimaunahan raw iyong pangalan ng complainant na kausap ni Toni. Kanina pa ako ngingiti – ngiti kasi magkapangalan kaming dalawa. Mula sa mesa ko ay tinitingnan ko siya, magkapangalan lang kaming dalawa pero mas gwapo ako.
The man is tall, napakaputi, matangos ang ilong tapos itim na itim iyong buhok. Hindi ko alam kung anong reklamo niya pero natatawa talaga ako. Sinitsitan ako ni Andres Birada. Nakaupo siya sa table sa tapat ko, tinanguan ko lang siya.
Isang buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang lahat ng kagulugan sa buhay ko. Nabigay ko kay Daddy ang hustisyang para sa kanya. Nakakulong na ngayon si General Dominguez – reclusion perpetua ang parusa sa kanya, kung ako ang tatanungin, kulang pa iyon, he needed to pay for the life they took, nabigay ko man ang hustisya para sa kanya, kahit kailan hindi ko na siya maibabalik, hanggang ngayon ay masama ang loob ko, but people I love always tell me that I have to accept it and move on – and I am trying so hard, ang pamilya ko at si Annie, pinadadali niya ang lahat ng ito – I am always thankful that they are around.
Si Saide naman ay nakakulong sa isang mental institute. Wala akong pakilam sa kanya, kahit ilang beses siyang magmakaawa sa akin, hindi ko siya pinakinggan, I can never forgive her for what she did to my father. Hindi niya lang ako ang inalisan niya ng ama, pati na rin ang mga kapatid kong babae. I never knew I could hate someone like this. The mere thought of Saide makes me mad.
Nakaalis na ang lalaking kausap ni Toni. Tumayo siya at may kinausap lang na ilang kasamahan namin saka siya bumalik sa table niya at nagsimula na kaming magkwentuhan.
Bumalik ako sa trabaho dahil iyon ang pinakamagandang dapat kong gawin – ayon kay Mommy at sa mga kapatid ko. Kailangan kong itaguyod ang naiwang pangalan ni Daddy sa serbisyo, he was never a corrupt official, and I am always proud of that.
Naging madali ang lahat ng ito, salamat kay Chief Reyes, kahit siya kasi ay ayaw niyang umalis ako sa serbisyo. Isa pa, ilang beses sinasabi sa akin ni Annie na gusto niyang makapag-asawa ng pulis, kung hindi na ako pulis, hindi na raw niya ako aasawahin. Napakasiraulo talaga.
"Anong reklamo noon?" Tanong ko. "Kapangalan ko pa eh kaya lang di ko mauunahan iyon."
"Tado! Walang reklamo, may pinahahanap lang na kaso, pero matagal na, noong 1980's pa. Ibinigay ko na sa records. Sabi niya babalik siya bukas kasi bukas ng gabi, uuwi na siya ng Pangasinan." Tumwa si Toni. Napansin kong kanina pa siya tingin nang tingin sa orasan niya.
"May date ka?" I asked.
"Oo puta, Pre! Pumayag na si Barang na makipag-milk tea sa akin! Sa susunod, teatea na! Charot lang!" Binato ko siya ng binilot na papel. Si Andres ay tawa nang tawa. "Tarantado! Kapatid iyon ng jowa ko, umayos ka, Toni!"
"Oo, aayos na." Sabi niya pa. "Excited ako, bibilhan ko ng flowers si Barang. Isang taon ko rin siyang sinusuyong makipag-date sa akin. Kung alam ko lang na gusto niya ng sisig, binili ko na lahat ng sisig sa Pampanga! O kaya man, papaluto ako ng isang malaking banyera kay Tita Rosanna at Tita Priscilla." Tawang – tawa na naman ako.
"Kamusta naman iyong boss ni Annie? Nililigawan ba?"
"Sabi ko nga, tingnan – tingnan niya, baka mamaya, gawan siya ng masama noon, mahirap na. Kita mo ba iyong jowa ko? Napakaganda!"
"Mas maganda si Avery." Sabi ni Toni.
"Ah... mas maganda si Aelise." Sabi naman ni Andres. Nagtawanan na naman kami saka kami bumalik sa trabaho. Maagang nag – out si Toni, ako naman ay hinihintay pa ang text ni Annie bago ako magpunta sa office niya. Ayaw niya raw kasi akong naghihintay. Saktong 5:30, tumawag na siya para sabihing sunduin ko siya at susunod raw kami kina Avery sa Gong cha. Agad naman akong lumabas para kunin ang sasakyan ko, pero natigil ako sa paglalakad nang matanawan ko si Tomas sa may entrance ng main office.
BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...