The war is on
Adi's
Saide looked beautiful tonight. Halatang pinaghandaan niya ang birthday date namin, sa kanya birthday, sa akin last date niya. I just do not want to ruin her birthday kay hindi ako nakipaghiwalay sa kanya ngayong week. But tomorrow, first thing, iyon ang sasabihin ko sa kanya. We went to her favorite restaurant – Ernesto's, pinagbigyan ko naman, birthday niya kasi. Nasa second floor ang table naming dalawa. Malapit iyon sa may hagdanan. Mula sa kinauupuan ko ay kitang – kitang ko ang mga tao sa ibaba. She was telling me something, nakikinig naman ako. I was nodding, nagsasabi ako ng mga opinyon ko, pero iba – hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang napansin, pero Saide loves talking about herself. I used to think it's cute, but now, it's kind of boring for me. Ayoko mang ikompara siya kay Anne ay hindi ko magawa.
Wala akong karapatanang ipagkumpara sila ni Anne. Lahat ng babae ay kakaiba. Para silang mga bulaklak, may kanya – kanya silang kagandahan at katangian. Saide is a white rose, si Anne, when I think about her, I think about sunflowers, unique, beautiful, bright.
"So, what do you think?" Tanong niya.
"Ha?"
"About it."
"About what?"
Itinuro niya ang isang kahitang noon ko lang napansing nakapatong sa ibabaw ng mesa. Napatitig ako sa kanya.
"It's my gift no." Natawa naman ako.
"Ikaw ang may birthday pero ako ang may regalo."
"Open it. Regalo ko iyan for now, pero ibabalik mo iyan sa akin." Nagtataka man ay kinuha ko iyon upang buksan. Anong ibig niyang sabihin na ibabalik ko rin iyon sa kanya? What's the point of giving it to me if I will give it back to her? Nang buksan ko iyon ay muntik nang lumuwa ang mga mata ko.
"That's my grandmom's. Binigay niya kay Dad noong magpo-propose siya kay Mommy. Mommy gave it to me, kasi ako ang only girl. I love you, and I see this going there. Kapag nagpropose ka sa akin, I want you to give me that ring."
Pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Makikipag-break na nga ako sa kanya bukas, tapos may pasingsing pa siya ngayon? Ninenerbyos ako. I cleared my throat tapos ay ibinalik ko iyon sa kanya. Laking pagtataka naman niya habang nakatingin siya sa akin.
"Adi?"
"Saide, I..." Sasabihin ko na. Gago siguro kung iisipin pero mas gago kapag pinatagal ko pa ito gayong iba naman ang gusto ko. Gusto ko si Anne, liligawan ko si Anne. "I have no idea how to say this but---"
"Oh nandito ka pala, Adriano!" Natigilan ako nang makita ko si Mr. Apelyido kasama si Miss Bernice, kasunod ang Ate ni Anne at ang asawa nito.
"Friends mo?" Tanong ni Saide sa akin. "Hello, ako po si Saide—"
"Wow, proposal." Sabi noong Reese Demitri. "Remember when you proposed to me and I said no?" Tinawanan niya iyong asawa niyang si Heath Demitri.
"Remember when I told you not to smoke and you said no? I impregnated you and you stopped smoking." Mayabang na wika noong isa.
"Walang connect, Heath."
"Kaya ba taon – taon may anak kayo, Heath para hindi na maninigarilyo itong panganay ko?" Tanong naman ni Miss Bernice.
"Matalino talaga itong manugang kong ito!" Sabi ni Mr. Apelyido.
BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...