Napuruhan
Annie's
"Happy anniversary!"
Kinilig ako nang makita kong ngumiti si Adi sa akin. May ipinakita kasi agad akong cake sa kanya. Ako pa ang nag-bake noon, nagpatulong ako kay Ate Leina kagabi, maghahating-gabi na nga kami natapos kasi nakailang ulit kaming dalawa dahil sa akin iyon. Kinakain ko kasi iyong buttercream tapos iyong isang cake na nagawa namin, pina-chill namin sa ref, pero kinain ni Popsi at ni Uncle David, iyong pangalawang cake, kinain namin nila Momsi, nagutom na kami, so iyong pinakahuling gawa namin ang para kay Adriano.
Isang taon na kami, sinagot ko siya one month after noong nangyari kay Saide. Hindi naman na siya nanggulo pagkatapos noon. Siguro naisip na rin niyang mas maganda kung hindi na lang siya maghahabol, siya naman rin ang nasasaktan. Tinigilan ko na rin ang sideline ko, maliban kasi sa madalas akong napapahamak dahil sa mga galit sa akin.
Hindi doon sa dugo natapos iyong mga pang-aasar sa akin, kahit noong nasa OJT na ako, may nang-uulol pa rin sa akin, palagi akong muntik nang mapaaway sa mga kasamahan ko noon at s aiba pang students dahil sa pang-uulol, napaalis pa nga ako sa OJT ko dahil sa init ng ulo ko, buti na lang tinulungan ako ni Kuya Heath, ni-recommend niya ako sa office ng pinsan niya, kaya doon ko natapos ang oras ko. Hindi ko na hinanap iyong umuulol sa akin, tumigil na rin naman siya pagkatapos ng graduation, saka isa pa hindi ako napapahama, nandyan si Adi, inaalagaan niya ako kahit na madalas niyang makita na kaya ko naman ang sarili ko.
"Thank you, Irog ko." Hinalikan niya ako sa noo. Sinundo niya ako sa trabaho noong hapong iyon. Wala namang pinagbago, NBI agent pa rin siya, katrabaho niya pa rin si Jestoni pero, hindi na nila nisu-surveillance ang bahay namin, wala naman kasi silang nakuha o nakitang evidence na magdidiin sa Popsi ko o sa kahit na kanino sa kanila. May ibang pamilya nang nakatira sa bahay na iyon sa tapat namin. Tahimik naman na ang lahat, kumbaga, everything is back to normal.
"How was your day?" Inakbayan niya ako. I was looking up at him. Wala lang, ang gwapo niya kasi. Iyong hitsura ni Adi, parang boy next door ang datingan pero kapag seryoso siya, sobrang hot niya. Hindi iisang beses na nakita ko siyang nagalit o naiinis pero hindi sa akin, sa work niya, bigla siyang nagta-transform, nagiging sobrang hot niya! Minsan nagme-make out kaming dalawa, hindi ko pinahubad iyong bagde niya, heto na talaga iyong katuparan ng pangarap ko, kung hindi ako magpupulis, magbo-boyfriend na lang ako ng pulis! Ang hot niyang pulis! Sheeet!
"Okay naman. May building kaming in-inspect today kasama si Boss-"Tukoy ko sa pinsan ni Kuya Heath si Uriel Consunji. Sa Consunji Builders ako nagta-trabaho. Private company muna saka ako papasok sa gobyerno, pero sabi ni Popsi, kung gusto ko raw magtatayo na lang kami ng sariling kompanya para sa akin, pero sabi ko pag-iisipan ko pa. Ayoko kasi ng ganoong kalaking responsibilidad agad, gusto ko munang i-enjoy itong mga simpleng tagumpay sa buhay ko – at kasama ko roon si Adi.
"Tapos?" He's always attentive to me. Kinuha niya iyong box ng cake sa akin. Kinuwit niya iyong buttercream tapos pinasok niya sa bibig niya iyong daliring pinagkuwit niya. Napakagat ako ng labi – grabe, napakalandi ko talaga. Kung ano – anong iniisip ko. Jusko. I played with his hair, hinuli naman ng labi niya ang palad ko tapos hinalikan iyon, kinindatan pa ako ng loko. Jusko, kailan ba hindi ako kikiligin dahil sa kanya?
Sumakay na kaming dalawa sa kotse niya. Nauna lang ako kasi nilagay niya sa likod ang cake at siniguro niyang safe iyon.
"May pa-cake ka, ako may surprise." He said.
"Ano?! Dali excited na ako!"
"Secret. Basta." He kissed my cheek and then he drove. Hawak niya pa ang kamay ko habang nagmamaneho siya. Binibitiwan niya lang iyon kapag kakambyo siya o kaya man may kukuhanin. Jusko talaga. Si Avery na lang ang walang boyfriend sa aming magkakapatid, pinagbo-boyfriend na siya ni Popsi, pero mukhang ayaw niya pa rin.
BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...