EPILOGUE

1.8K 34 29
                                    

AUTHOR'S NOTE: Thanks for reading my comeback story huhuhu. Sorry sa mga grammatical & spelling errors if ever. Will try  to edit them later on. If you would notice, simple lang din naman yung story at subtle lang yung romance. Inilabas ko lang talaga yung plot na matagal na sa isip ko. May mga iniwan din akong areas (I can't exactly call them cliffhangers) na hindi inelaborate/close. That's because I'm thinking of turning this is into a series (Byron & Zaldy's story). Pero di ko pa sure. Please let me know what you think about the story. Sobrang maappreciate ko yun kasi nga ang tagal kong tumigil sa pagsusulat. Thanks again!



"Babe?! Are you done dressing Luna?"Nadine called while carrying Lana who's now fresh from bath. Kailangan nilang magmadali dahil malelate na sila. Hindi pa sila nakakaligo dahil inuna muna nila ang mga bata.


"In a bit!"Julian answered. Pagpasok niya sa baby room ay nakita niyang maingat na sinusuotan na nito ng headband si Luna. Their twins were still bald. May pinong-pinong buhok lamang sa ulo ng mga ito. But it's okay because they're just six months old.


Kumakawag-kawag ang mga kamay nito habang nakalapat sa higaan. Si Lana naman ay umiiyak pa galing sa pagkakaligo. She quickly dressed her up and told Julian to hit the shower. Hindi sila kumuha ng nannies dahil gusto niyang maging hands-on sa unang taon ng mga anak nila. But they did get a helper for the household chores.


Nirebisa niya ulit ang laman ng mga bag nila. It was full of diapers, wipes, extra clothes and other baby stuff. Kanina pa nila ipinasakay ang mga strollers sa kotse. Okay, mukha naman walang kulang. Nanalangin siya sa Panginoon na sana ay magbehave ang dalawa at hindi topakin sa pupuntahan nila.


She looked at her girls and beamed. Oo, nakakapagod maging nanay ng kambal pero tuwing tititigan niya ang mga ito ay agad na natutunaw ang pagod niya. Lana and Luna were making soft, cooing sounds. Para bang naguusap ang dalawa sa lenggwaheng sila lang ang nakakaalam.


Her phone rang and she saw Sir Julius calling. He already told her to call him "Dad" but she's still shy.


"Hello po?"

[Sir Julius: Nadine? Are you on your way to the house?] Excitement was evident in his tone as if it's the first time he'll see his granddaughters. E halos araw-araw na nga itong dumadaan sa kanila. He's a doting grandfather. Ngayon pa lang ay natatakot na sya dahil sobra ito mangspoil sa mga apo na wala pa namang muwang.

"Err..hindi pa po eh. Bukas pa po kami makakapunta. We're off to the opening po"nakangiwing sagot niya.

[Sir Julius: Oh...okay. But in case you change your mind, we can fetch you!] he offered, sounding a bit disappointed. Hindi kasi pumasok ang mga ito dahil kagagaling lang sa byahe. Hmmm...ang pagkakatanda niya ay nasabihan naman na sila ni Julian sa schedule nila for Tuesday?

She heard a voice from the background.

[Maám Michelle: We bought a gift for them] Another one? Wala na nga sila halos mapaglagyan! Her shoulders slumped but she faked a cheerful voice. Natutuwa siya dahil mahal na mahal nito ang mga apo pero ayaw sana nilang sanayin ni Julian ang mga bata sa materyal na bagay.


She never imagined Maám Michelle being openly fond of something that does not involve a business deal until the day she delivered Lana and Luna. It was the first time she saw a gentle smile on her face. She even declared that they look like her when she was a baby!

The Boss' FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon