Kabanata 20
Maureen's POV
"What are you doing here?"
Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito sa Madisson? Bakit siya nandito?
Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Simula kasi noong bakasyon ay hindi ko na siya nakita.
He just eyed me. Unti unti niya rin akong binitiwan.
Tinitigan niya lang ako. "I need to talk to you."
Agad kumunot ang noo ko. Bakit niya ako kailangang maka-usap?
"T-tungkol saan ba, D-Darren?" Mautal utal na sabi ko.
"Malalaman mo din. Just meet me. I'll text you the details." Sabi niya at agad din akong tinalikuran.
Teka itetext ako? "Wala akong number mo, Darren!" I shouted at him pero hindi na niya ako nilingon hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Bahala nga siya sa buhay niya! Anlabo din kausap eh. Kailangan daw akong maka-usap, bakit hindi na lang niya sabihin ng diretso? Kailangan pang makipagkita? Tss.
Tapos itetext daw ako wala naman kaming number ng isa't isa!
Bahala nga siya sa buhay niya. Kung idadagdag ko pa siya sa mga iniisip ko ay mababaliw na talaga ako! Hay!
Sinimulan ko nang maglakad. Muntik ko nang makalimutang pupuntahan ko nga pala si Joahnna!
"There you are!"
Napalingon agad ako sa nagsalita.
"Saan ka ba nagsusuot? Pinuntahan kita sa room mo wala ka naman! Sabi mo sabay tayong uuwi?" It's Joahnna! Mukhang kanina pa nga niya ako hinahanap. E kung tutuusin ako ang naghahanap dapat sa kanya. Kung hindi lang ako nahila!
"I'm about to go to the guidance! Sabi mo nadetain ka? Bakit ka ba nag-cut?" Pag-iiba ko. I don't think I need to tell her about Darren. I don't see it that significant.
Joahnna oddly avoided my gaze. "Ah, ang b-boring ng prof namin. Inaantok ako kaya nag-cut ako sa klase niya. Ano tara na?" She said. Inaya na niya ako at nauna pang maglakad.
Kahit nagtataka ay nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya.
Naghanap na kami ng taxi pauwi. Habang nasa taxi kami, nagsalita si Joahnna.
"Why do you think Gian would say that we should stay away from Lisette?" Napatingin ako kay Joahnna. Nakatingin ito sa bintana.
Yun din ang iniisip ko. Naguguluhan na ako kay kuya Gian. Nung una, kay Darren niya ako pinapalayo. Tapos ngayon, kay Lisette naman? Ano ba talagang problema niya?
"Hindi ko alam." Sagot ko kay Joahnna. Hindi ko rin talaga alam kung bakit.
Napatingin ako sa bintana. Nanlaki ang mata ko when I saw a very familiar face on the side of the road!
"Lisette..."
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Joahnna.
"I think I just saw Lisette!" Sabi ko at sinusundan ng tingin ang gawi na nilampasan ng taxi na sinasakyan namin.
"You sure?" Sabi ni Joahnna at sinusubukan ding tingnan ang tinitingnan ko.
"Hell! Yes! Sigurado ako!" Nilingon ko si Joahnna.
![](https://img.wattpad.com/cover/18494318-288-k213684.jpg)
BINABASA MO ANG
My Possessive Brother Is A Mafia
AcciónUNDER EDITING Highest Ranked #33 in Action Maureen Sky Silvestre was the youngest among the Silvestre Brothers. Carlo Sebastian Silvestre was her one possessive brother, but that was not just that. He's a MAFIA-- the whole Silvestres is a mafia. Ho...