CMC-3.

8K 203 5
                                    

nakaupo na lang kami ngayon ni Jackee, sa cafeteria. para kaming naLugi -.-

"haii, napapagod na ko" saad ni Jackee, then he sighed

.

"anong nakakapagod?" *inom juice

lalake sya kung umarte ngayon, kasi nga maraming pips sa paligid, e known pa naman sya as lalaking lalaki, kasi pag nalaman ng tatay nyang super strict na teacher dito sa school na to, e di tigok sya haha^^

.

"pagod sa kakatago ng tunay na beauty ko, grabecious naman kasi.. nakaka asar naa, di tuloy ako makapaglandi kay papa TOP ^^" tss, para namang type sya ni TOP

.

napahinga na lang ako ng malalim, sabay kuha ng camera ko. titignan ko na lang ulit ang mga pictures ni Seven dito. nakakaadik ang picture nya eh. di nakakasawang tignan, kahit paulit ulit ulit ko nang tinitignan, lalo lang akong nababaliw. itong camerang ito, halos puno ito ng picture ni Seven, kahit puro stolen shots lang ang karamihan. okay na okay na sakin ^^

napikturan ko na naman sya kanina sa may punong yun. :) palagi lang eh, pero di ako nagsasawa. sayang nga lang eh, kanina, muntik na ako, di ko na lang tuloy nakuha ang the best shot na sana, yung bang natutulog pa sya nun. tsk sayang yun eh -.-

pero okay lang, atleast nakuhanan ko sya ng picture kanina, 2 shots. dagdag na rin sa photo collections ko ni crush :) syempre bago ako uuwi sa bahay, pahuhugasan ko muna to, para ma'lagay sa album. tsek:) :) 

itong picture nya kanina, halos kapareho lang nung nakuhanan ko lastweek. ganito rin eh, nakasandal sya sa ilalim ng punong yun, taposh nasa ganung pwesto rin ako nang kinuhanan ko sya ng picture, tago din ako sa kabilang puno kung nasan kami kanina ni Jackee. minsan naman, saktong nakatayo lang sya sa ilalim ng punong yun, meron naman sa isang stolen pic na nakuha ko, dun din sa ilalim ng punong yun. nakatayo lang syang tinitignan ang puno, tapos nakapamulsa. at meron naman, nakaupo lang sya dun sa ilalim ng puno tapos di ako sure, pero ayon sa nakuha ko sa picture nya that time, nagsusulat sya. 

naalala ko nung unang captured ko sa kanya nung araw na kaka Transfer nya lang sa school na to, last month atah yun.. matapos ang klase,, sa lugar na yun din sya dumeretso.  

oO! Unang araw pa lang nya sa school na to, agad na kong humanga sa kanya, ang galing nya kasi sa klase, kahit suplado-.- halos lahat kaming mga classmates nya, humanga sa kanya, isa na rin sa dahilan ang pagkagwapo nya, maliban dun ay dahil sa talino nya, kahit di namamansin. kung titignan mo kasi parang di sya nakikinig sa discussion ng teacher, pero lahat ng tanong ng teacher, nasasagot nya, meron nga isang araw, natutulog lang sya nun sa klase, tapos ginising sya ni teacher, pero pati si teacher, napahanga sa kanya nung araw na yun, e kasi naman tinanong sya tungkol sa kung ano ang mga nadidiscuss ni Teacher, at bakit natutulog lang sya. pero graaabe! karay english pa sya kung sumagot noon, lahat nasagot nya, ang haba pa nga eh. may mga dagdag explanation pa. kalain mo yun... muntikan na ngang mahulog ang panga ko ng araw na yun.. grabecious naman kasi! pangarap sya ng kababaihan. napaka perfect! sobraa, kaso nga lang suplado -.-

ahahay! di bale, ang importante, wala pa daw syang girlfriend.. nice dibuh... parehas kaming single aahaha-.-

.

"e ikaw Grace.. di ka ba napapagod?"

"oy! Grace!! para ka na namang shunga! kung makangiti ka wagas!" natauhan naman ako nang bigla akong hinampas ni Jackee ng hawak nyang magazines.. tss,

"panira ka na naman ng moment eh-.-" baling ko sa kanya. moment ko kasing tinitignan ang picture ni Seven ngayon sa camera ko. taposh, eepal sya!

.

"e pano naman kasi. ni hindi mo na ko napapansin, tsaka di ka ba napapagod dyan ah?"

.

"napapagod saan? dito? naku Jackee!---" di ko pa tapos ang sasabihin ko, bigla syang sumabat

"Jack!.. mamaya may makarinig sayo e, wag mo kong ma Jackee Jackee..." maninang saad nya. Hay oo nga pala

.

"pasensya na JACK!" tinapik ko pa balikat nya.

.

"uhmm, wag OA..." sabi nya, bago uminom ng juice.

.

pagkalagay nya ulit ng baso nya sa mesa, nagsalita sya ng maayos, tinignan talaga ako sa mata "ikaw Grace ah, umamin ka nga sakin. sabihin mo yung totoo ha, gusto ko yung totoong totoo.. walang halong biro.." hay e sya nga ang oa kung magsalita eh.

"oo nah, sige, ano ba kasi yan ha?" iritang tanong ko,

.

tinignan nya ako ng seryoso. ang weird eeer... para syang lalaking lalaki haha. malayong malayo kay Jackee... "oy! sabihin mo na nga lang. ano ba yun?! kung makatingin ka naman, parang tatay ko eh."

.

"hay wala.. sigurado naman ako oo lang ang isasagot mo nyan eh"

.

"isasagot sa alin?" =.=

.

"yung...kapag tatanungin kita kung, mahal mo na ba ang Seven na yun"

.

"abah! syempre naman noh! kahit 1 month ko pa lang naging crush yun. mahal ko na yun..:)" oo naman kaya, haha -.-

.

"oh see? sabi ko na eh" maktol nya..hay baklang to talaga, daming ka ek ek'an -.-

Capturing My Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon