CMC-13

5.5K 135 2
                                    

Umalis na ako sa kakahuyan na 'yon, kinailangan ko pa rin bumalik sa room para kunin ang bag ko. . pero nahihiya akong bumalik don.. sigurado, di pa ako titigilan ng mga babaeng klasmeit ko.

haiii. ang hirap nito eh! yung magkagusto sa isang sikat! ma'iissue ka talaga. tsk kala mo naman artista -.-

.

tsk, di bale, si Jack na lang ang utusan kong kunin ang bag ko sa room. sigurado naman ako wala nang klase sa last period, di pa daw kasi tapos ang meeting.

nasa bar house ako ngayon, hinihintay si Jackee.  

una na kasi akong lumabas ng gate, nakakainis mag hintay sa loob ng campus. piling ko kasi lahat na ng studyante, parepareho ang iniisip sakin. ano ba ko? di naman ako sikat.

opoh -.- sa bar house talaga ako ngaun, malapit lang sa school. bat ako nandito? uhaw ako.. yun lang, tsaka an tagal pa kasi ni Jackee, may gagawin pa daw silang props. shunga naman ako kung dun ko sya hintayin sa guard house or sa waiting shed. tinext ko na lang din sya, nah pumunta lang dito.

*inom

*burp! nakaka busog pala ang alak. :D

*inom

hanggang ngayon, di ko matanggap ang nangyayari sa araw na to. kahit nga bukas di ko alam kung kaya ko bang pumasok, nakakahiya naman kasi. . . tama nga naman si Theresa, aasa pa kong magugustuhan ako ni Seven. matalino si Seven, gwapo, mala-sports, tapos ako? ano? isang napaka ewan lang sa paningin ng karamihan.

.

pero ganun man, di ko maiwasang hindi masaktan sa lahat lahat. gusto kong alisin itong sakit, di ko alam pero sa tuwing nakikita ko itong letrato ni Seven kasama ang girlfriend nya, nagseselos ako, naiinggit ako sa babaeng kaharap nya dito sa picture.

*inom

hawak hawak ko ngayon ang camera ko. tinitignan ang mga photos na naka save dito. huling photo na nakuha ko si Seven, yung picture nya habang naglalaro sya ng bad minton..

may isang photo lang talaga dito nah gusto kong i delete, ito yung picture nya nah aksidente kong nakunan ang girlfriend nya.

ang swerte ng babaeng to. 

sana ako na lang Sya. sana hindi na lang ako si Grace. sana ako itong babae sa picture.

.

naalala ko pa kung pano sila masayang nakaupo sa bench na yun, sabay pa silang nagbabasa. ang lapit pa nila sa isa't isa. tapos yung ngiti ni Seven sa tuwing titingin sya sa babae, ngiting may halong saya.

"i love you Seven..."

*inom *burp

"hik. di ko alam, kung pano.. pero mahal na kita...hik"

*inom

uubusin ko na lang tong isang bote.

*inom

"Sheven, hik.. bakit an ssama mo sakin?"

"sa iba indi naman diba? Hik" nagsasalita na atah akong mag isa

*inom

nakaramdam ako ng patak ng luha sa pisngi ko, nang maalala ko lahat lahat, ng pinaggagawa ko sa kanya. kung pano ako, kiligin sa simpleng tingin nya, kung pano ako magtatalon sa saya, sa tuwing may bago akong picture nya. kung pano ako maka ngiti sa tuwing may bagong uplaod sya sa twitter or fb nya, at kung gano ako ka'Saya sa tuwing napapansin nya sa kahit saglit lang.

sa kanya umikot ang buhay ko simula nang dumating sya, simula nang nakita ko sya. masaya ako Oo! masaya ako sa tuwing nakikita ko sya. tapos mamasamain pa nila? hindi naman ako umasang magugustuhan ako ni Seven.

hinde..

"pero tama bang iyakan ko sya ngayon. . ."

*blurding..

Kanina pa malabo ang paningin ko.

alam kong lasing na ako. pero bakit naiisip ko pa rin Sya.

"Hoy! babae ka,,, ano!bat, waaah, uminom ka!?" narinig ko boses ni Jackee,

"huy!! anghel dela hell ka palang babae ka.. anong nangyayari sayo.." niyuyugyog nya ko.

Inangat ko ang paningin ko sa kanya, at ngumiti na parang lasing "hehe.. i love u Sheven..hik" piling ko kasi, si Seven ang nakikita ko ngayon

*pak

aray, bat ako binatukan ni Seven?

"umayos ka ngang babae ka! hindi ako si Seven!.. tsaka anong ilove you ilove you, pinagsasabi mo dyan! lasing ka nga talaga"

kaya pala ako binatukan e si Jackee nga talaga to. asa naman akong nandito si Seven. sumakit ang ulo ko dun ah

.

nang hinah ako, gusto kong matulog

*plank

bagsak ako sa table.

*sleeping

***

minulat ko ang mata ko.. 

ang sakit ng ulo ko. naramdaman ko agad yun

teka nasan ako?

isang unfamiliar na kwarto. unfamiliar na bed, curtains, kumot, at lahat lahat

"waaaaaaaah!" agad sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot. hay suot ko pa rin naman ang damit ko

asa naman akong may mang re rape sakin -.-

TEKA? kaninong kwarto eto, at bat ako nandito

*lingo *lingon

naalala ko, nung huling nagising ako, lasing ako nun sa bar house. pero bat nandito ako bigla? napatingin ako sa bintana, tapos Gabi na.. tinignan ko ang wall clock, 09: pm na..

naku! dapat ganitong oras, nasa bahay na ko.. "shett!"

*blagg. bumukas ang pinto

"Uy leche kang babae ka. gising ka na pala, mabuti naman. dahil kung hindi, bubuhusan na sana kita ng mainit na tubig, para na rin matauhan ka at para na rin mawala yang kalasingan mo. hayy busit ka talaga, kelan ka pa natutong maglasing haa, haa" hano ba naman tong si Jackee, kung maka sermon naman -.- daig pa si Mama..

Capturing My Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon