CMC-5

6.6K 158 3
                                    

naiisip ko na naman ngayon ang sinabi ni Seven, na galing sya sa building-C.. building kasi yun ng mga 3rd year highschool. . curious naman daw ako, kung anong ginagawa nya lagi duon? e nung isang araw dun ko rin sya nakita, nakuhanan ko pa nga ng stolen shot, nasa corridor sya nun, tapos yung arm nya naka support sa may railings, nasa second floor kasi sya nun. 

tapos ang alam ko, kahapon galing din sya duon. ano kayang lagi nyang pinupunta sa building na yun? bilang babaeng patay na patay sa kanya, curiuos ako! malay ko bang, baka may girlfriend sya dun >< ah ganun! wala pa nga naging kami, tinataksil na nya ako! papatayin ko ang babaeng yun! humanda sya!

"di pede!! sa akin lang sya!"

.

().()

*kurap *kurap

"Miss. Sanchez?! may problema ba?" napatingin ako kay Sir.. para akong natauhan. omygad! napasigaw ba ko nun.. ano ulit yung sinabi ko???

Sheyt! nakakahiya. nakatayo pa pala ako. tapos nalapag ko pa atah ang fist ko sa desk, sakit kasi ng kamay ko eh. hanobato-.-

wag nyo kong tignan. nakakahiyaa.. e pano kasi, lahat na ngayon ng mga kaklase ko, nakatingin sakin. AT pati si Seven.. waaaaaaaaaah -.-

gusto ko nang maglaho -.-

pasimple na lang akong umupo ulit, kinuha ko yung libro sa desk ko, tinakpan ko ang muka ko. parang nahihiya ang peg -.- e nahihiya naman talaga ako.

ay nakalimutan ko si Sir, lagot!

"Miss. Sanchez?! hindi ka nakikinig sa klase ko?!" aruyy. mukang galit na sakin si Sir. -.-

what to do?

ano ba naman kasi to -.- 

nakakahiyaa.

nakakahiya talaga kay Seven.. -.- 

gusto ko nang ma dead!

"sorry sir" mahinang sambit ko, nag peace sign pa ako. pero yung gilid ng muka ko, tinatakpan ko ng book, si Seven kasi, piling ko, nakatingin sya sakin.. ayoko naman talaga. nakakahiya eh -.-

***

nag rang na rin ang bell, matapos ang tatlong subjects sa PM..

palabas na ko ngayon ng room-.- naglalakad sa hallway na parang na'Lugi, naka pouted, nakatingin lang sa baba, tapos yung dalawang kamay ko, nakahawak sa strap ng back pack ko -.- nakakalungkot pa rin talaga, di pa rin ako nakaka get over sa nangyari sakin ngayong hapon na to. hay ewan, wala na atah akong mukang ihaharap.. e pano kasi, ang malas ng araw na to.. pinagalitan talaga ako nun ni Sir, Sencio, kasi tinanong nya ko kung ano yung mga dinidisscuss nya, e di ko naman alam -.- kc nga! si Seven ang laman ng utak ko nun, tapos, waaaaaaah nakakahiya talaga! pinalo ba naman ni Sir yung both hands ko gamit ang stick. namumula pa nga eh -.- naka 3 times pa. kaAsar din talaga :| pinagtawanan pa ako sa room, si Seven naman. nakatingin lang sakin nun, kaya sobra akong nahihiyaaaaaaaa.

"pakamatay na ko..." sabi ko na lang sa sarili ko habang naglalakad.. huhuuu nakakahiya naman talaga kasi, lagi na lang akong, napapalpak Eh -.-

"wag ka kasing tatanga tanga" uh? sinong nagsalitang yun? naiangat ko ang ulo o ang paningin ko sa taong nagsalita. nasa unahan ko sya, not exactly sa unahan, mejo sa gilid sa front.

laking taka ko na lang, nang. makita ko kung sino..

nakapamulsa lang sya, 

huminto atah ng lakad para sabihin lang sakin yun -.- 

nakatingin sya sakin ngayon-expressionless

waaaaaaah, ang sabi nya, wag daw akong TaTangaTanga? ().()

=____________=

shemmmmsss. Di ko matanggap... huhu, sinabihan ako ni Seven ng ganyan HUHU! -.- Tanga ba ako? haiiiiiiii...

di tuloy ako makatingin sa kanya ngayon. -.- lalo akong natatanga eh. ang gwapo nya. nakakatunaw, tapos yung puso ko 

panay ang dug dug dug du bug.. ang lakas nga ng tibok ng puso ko... kung ako lang siguro si Jerry ng Tom&Jerry, diba pag kinabahan si Tom or si Jerry, nagtatalon ang heart nila, parang gustong kumawala mula sa katawan nila xD, ganun na siguro ako ngayon. buti na lang Tao ako, ket papano hindi pa rin mahahalata. kasi ako lang ang makakarinig o makakaramdam ng bilis ng tibok ng puso ko ngayon..

.

ni hindi ko nga alam ano ang isasagot ko, o ang sasabihin ko ngayon. napansin ko na lang syang tumuloy ng lakad at nilagpasan ako..

nasundan ko na lang ng tingin.. :(

***

umuwi ako ngayon ng bahay, nang walang laman ang kokote ko. kundi yung nangyari kanina. ang tanga ko.. -.- ni hindi ko na nga hinintay si Jack kanina. nagtext na lang ako dun.

.

"waaaaaaaaaaah!!" nagsisigaw ako ngayon sa kwarto. di ko atah kaya pumasok bukas, super nahihiya ako, ang engot ko talaga. lagi lang eh. nung minsan naman, nahiya ako ng sobra, dahil ako lang mag isa ang nakakuha ng zero sa quiz, e pinost pa talaga ang score naming lahat sa board-.- tapos ang pinaka highest, si Seven. oh dibuh? nakakahiya talaga yun..?

"hukhuk" nagmumukmok na lang ako ngayon

.

tapos hindi ako makatulog. :( ang hirap nito eh. pano ako makakatulog kung laging nag paFlash ang muka ni Seven sa utak ko, ayun oh. lumilipad ang imahe nya sa kisame. >< adik ako nito Eh..

.

bumangon na lang ulit ako, kinuha ko yung album ko, titignan ko na lang ang mga pictures ni Seven. mabuti pa nga :)

Capturing My Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon