CMC-8

5.7K 156 12
                                    

ang tanga ko naman kasi. sana di ko na lang sinubukang magpaturo sa kanya. eto tuloy na'pala ko :(

.

.

umalis pa tuloy -.- teka? san kaya yun pupunta? ^O^

, yieeeeh, susundan ko na naman kaya? ;) oo tama :|D kukunan ko na lang ng stolen pics..

.

tumayo na rin agad ako, at sinundan sya. ahaha syempre di ako nagpapahalata noh? sanay na rin ako eh, expert na ako sa pa Tago Tago, kung saan saan, para akong stalker haha :D sayang nga lang eh, di ko makakasama ngayon si Jackee, sigurado naman ako may klase yun.

yung camera ko naman, anytime, laging handa e :) sinasabit ko na lang kasi sa leeg ko lagi, parang I.D ko na to eh haha. di ako pumapasok sa school pag di ko dala ang camera ko ;) simula 2nd year ako, hilig ko na to, ket nung wala pa si Seven sa buhay ko haha, pangarap ko nga ang maging professional photographer balang araw ^^ o kaya maging artist, hilig ko rin magguhit e *winks* (pangarap din yan ni author :D)

oops! bilis bilis akong nagtago sa may halaman dito sa side, nang makita ko si Seven, huminto nang lakad. bakit kaya?

sinisilip ko na lang muna sya, huminto sya eh, baka lingunin nya ko. napansin nya kaya ako? nasa daanan pa naman sya nang huminto sya, kaya nagtataka ako -.-

.

ay kaya naman pala huminto eh, kasi uupo sya sa may bench dun malapit sa volleyball court.

.

tamang tama, haha  

di naman nya ko nakikita diba? tsaka, mejo side view sya ngayon mula sa paningin ko.

ang cool nyang tignan. aahahayy :) grabe sya, kahit sa anung anggulo. ang cool nya pa ring tignan.

teka, dapat siguro i'captured ko na to..

hinawakan ko na yung camera ko, ini'focus sa area kung san sya..

sakto, nice view *click

ngumiti ako :) yeeeei. dagdag collections! hihi ^^ pahuhugasan ko agad to mamaya :)

"isa pa isa pa" mahinang saad ko sa sarili ko

ifinocus ko ulit sa kanya ang camera,

*zoom, 

izu zoom ko para mas okay :)

.

nakikita ko sya ngayon mula sa camera, sya lang ang tanging nakikita ng mata ko ngayon.. hayy, may pag asa kaya ako sayo Seven? naiisip ko yan habang tinitignan sya mula sa camera.

.

*clicked

saktong pag click ko ng camera, may babaeng lumapit sa kanya,

kaya naman. aksidenteng, na'sali sya sa captured.

agad inalis ko yung camera sa tabi ng muka ko, at tinignan ang pwesto ni Seven. tumayo na ako ngayon ng maayos, habang tinitignan sila.

sila?

naramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak ko sa camera nang makita ko ang ngiti ni Seven.. ngiting patungo sa babaeng nakatayo ngayon sa harap nya. nag uusap sila, parehong may ngiti sa muka nila

naka high school uniform din ang babae, katulad lang ng suot ko, maiksing palda, at knee socks din ang suot nya..

nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib nang umupo ang babae sa tabi ni Seven. Hindi man ako malapit sa kanila, klarong klaro sa paningin ko ang saya sa muka nila.

pero di maalis alis sa isip ko ngayon, ay kung sino at ano ni Seven ang babaeng yun.. ang sikip lalo ng dibdib ko sa tuwing sinasabi ng isip ko nah baka girlfriend nya, pero wala daw syang girlfriend diba? ano yun? jowk lang..

.

para akong napako ngayon sa kinatatayuan ko. gusto ko na kasing umalis mula dito, pero ang hirap ilakad ng paa ko, ayoko na silang tignan, kasi para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib. ang sakit eh.

ang sweet nila... 

ang sweet nilang tignan 

para silang mga mag syotang, sabay sa pagbabasa ng love letter nila -.-

parang sila lang ang tao sa mundo ,sa isip nila..

napatingin ako sa building C na kaharap lang ng volleyball court. nakita ko yung 2nd floor corridor, kung san nakuhanan ko ng stolen picture si Seven doon, last time.

di kaya, , , ang babaeng ito ang laging pinupuntahan ni Seven sa building C?

tinignan ko ulit silang dalawa...

kung iisipin kong mabuti. maari ngang girlfriend sya ni Seven. sa nakikita ko pa lang sa kanilang dalawa ngayon, sa tingkad pa lang ng ngiti nila sa isa't isa, tanga lang ang mag iisip nang hindi sila nagmamahalan..

napahawak ako sa kanang dibdib ko. ang sakit ng tibok ng puso ko. kakaibang tibok, yung tibok na parang tinutusok, tibok na naghahabol hininga, sumusikip ang dibdib ko..

nasasaktan ako.

nasasaktan ako sa mga oras na to ..

"Seven" mahinang sambit ko, habang nakatingin sa direksyon nila. kahit di ko gusto ang nakikita ko ngayon.

"Seven, ," naramdaman ko ang mainit na tubig na dumadaloy sa kabilang pisngi ko.

Seven, bakit... bakit... bakit... Sya?

"hindi ako?" *patak luha sa magkabilang pisngi

nakakaselos, nakakainggit.

nasasaktan ako kahit noon pa man, alam ko nang wala akong pag-asa sayo Seven.. :"(

kahit di mo ko pinapansin, 

kahit lagi mo lang akong dinededma, inaamin ko pa rin ngayon, nah nasasaktan ako

hindi ko naman kasi akalain. 

"may mahal ka na..."

wala pala akong pag asa talaga.. :(

hindi ko na kayang tignan, bawat kilos nyo kasi, iniisip ko nah sana Ako na lang Sya -.-

ang hirap :'(

nasasaktan ako kahit wala akong karapatan sayo "Seven...." :'(

tumalikod na ko nang lakad, di ko lang talaga mapigilan ang luha ko.

Capturing My Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon