CMC-16

5.4K 149 3
                                    

"hindi ko alam!" biglang paagaw ko, naguguluhan ako lalo "hindi ko alam, pasensya na! ni hindi ko naisip na ikaw yun... imposible naman diba?... bakit ka ba ganyan ha? pwede ba.. sabihin mo muna kung sino ka sa buhay ko? At bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan?"

*silence

tahimik syang nakatingin sakin.

hinihintay ko ang sagot nya

yung mga tao naman sa paligid, hindi ko na alam kung ano ang laman ng isip nila, nakakarinig ako ng bulungan nah para bang pati sila, nagugulat sa mga sinasabi ni Seven, may mga nakasilip mula sa pintuan at bintana. ewan, para silang nanonood ng dula dulaan ngayon..

di ko namalayan, nandito na pala ngayon si Jackee, nakatayo sya, nah parang nagtatanong ang isip nya kung anong nangyayari. andun sya ngayon malapit sa pintuan.

ang dami na palang nakatingin. 

buti walang teacher.

nagulat ako nang bigla akong hinatak ni Seven sa wrist, at hinigit palabas ng room.

.

san nya ko dadalhin?

"Grace" narinig ko pang sinabi yan ni Jackee, nang napadaan kami sa tabi nya,

hindi man ako tumingin sa lahat ng studyanteng nadadaanan namin, alam kong sinusundan kami ng tingin.

.

kung iisipin ko, diba ang swerte ko? nakikita nila nah, higit ako ni Seven ngayon, pangarap yun ng mga taga hanga ni Seven.

pero ganun man , di ko maiwasang hindi isipin kung san kami pupunta? at bakit ganito ang nangyayari?

hindi ako makapaniwala

"s-san mo ba ko dadalhin?" nagtatanong na ko, nang nandito kami ngayon sa campus tree's..

wala nang mga matang nakatingin sa'min

.

hindi nya pa ako binitawan. Ni hindi nya sinagot ang tanong ko, sa halip, naglakad pa sya patungo sa di ko alam. napapalakad na rin lang ako

"Grace, bat mo tinatanong yun? bakit tinanatanong mo kung sino ba ko sa buhay mo?" binitawan na rin nya ako, at huminto na rin kami,

eto yung lugar kung san lagi ko syang nakukunan ng picture dito. yung sa ilalim ng puno, kung san dito ko rin sya minsan nakitang tulog..

"dahil di ko alam! di ko maintindihan.. wala akong maalala, naguguluhan ako sa mga sinasabi mo Seven.. ang alam ko lang, ikaw yung Seven na hindi ako pinapansin,, ikaw yung Seven nah hinahangaan ng karamihan.. pero ang mga sinasabi mo ngayon, o yung kanina. hindi ko alam!, gusto kong malaman kung sino ka ba talaga sa buhay ko!" hindi ko alam kung tama ba, pero umaasa ako na sana sya nga yung lalaking naging boyfriend ko bago ako nagka amnesia. imposible, kasi pag nagkataon, napaka swerte ko, , kaya imposible!  

imposibleng sya yon

.

*katahimikan

hinihintay kong magsalita sya, pero wala syang kibo.. nakatingin sya sa mga dahong nalalaglag,

maya maya pa nagsalita na rin sya, pero hindi pa rin sya sakin nakatingin..

"itong punong ito?, , ,itong lugar na to? pati ito ba, binalewala mo na rin?"

anong ibig nyang sabihin ?.?

huminga sya ng malalim bago nagsalita ulit "sa napapansin ko sayo, balewala na nga sayo ang lugar na to, bakit Grace?" baling nya sakin "dahil ba may bago ka nang tambayan? kayo ni Patrick? ganon ba?.. alam mo bang,,, simula nang bumalik ako sa school na ito, lagi kitang hinihintay nah dumating sa lugar na to, kapag vacant time, pumupunta ako dito, hinihintay ka kahit napapansin kong hindi ka na laging tumatambay dito.. lagi mo na lang kasama ang Jack na yon.. alam mo bang, bumalik ako sa paaralang ito, para balikan ka, sa Class-A sana ang section ko, pero nagtransfer ako sa class-B dahil andun ka, kaso lang, nagtataka ako nang nilapitan kita, para bang hindi mo na ko kilala... nasaktan pa ko nun, dahil akala ko may relasyon kayo ni Jack.. kaya hindi ko na nagawang lapitan ka pa para sabihin nah mahal pa rin kita"

dug dug dug dug

"a--ha??" magsasalita sana ako, dahil dun sa sinabi nyang, mahal nya pa rin ako..NAKAKAGULAT

"oO Grace, kahit kelan, di kita kinalimutan, oO bata pa tayo nung naging Tayo, pero masaya akong kasama ka nung mga bata pa tay--"

"t-te-tekaa Seven... hindi ko talaga maintindihan, mahal? Ako? (turo ko pa sarili ko nyan) naging TAYO?" sunod na tanong ko,

.

"Grace! pwede ba.. bakit ba kung magsalita ka parang nakalimutan mo na ang lahat sa atin? kinalimutan mo na ba talaga ako....?"

sya nga siguro ang naging bf ko nun.. sya ba? ...... pero... pero.... pero....  

Nakakamatay isipin, kung sya man yun! panong naging bf ko ang katulad ni Seven.. ito? sya? ang lalaking habulin ng lahat? naging BF ko?... how come?

tsaka mukang hindi nya alam nah nagka amnesia, ako at halos tatlong taon nang di bumabalik ang memorya ko.. lahat ng pagka bata ko, hindi ko na naalala.. life after accident ko na lang ang naaalala ko. 13 years old pa kasi ako nun nang mangyari ang aksidente. so, ibig sabihin, maaga akong nanglandi. at nagka boyfriend ng isang gwapong si Seven? ganon?

ganon ba?

hindi ko alam, ganun ba talaga? -.-

Capturing My Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon