"oh ano? nakausap mo na ba?" agad na tanong nya sakin, andito kami ngayon sa labas ng room nila, teachers meeting nga kasi diba? kaya wala din silang klase at this hour
umiling lang ako.
"Grace naman.." lalaki po talaga sya kung umasta ngayon. naku! kung wala lang tao sa paligid, binatukan na ako nito. salamat na lang tlaga -.-
"e ano kasi e, naghahanap pa ko ng timing..." -.-
bumalik na lang ako ng room, matapos ang usapan namin ni Jackee, papatayin na daw ako ng baklang yun pag di ko makausap ngayon si Seven! hayss alam nya naman kasi kung gano kahirap sakin ang gusto nyang gawin ko-.-
.
malapit na ko sa room namin, nang makita ko ang mga studyanteng nag kukumpulan, yung iba nakasilip sa bintana. anong tinitignan nila sa loob ng room namin? mga nasa ibang sections kasi sila.
teka? lumalala na ba ang mga fans ni Seven..? ngayon sabay sabay na silang sisilip sa room.
"tsk"
tumuloy na lang ako. teka? papalapit pa lang ako sa may pinto, nakatingin silang lahat sakin.. sa akin ba? lumingon pa ako sa likuran ko, baka kasi sa iba sila nakatingin e, pero kahit yung mga studyanteng nasa likuran ko, sa akin nakatingin. ang weird.. may dumi ba ko sa muka?
nakakapagtaka. pero tumuloy pa rin ako, pagkapasok ko ng room.
*blaggg!
anong meron!?
anong nangyayari?
lahat din nakatingin sakin. pati si Seven!
anong meron sakin?
"oh, andyan ka na pala Grace :).." lumapit sakin si Theresa..
nakaramdam ako ng biglang pagtaas ng dugo sa katawan ko, nang makita ko ang hawak nya.
nakakahiya to..
pano napunta kay Theresa ang sketch book ko? puro si Seven ang ginuhit ko dun. may mga sayings sayings pa nga sa bawat guhit, katulad na lang ng: [YOU CAPTURED MY HEART... SEVEN <3] at marami pang iba, sa ngayon. naguguluhan ang isip ko, pano yun napunta kay Theresa!
naalala ko, di ko pala napasok ulit yun sa bag ko bago ako lumabas..
nakakahiya, napatingin ako bigla kay Seven. nakita nya na rin siguro -__-
hihimatayin na atah ako..
"So,, :) eto pala ang dahilan, kaya nangangailangan ka palagi ng pencil" mapangAsar na sabi ni Theresa sakin, pinakita pa sakin ang isang page nah may guhit ng muka ni Seven.
.
umaapaw ang sobrang kahihiyan sa isip ko sa buong katawan ko.. nakita na ba to ng lahat..
nakakahiya.. ano na lang iisipin ni Seven.
Hatakin ko sana yun sa kamay ni Theresa, pero bigla nyang iniwas sakin. kaya di ko nakuha.
.
"aha-haha" tumawa pa sya ng mapang asar bago nagsalita "sa tingin mo naman, may pag asa ka kay Seven.. haha, sa bobo mong yan, di ka na na'hiya, ma--" biglang natigil ang pagsasalita nya, nang biglang hinatak ni Seven sa kamay nya ang sketch book.
oh No-.- lupa, lamunin mo na ko-.- wala na kong mukang ihaharap.
humakbang palapit sakin si Seven, nakatingin ng seryoso
di ako makatingin sa kanya. sobrang nakakahiya. nakakahiya talaga. nanginginig na nga tuhod ko, hihimatayin atah ako nito.
"sabihin mo. bakit mo ginagawa to?" seryosong tanong ni Seven sakin, pinakita pa sakin yung isang page ng sketch book.
di ko alam ang isasagot ko.. hays bakit ba kasii, ngayon pa. bakit ba naman kasi pakikialam pa nila, bat nya pa tatanungin? sariling trip ko na yun.. tsaka ano bang masama? masama ba dahil may GF na sya, ganon.
"tinatanong kita. bakit mo ginagawa ito Grace?" tanong nya ulit, muka syang galit?
yung tono ng pagkasabi nya nun, dahilan ng lalong namuo ang tensyon sa paligid. nginitian pa ko ni Theresa na para bang sinasabi nyang Buti Nga Sayo, epal mo kasi.
konti na lang talaga, iiyak na ko. di ko na kaya to.. masama bang magkagusto sa lalaking nasa harapan ko ngayon! di naman ako umasa ah. tsaka bakit? ako lang ba ang nakiki epal, ako lang ba tong may gusto kay Seven. . tsaka dapat pa bang bigyan ng pansin ni Seven ang pangyayaring to. diba dapat hahayaan na lang nya to. kasi alam naman atah nyang sa gwapo nya palang e di nya maiiwasan nah, pagpantasyahan sya ng kababaihan..
nagulat ako sa biglang paghagis ni Seven ng Sketch book sakin, hinagis sa akin. Nagulat man ako pero nasalo't nahawakan ko naman yun agad. napatingin ako bigla sa kanya
????
"punitin mo lahat yan" saad nya, tapos naglakad na sya palabas ng room
para akong binagsakan ng mga bato, sa narinig ko. nasundan ko na lang sya ng tingin..
di ko alam, pero ang sakit sakin ng sinabi nya.
"e wala ka pala Miss eh haha"
"yoooooh! punitin daw yan!"
"e kung epal nga naman kasi haha"
"haha. sa tingin mo naman kasi, papatulan ka ni Seven"
"asa ka! haha"
"di nya type yung mga bobo :D"
"at lalong lalo na yung tanga haha"
"at lalong lalo na yung katulad mong, walang ka taste taste.." si Theresa ang nagsalitang yan,
"wooooh! punitin na daw yan.. abeh!! tulungan na kita! :D" agad inagaw sakin ng isang klasm8 ko ang sketch book sa kamay ko
akmang pupunitin na nila,
wag
wag
wag
sigaw ng isip ko,
mga pinaghirapan ko yan.
pumatak na ang luha ko,
BINABASA MO ANG
Capturing My Crush (Short Story)
RomansaKung ikaw nah, adik sa crush mo at sa sobrang kaadikan mo sa kagwapuhan nya, pati camera mo, ina'adik mo na rin..pero pano kung sya pala ay--- (basahin)